Paete Rural Health Unit

Paete Rural Health Unit Good health is not something we can buy. However, it can be an extremely valuable savings account.-A

01/07/2025
GIFT CERTIFICATES!Ngayong June 13, 2025 ay naganap ang ating Quarterly Voluntary Blood Donation Activity.Nagpapasalamat ...
13/06/2025

GIFT CERTIFICATES!
Ngayong June 13, 2025 ay naganap ang ating Quarterly Voluntary Blood Donation Activity.
Nagpapasalamat po kami sa lahat ng naging blood donors.
Maraming Salamat din po sa One Million Trees Foundation Inc. para sa mga gift certificates.
Ito po ang mga gift certificates ng mga nabunot na blood donors.
Pakikuha na lamang po sa 2nd floor, Paete RHU at hanapin si Ma'am Agie o Ma'am Jas.
Pwede po itong kunin Monday-Friday bukod po sa weekends at holidays.
Maraming salamat po muli sa One Million Trees Foundation Inc. at sa Benga's Restaurant!

2nd Qtr. 2025 Blood DonationIsang oras ng iyong oras, isang bag ng iyong dugo, isang buhay na maililigtas.❤️ Lubos ang a...
13/06/2025

2nd Qtr. 2025 Blood Donation

Isang oras ng iyong oras, isang bag ng iyong dugo, isang buhay na maililigtas.

❤️ Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-donate ng dugo. Sa inyo, may bagong pagkakataon ang bawat buhay na nailigtas!

Magkita-kita po tayo muli sa susunod na bloodletting sa darating na Setyembre 12!

📣 GIVE BLOOD, GIVE HOPE: TOGETHER WE SAVE LIVES 🩸♥️🩸SINO ANG MAAARING MAGBIGAY NG DUGO❓✅ Edad: mula 16 hanggang 65 na ta...
12/06/2025

📣 GIVE BLOOD, GIVE HOPE:
TOGETHER WE SAVE LIVES 🩸♥️

🩸SINO ANG MAAARING MAGBIGAY NG DUGO❓
✅ Edad: mula 16 hanggang 65 na taong gulang. Kailangan ng nakasulat at pirmadong pahintulot ng magulang o tagapag-alaga sa mga bababa ng 18 taong gulang
✅ Timbang: hindi bababa sa 45 kg o 100 lbs (250 ml); 50 kgs o 110 lbs (450 ml).Tatanggapin lamang ang 45-49 kg kung mayroong 250 ml na blood bag
✅ Pulso: 60-100 tibok bawat minuto, regular
✅ Presyon: 90-160 mmHg (systolic) at 60 - 100 mmHg (diastolic).
✅ Walang lagnat o impeksyon (ubo, sipon, lagnat, nagtatae o nagsusuka) isang linggo bago magdonate.
✅ Walang ibang sakit o karamdaman tulad ng sakit sa puso, sakit sa dugo, tuberculosis, malaria, paninilaw
✅ Hindi nasalinan ng dugo sa nakaraang taon
✅ Hindi nagpa-tatoo o nagpabutas ng anumang parte ng katawan noong nakaraang taon
✅ Hindi uminom ng gamot laban sa tigyawat (isotretinoin o retinoic acid) sa loob ng 2 buwan

🩸ANO ANG MGA KAILANGANG GAWIN BAGO MAG DONATE NG DUGO❓
✅ Kumain at uminom ng sapat. Huwag uminom ng alak sa loob ng 12 oras bago magbigay ng dugo.
✅ Mag register at sagutin ang Blood Donor Form
✅ Magpa interview at magpatingin sa isang doktor.
✅ Kukunan ng dugo upang i-test para sa anemia at sa mga nakakahawang sakit.

🩸ANO ANG MANGYAYARI HABANG AT PAGKATAPOS NG BLOOD DONATION❓
1. Humigit kumulang 250-450 ml na dugo ang kukunin.
2. Kadalasan walang nararamdamang kakaiba maliban sa kaunting kirot dulot ng karayom.
3. Maaaring makaramdam ng pagkahilo, pagsuka o panghihina habang pagkatapos magbigay ng dugo. Sa pagkakataon ito'y mangyari, ipamigay alam kaagad sa kumukuha ng dugo o sa doktor.

🩸GAANO KATAGAL ANG PAG DONATE NG DUGO❓
Ang pag screen, pagdonate at paginga matapos ng donation ay aabot ng mga 30-45 minuto lamang.

🩸MAAARI BA AKONG MAKATRABAHO PAGKATAPOS MAGDONATE❓
Oo. Pwede kayo magtrabaho ng karaniwan matapos magpahinga. Iwasan ang pagmamaneho, pagsagawa ng mga kritikal at mabibigat na trabaho ng mga ilang oras pagkatapos magdonate.

🩸KAILAN AKO ULIT PWEDE MAG DONATE NG DUGO❓
Maaari kayong mag donate pagkatapos ng 12 linggo mula sa huling pagbigay ng dugo.

07/06/2025

May mga araw talaga na kahit ang isang ‘"kumusta?’" ay mahirap sagutin.
At kung isa ka sa mga tahimik na lumalaban ngayon, hindi ka mahina.
Nagpapahinga ka lang para sa ibang mga laban na mahalaga.

06/06/2025

Walang mukha o kasarian ang HIV at AIDS.

Importanteng malaman ang HIV status para maaga ang pagkuha ng serbisyong makatutulong sa pagmanage nito.

Hatid ng DOH ang libreng:
🛡️ Combination prevention method (condoms, lubricant, at PrEP)
🔎 HIV screening at confirmatory testing
💊 Antiretroviral therapy
🧠 Mental health at psychosocial support

Alamin ang mga serbisyo para sayo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs.




03/06/2025
📣 Panawagan sa lahat ng nais mag-donate ng dugoInaanyayahan ang lahat na makibahagi sa gaganaping Voluntary Blood Donati...
02/06/2025

📣 Panawagan sa lahat ng nais mag-donate ng dugo

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa gaganaping Voluntary Blood Donation, na isasagawa sa pakikiisa sa pagdiriwang ng WORLD BLOOD DONOR DAY, na may temang
"Give blood, give hope: together we save lives."

📅 Araw: June 13, 2025 (Biyernes)
🕒 Oras: 8:00 AM hanggang 3:00 PM
📍 Lugar: Paete Rural Health Unit.

Paano Mag-donate:
🩸 Pumunta sa donation center sa itinakdang oras.
🩸 Magdala ng valid ID at maging handa sa pagsagot ng ilang pangunahing tanong tungkol sa kalusugan.
🩸 Tumatagal ang proseso ng donasyon ng humigit-kumulang 15-20 minuto.
🩸 Matapos mag-donate, maaari kang magpahinga at kumain ng meryenda upang makabawi ng lakas.

Sino ang Puwedeng Mag-donate?
✅ Mga malulusog na indibidwal na may edad 16 hanggang 65 taon.
✅ May timbang na hindi bababa sa 110 lbs (50 kg).
✅ Walang kasaysayan ng sakit sa puso, diabetes, o kamakailang operasyon.

Sama-sama tayong tumulong at magbigay buhay! ❤️

Conducted a Purok Kalusugan meeting at Brgy. Ibaba del Sur, Ilaya del Norte, and Ilaya del Sur together with our Baranga...
13/05/2025

Conducted a Purok Kalusugan meeting at Brgy. Ibaba del Sur, Ilaya del Norte, and Ilaya del Sur together with our Barangay Health Workers (BHWs), the Kagawad on Health, and the Barangay Captain. The discussion focused on non-communicable diseases, WASH (Water, Sanitation, and Hygiene), breast examination, Pinggang Pinoy, and promoting a healthy Pilipino lifestyle.

This activity was conducted under the supervision of our MHO, Dr. Donne Randolf M. Framil, and PHN Adrian Cagahastian, whose unwavering support and commitment to community health made this initiative possible.

Special thanks to our DMO, Niña Rheamer Salem, for her guidance and support.

May 9 and 13, 2025

📣PATANTO SA PUBLIKO📣Mula sa Tanggapan ng KalusuganAng Paete RHU po ay sarado sa Huwebes at Biyernes (Abril 17 at 18, 202...
16/04/2025

📣PATANTO SA PUBLIKO📣
Mula sa Tanggapan ng Kalusugan

Ang Paete RHU po ay sarado sa Huwebes at Biyernes
(Abril 17 at 18, 2025) at magbubukas na muli sa Lunes
(Abril 21, 2025).

Narito po ang mga contact details para sa serbisyong medical via Telemedicine at pangangailangan sa ambulansya:

🚑Paete RHU Ambulance - 0961-484-9657
☎️Dr. Donne Randolf Framil (MHO) - 0962-291-9203
📱Facebook messenger: Donne Framil
https://www.facebook.com/profile.php?id=61571388256760

08/04/2025

Paghandaan ang patuloy na pagtaas ng Heat Index sa iyong lugar! ☀️

Kapag ang heat index ay mataas, mas tumataas din ang panganib ng pagkakaroon ng heat related illnesses gaya ng:
⚠️ Dehydration
⚠️ Heat Cramps
⚠️ Heat Exhaustion
⚠️ Heat Stroke

Alamin ang heat index forecast ng iba’t ibang lugar sa pagasa.dost.gov.ph. 🌡️

Maging handa, maging ligtas laban sa banta ng matinding init! ☀️

Address

2-058 F. Sario St., Brgy. Maytoong
Paete
4016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paete Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Paete Rural Health Unit:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram