20/11/2025
❌Mga maling paniniwala sa pagkahawa ng HIV.❌
1. “Nahahawa sa pakikipagkamay, yakap, o simpleng haplos.”
➤ Mali. Hindi naipapasa ang HIV sa normal na skin-to-skin contact.
2. “Pwede kang mahawa sa laway, luha, o pawis.”
➤ Mali. Ang mga likidong ito walang sapat na dami ng virus para makahawa.
3. “Makakahawa sa paggamit ng parehong baso, kubyertos, o plato.”
➤ Hindi totoo. Ang HIV ay namamatay agad sa hangin at hindi nabubuhay sa labas ng katawan.
4. “Nahahawa sa toilet seat, swimming pool, o banyo.”
➤ Mali. Hindi nabubuhay ang HIV sa tubig o sa anumang surface nang matagal.
5. “Pwedeng mahawa sa kagat ng lamok.”
➤ Mali. Hindi nadadala ng lamok ang HIV dahil hindi ito nabubuhay sa tiyan ng lamok at hindi nila naipapasa mula sa isang tao papunta sa iba.
6. “Nahahawa sa paghalik.”
➤ Maling akala. Hindi nahahawa sa closed-mouth kissing.
Bihirang-bihira lang ang panganib sa deep/open-mouth kissing at mangyayari lang kung may dugo sa bibig ng parehong tao.