18/10/2021
Ngayong 4 PM, Oktubre 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,943 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 19,687 na gumaling at 86 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.5% (68,832) ang aktibong kaso, 96.0% (2,617,693) na ang gumaling, at 1.49% (40,761) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 16, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Bagama't bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, huwag tayong maging kampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.