27/09/2025
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก: ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐๐ก๐ง๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐จ๐ฃ, ๐๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐ก๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐จ๐ก๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐จ๐ฃ, ๐ฎ๐ ๐จ๐ฃ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐๐ฅ๐๐๐๐ ๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐๐ก ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐
๐ฅ๐๐๐ข๐๐ก๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ฉ๐๐ฆ, ๐จ๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐๐ก!
Ngayong araw, ika-27 ng Setyembre, naglabas ng pahayag ang mga pormasyon ng UP Tacloban College sa pagkilala sa pagiging kinatawan ng kanilang konseho bilang representasyon ng kanilang sangkaestudyantehan, matapos harangan ang konseho ng administrasyon ng yunit sa pagsasagawa ng mga inisyatiba nito ukol sa papalabas na .
Bilang pagbibigay konteksto, naglabas ang UP Tacloban Student Electoral Board ng โSEB Resolution No. 2025-003: A Resolution for the Designation of Interim Student Body Representatives for the First Semester of Academic Year 2025-2026.โ Ito ay tugon sa lumipas na sa petsa ng termino ng ika-46 UP Tacloban Student Council mula sa kanilang pagkakahalal noong ika-13 ng Setyembre 2024. Katuwiran ng resolusyong ito na hindi na maaaring kilalanin ang mga incumbent na opisyales dahil lagpas na sila sa isang taong termino. Sa kagyat, sila ay nililimitahan din sa mga maaari nilang gawing hakbang para magserbisyo sa loob at labas ng komunidad ng UP Tacloban sa paggamit ng teknikalidad ng terminolohiyang โrepresentativesโ na ihinihiwalay sa depinisyon ng isang โstudent council.โ
Makikita ito sa naging tugon ng administrasyon ng UP Tacloban nitong mga nakaraang araw, kung saan nasa ilalim ng Signal No. 3 ang Leyte dahil sa . Dahil dito, naglunsad ng insiyatiba ang ika-46 UP Tac SC para magpatuloy sana ng mga estudyanteng nangangailangan ng masisilungan sa tumitinding peligro na dulot ng bagyo. Ngunit, ito ay hinarang ng administrasyon ng UP Tacloban, at sa halip ay pinagsabihan ang UP Tac SC na huwag nang mangimbita pa ng mga mag-aaral na pumunta roon.
Karagdagan dito, naglunsad din ang konseho ng donation drive sa pamamagitan ng plataporma nilang Bulig Oble para sana sa mga pinansyal o in-kind na mga tulong sa mga nais magpaabot nito. Sa nakalulungkot na tugon, mangilang ulit na tinawagan ang incumbent na tagapangulo ng konseho para sabihang tanggalin ang mga post na ito sa kanilang page sapagkat โmisrepresentationโ daw ito. Tinutukoy nila na ang mga daluyan na nasa post ay pagmamay-ari ng isa sa mga ika-46 UP Tac SC, na siyang โrepresentativeโ na nga lang daw at hindi na opisyal na miyembro ng konseho, ayon sa resolusyon ng kanilang SEB na pinamumunuan rin ng administrasyon.
Ang hindi makatarungang paggamit ng ganitong uri ng burukrasya ay hindi nagpapanatili ng pagiging organisado ng isang institusyon. Sa halip, ito ay humaharang sa tunay na representasyon at karapatan ng mga mag-aaral ng UP Tacloban na maging kanlungan ang pamantasang-bayan. Hindi teknikalidad ang natatanging batayan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad, at mas lalong ang batayang serbisyo sa mga estudyante ay hindi nakukulong sa mga resolusyon at papeles kung demokrasya at buhay na ang nalalagay sa alanganin.
Habang pinipigilan ang mga lider-estudyante na mag-alok ng kanilang mga maitutulong sa mga mag-aaral, g**o, at kawani ng komunidad, wala rin namang maipaabot na tulong ang mismong administrasyon ng UP Tacloban kung siyang ayaw nilang pakilusin ang mga nasa konseho dahil sa teknikalidad ng kanilang mga puwesto. Sa ganitong kalagayan, sino ang aalalay, magseserbisyo, at magpapatuloy sa mga nangangailangan sa kanilang pamantasan? Kung hindi ang mga lider-estudyanteng nakikipagsapalaran pa upang maging mga lingkod-bayan, sino ang pangunahing magbubukas ng kanilang mga pintuan para masiguradong ginagamit natin ang bawat silid-aralan at bulwagan bilang tanggapan ng ating mga kababayan?
Bilang halimbawa, ang UP Los Baรฑos na nakapailalim sa Signal No. 2 ang kinaroroonan sa kasalukuyang bagyo ay binubuksan ang pamantasan para magpatuloy sa mga nangangailangan ng kanilang mga espasyo. Mismong may bulwagan pa itong nakalaan para tumanggap at magpaabot ng tulong sa mga residenteng kailangang sumilong sa kanila. Sa pamamagitan ng kanilang Serve The People Brigade - UPLB, nakatalaga rin ang mga lider-estudyante upang magpaabot ng mga makakain para sa mga nakapalibot na barangay na apektado ng bagyo. Isa, sa napakaraming pagpapakita na likas ang pagseserbisyo ng mga iskolar ng bayan, at hindi sinasarado ang pamantasan, lalo na sa mga oras na kailangan ito bilang takbuhan ng mga nangangailangan.
Ang mandato ng Unibersidad ng Pilipinas ay ipamalas ang dangal, husay, at serbisyo. Hindi matatagpuan ang dangal kung tinatalikuran mismo ng administrasyon ang mga nangangailangan sa mga espasyo nito, lalo na sa mga panahong ang mga sakuna ay walang pinipiling lugar at panahon. Malabo nating mapayayabong ang husay ng ating mga mag-aaral kung ituturo nating may limitadong petsa ng bisa lamang ang paglilingkod. Higit sa lahat, ang serbisyo ng mga iskolar ng bayan ay hindi natatapos sa loob ng kanilang mga nakatalagang termino at sa loob lang mismo ng pamantasan. Sumusuong ito sa kahit ano pa mang ulan, baha, o hagupit ng hangin, masigurado lamang na hindi sila napeprente sa kanilang mga pribilehiyo habang lumulubog na ang kanilang bayan.
Sa lahat ng puntong ito, mariin din nating pinapaalala at tinitindigan na ang mga konseho ng mga mag-aaral ay may sariling katayuan. Ang mga mag-aaral ang nagpapasya kung sino ang kanilang magiging mga kinatawan, hindi ang mga adminstrador ng pamantasan. Ang esensya ng konseho ay para magkaroon ng tunay na tinig na primaryang pinaglilingkuran ang interes ng mga kapwa nila mag-aaral. Kaya hindi ito pinauubaya sa ibang opisina. Sa kabila ng mga naging tagumpay ng mga mag-aaral nitong mga nakaraang araw upang tumindig sa mga malawakang katiwalian sa pag-organisa ng mga wokawt at kilos-protesta, kitang-kita ang kahalagahan ng may tumitindig at nangungunang konseho sa libo-libong mga mag-aaral na biktima ng mga sakit sa lipunan, tao man o kalikasan ang sanhi nito.
Kinukundena ng OSR, KASAMA sa UP, at UP Solidaridad ang represyong ipinapataw ng administrasyon ng UP Tacloban sa mga mag-aaral at konseho nito. Hindi ito ang unang pagkakataong pinapabayaan ang komunidad ng yunit para tumugon sa kanilang mga nararanasang kahirapan. Mangilang beses na ring naiulat na walang-kibo at kibit-balikat lamang ang tugon ng administrasyon sa mga pananamantala, paninitiktik, at panunupil ng estado sa mga mag-aaral nila.
Mula sa nag-iisang kinatawan sa BOR ng mahigit 60,000 na mga mag-aaral sa UP, mula sa Katipunan ng mga Sanggunian ng mga Mag-aaral sa UP, at mula sa nagkakaisang alyansa ng mga publikasyon at mga manunulat sa UP, inuudyok namin ang administrasyon ng UP Tacloban na muling bisitahin kung para kanino nga ba ang inyong serbisyo. Ito ba ay naipamalas ninyo sa pagtalikod sa mga nangangailangan ng inyong bukas-palad na pagseserbisyo sa gitna ng nang-aagaw buhay na sakuna?
๐๐ข ๐๐๐ง๐ง๐๐ฅ, ๐จ๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐๐ก!