22/08/2025
PWD OPEN LETTER
OPEN LETTER TO THE CONCERN AGENCIES
Sa Kinauukulan,
Kami, ang sektor ng Persons with Disabilities (PWDs), ay muling kumakatok sa inyong tanggapan. Sa kabila ng malinaw na nakasaad sa batas, ang Magna Carta for PWDs at iba pang pambansang polisiya, patuloy ang diskriminasyon sa amin sa iba’t ibang LGU: kakulangan sa access, hindi pagkakasama sa mga programa, at kawalan ng boses sa desisyon.
Nakakalungkot na sa kabila ng aming mga hinaing, tila nananatiling tahimik ang inyong opisina. Wala kaming nakikitang malinaw na aksyon laban sa mga LGU na lumalabag, at walang napaparusahan kaugnay sa diskriminasyon.
Ang aming panawagan ay simple: Ipatupad ninyo ang batas. Panagutin ang mga LGU na bumabalewala sa karapatan ng mga PWDs.
Hindi awa ang hinihingi namin, karapatan, respeto, at hustisya ang aming isinusulong.
Huwag ninyong hayaang manatiling invisible ang sektor ng PWD. Kung walang agarang tugon, ano na ang katuturan ng pamahalaan ng mga ahensiya ng gobyerno, saan na lalapit ang publiko, sino na ang mangangalaga sa mga karapatan, dahil ang karapatan ng tao ay hindi maaaring ipagpaliban.
Taos-pusong nanawagan,
Ang Komunidad ng Persons with Disabilities