30/09/2025
𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐒𝐮𝐢𝐜𝐢𝐝𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟓
Su***de is not just a statistic; ito ay isang reyalidad na nakakaapekto sa pamilya, kaibigan, paaralan, at buong komunidad. Sa likod ng bawat numero ay isang pangalan, isang kwento, at isang buhay na mahalaga at may halaga. Kaya ngayon, panahon na para baguhin natin ang kwento.
Changing the narrative means turning away from silence and stigma, at pagpili ng pag-unawa, pagtanggap, at pag-asa. Ibig sabihin din nito ay pagbubukas ng mga usapan na madalas nating iniiwasan, at pagpapaalala sa lahat na ang paghingi ng tulong ay hindi kahinaan, kundi lakas at tapang.
💬 Ang simpleng “Kumusta ka?” pwedeng magsimula ng pagbabagosa estado ng mentalidad ng tao.
👂 Ilang minutong pakikinig na may malasakit ay pwedeng magligtas ng buhay.
🤝 Ang maliit na reach out sa kapwa ay nagpapaalala na sila ay mahalaga at hindi sila nag-iisa.
Habang papatapos ang buwan, nananawagan kami sa mga kabataan, lider, g**o, magulang, at bawat komunidad:
Makinig nang may puso. Words matter, pero mas mahalaga ang presence.
Break the stigma. Pag-usapan natin ang mental health tulad ng physical health.
Kumilos. I-share ang resources, mag-umpisa ng conversations, at maging boses ng pag-asa sa inyong paligid.
at ang pinaka mahalaga,
MAKIPAG UGNAYAN SA LOKAL NA PAMAHALAAN AT TANGGAPAN NG PAMBAYANG DOKTOR PARA SA PROPESYUNAL NA SUPORTANG KINAKAILANGAN.
Sama-sama tayong lumikha ng Kultura kung saan walang nakakaramdam na invisible sila, hindi pinapansin, o hindi minamahal. Sama-sama tayong maging henerasyong pumipili ng buhay, ng pag-asa, at ng kagalingan.
Today and every day, sumama ka sa kilusan to . Share this post, kumustahin ang isang kaibigan, at maging dahilan kung bakit may pipiliing manatili.
Ikaw ay mahalaga. Mahalaga ang kwento mo. Mahalaga ang buhay mo.
***dePreventionMonth