Dr. Terryl Gamit-Talabong

Dr. Terryl Gamit-Talabong Doctor of Optometry. Vice Mayor of Pagsanjan.
20+ Years in Public Service; Subok na sa Serbisyo! Mata at Boses natin sa Sangguniang Bayan.

10/05/2025

BUONG PUSONG MENSAHE MULA KAY MAYORA TERRYL GAMIT-TALABONG

Pakinggan ang buong talumpati ni Mayora Gamit sa ginanap na Miting de Avance ngayong gabi sa Pagsanjan Plaza.

Isang mensaheng nagmumula sa puso — hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa serbisyong totoo, tapat, at makatao.
Ito ang paninindigan ng isang lider na kasama at kaagapay ng bawat Pagsanjeño sa laban para sa mas maayos, mas maunlad, at mas makatarungang bayan.

Dahil ang tagumpay ng lider ay tagumpay ng taong bayan. 🩷



Maraming Salamat, Pagsanjan!Hindi ito simpleng pagtitipon—ito ay isang patunay ng ating pagkakaisa at malasakit sa kinab...
10/05/2025

Maraming Salamat, Pagsanjan!
Hindi ito simpleng pagtitipon—ito ay isang patunay ng ating pagkakaisa at malasakit sa kinabukasan ng ating bayan.

Ang inyong presensya kanina sa Miting de Avance ay isang makapangyarihang mensahe:
Ang pagbabago ay hindi lang pangarap — ito ay sama-samang isinusulong!
Mula sa puso, maraming salamat sa bawat Pagsanjeño na nakiisa, hindi para sa amin, kundi para sa ating mahal na bayan ng Pagsanjan.

Ang tunay na panalo ay ang bayan!








Terryl Gamit Talabong
Volunteers for Team Mayor Gamit

HAKBANG NG PAGKAKAISA, ALAY SA BAYAN  Maraming salamat sa bawat puso, bawat hakbang, at bawat ngiting ipinakita ninyo sa...
10/05/2025

HAKBANG NG PAGKAKAISA, ALAY SA BAYAN
Maraming salamat sa bawat puso, bawat hakbang, at bawat ngiting ipinakita ninyo sa ating Unity Walk para sa Pagkakaisa at Pagbabago.

Hindi man tayo ang pinakamalakas sa pera, tayo ang pinakamalakas sa paniniwala, prinsipyo, at malasakit. Kusang-loob nating pinili ang pagkakaisa kaysa banggaan at kapakanan ng Pagsanjeño kaysa pansariling interes.

Ang laban na ito ay hindi tungkol sa iisa — ito ay laban para sa kinabukasan ng buong bayan. At habang tayo’y naglalakad nang magkasama, alam nating malapit na ang tunay na pagbabago.

Tuloy ang laban. Sama-sama hanggang dulo!










Terryl Gamit Talabong
Volunteers for Team Mayor Gamit

10/05/2025

👵🏼👴🏼 PRIORITY KO ANG SENIOR CITIZENS 💗

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Terryl Gamit, hindi na kailangan pang pumila, mamasahe, o maghintay ng matagal para sa ayuda at benepisyo.

🩷 Lahat ng tulong at ayuda ay dadalhin direkta sa mga barangay centers — para mas madali, mas mabilis, at mas maayos.
🩷 Lahat ng walang pension ay bibigyan ng tamang assistance mula sa munisipyo.
🩷 Sagot na rin ng administrasyon ni Mayor Gamit ang maintenance medicines ng mga senior citizens — upang ang natatanggap nilang pension ay mapunta na lang sa pagkain at panggastos para sa pamilya.

Ang pondo sa Lugaw, babawasan at ilalagay sa gamot ng SENIOR CITIZENS. Tamang prioritization ang kailangan ng ating bayan.

Kung gusto at priority ng Mayor, may paraan.
At sa administrasyon ni Mayor Gamit, ang mga Senior Citizens ay hindi isasantabi.





HAKBANG NG PAGKAKAISA, ALAY SA BAYAN 🩷Isang panawagan para sa pagkakaisa at pag-asa!Inaanyayahan namin ang lahat ng Pags...
09/05/2025

HAKBANG NG PAGKAKAISA, ALAY SA BAYAN 🩷
Isang panawagan para sa pagkakaisa at pag-asa!

Inaanyayahan namin ang lahat ng Pagsanjeño na makiisa sa isang makabuluhang lakad kasama ang TEAM MAYOR GAMIT, bilang pagpapakita ng ating hangarin para sa bagong Pagsanjan — isang bayan na may malasakit, katarungan, at tunay na serbisyo para sa lahat.

🤝 Kusang-loob naming kinansela ang aming motorcade para sa kapakanan ng bawat Pagsanjeño at bilang respeto sa kabilang partido na may nakatakda ring motorcade sa parehong araw. Ayaw naming maging sanhi ng matinding trapiko, at abala sa mamamayan.

Sama-sama tayong lalakad, hindi bilang magkakahiwalay na kulay, kundi bilang nagkakaisang mamamayan na may iisang pangarap: ang isang Pagsanjang mas maunlad, mas makatao, at walang iniiwan.

Kita-kits sa Pagsanjan Arch sa May 10, 2025!
📍 3:00 PM — Call Time sa Pagsanjan Arch
🚶‍♀️ 4:00 PM — Unity Walk patungong Pagsanjan Town Plaza
📣 7:00 PM — Simula ng Meeting de Avance sa Town Plaza

Paalala:
🩷 Magsuot ng pink o white, magdala ng ngiti, at sama-samang lumakad para sa pag-asa at tunay na pagbabago.

☂️ Magdala rin ng pamaypay at payong panangga sa init o ulan.






09/05/2025

PAMUMUNO NA MAY TAKOT? HINDI ‘YAN ANG SERBISYONG NARARAPAT.

Ang pamumuno sa isang bayan ay hindi dapat pinaiiral ng takot —
❌Takot na hindi matulungan
❌Takot na matanggal sa listahan
❌Takot na mahuli ng taga-lista

Demokratiko tayong bansa.
Karapatan natin na malayang pumili ng lider na may malasakit, hindi pananakot.

Hindi dapat takot ang dala ng isang lingkod bayan — kundi kapanatagan sa pagkakaroon ng gobyernong maasahan.

Sa bayan na gusto nating itama ang sistema,
katotohanan, kalayaan, at dignidad ang dapat nangingibabaw.





08/05/2025

PANAHON NA PARA SA MAS MALAWAK NA SERBISYO🩷

Marami po tayong gustong maitulong sa ating bayan — pero bilang Vice Mayor at Konsehal, walang pondo diyan na pamigay kahit singko.

Kaya ngayon, lumalaban tayo bilang Mayor, upang maisakatuparan ang mga proyektong tunay na makakaangat sa buhay ng bawat Pagsanjeño.

🎓 Priority ko ang edukasyon.
Layunin nating makapagbigay ng 1,000 iskolar kada taon — dahil ang edukasyon ang susi sa tunay na pagbabago.

Hindi lang panandaliang ayuda ang kaya nating ibigay, kundi pangmatagalang solusyon: trabaho, kabuhayan, at oportunidad.

Dahil sa administrasyon ni Terryl Gamit, hindi lang ngayon ang iniisip — kundi ang kinabukasan.





08/05/2025

HINDI LAHAT NG KWENTO, BUO. 🩷
Ang tinanggal na budget sa mobile kusina ay inilagay sa GAMOT para sa seniors.

Ibinabato na naman ang isyu tungkol sa pagbawas ng pondo sa lugaw — pero hindi sinasabi ang buong katotohanan:
Inilipat ang pondo para sa mas mahalagang pangangailangan — ang GAMOT ng ating mga SENIOR CITIZENS.

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Terryl Gamit, malinaw kung ano ang prioridad:
🩷 Mga Senior Citizens
🩷 Edukasyon
🩷 DIGITALIZATION - Walang Palakasan

Dito napupunta ang pondo ng bayan — sa mga proyektong tunay na napapakinabangan.




07/05/2025

🩷ISANG PAGKAKAISA NG PANININDIGAN.🩷
Lubos ang aming pasasalamat kay Sir Danilo "Danny" Francisco, Laguna Coordinator ng Kakampinks at ng ML Partylist, sa kanyang tiwala at pag-endorso sa laban ni Mayor Terryl Gamit.

Sir Danilo "Danny" Francisco
KAKAMPINK and ML Partylist Laguna Coordinator
Acting Chair of ADAPFAMACO (Samahan ng PWD)

Magkaiba man sa iba’t ibang larangan, iisa ang pinaninindigan:
🩷 ZERO KORAPSYON
🩷 PAGTATANGGOL SA MGA WALANG BOSES
🩷 PANININDIGAN SA TAMA — KAHIT MAHIRAP

Ang pagkakaisa nating ito ay hindi lang tungkol sa halalan, kundi sa mas malawak na layunin para sa isang matino, makatao, at makatarungang pamahalaan.

Maraming salamat, Sir Danny, sa tiwala at paninindigan. Sama-sama tayo sa laban na ito — para sa Pagsanjan, at para sa bayan.






Address

Brgy. Buboy
Pagsanjan
4008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Terryl Gamit-Talabong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category