03/11/2025
๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐จ๐ฅ๐, ๐๐๐ก๐๐, ๐๐ง ๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐๐ข๐ง ๐ก๐ ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ โ๐ง๐๐ก๐ขโ
Public Advisory No. 2025-043 | November 3, 2025
Ayon sa ulat mula PAGASA Visayas PRSD, patuloy ang monitoring sa galaw at sitwasyon ng Bagyong โTinoโ na kung saan ito ay inaasahang unang tatama sa kalupaan ng Eastern Visayas. Dahil dito, asahan ang malakas na bugso ng hangin at katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa ibaโt ibang probinsya ng rehiyon sa mga susunod na oras.
Katuwang ang DOH-Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) at iba pang ahensya, pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto laban sa mga panganib at sakit dulot ng pagbaha at matinding pag-ulan, tulad ng leptospirosis, cholera, typhoid fever, hepatitis A, influenza-like diseases, malaria, at dengue.
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป;
1. Siguraduhing ligtas ang inuming tubig; pakuluan ng 2โ5 minuto kung may pagdududa.
2. Lutuing mabuti ang pagkain at ilagay sa mga sealed o covered na lalagyan ang mga tira.
3. Magsuot ng tamang damit upang manatiling tuyo at mainit.
4. Iwasang lumusong sa baha; magsuot ng bota at gloves kung kinakailangan. Ang paglusong sa marumi at kontaminadong tubig o baha ay maaaring mag resulta sa pagkakaroon ng sakit na Leptospirosis.
5. Bantayan nang mabuti ang mga bata at huwag hayaang maglaro sa baha o ulan. Kung saka-sakaling malubog sa baha, agad na maghugas ng kamay at katawan gamit ang sabon at malinis na tubig upang maiwasan ang sakit na leptospirosis.
6. Panatilihing malinis ang katawan at ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
7. Itapon nang maayos ang basura sa tamang lalagyan.
8. Ihanda ang emergency kit. Ilagay sa isang waterproof container ang malinis na tubig, de-lata, biscuits, mga ready-to-eat na pagkain, flashlight, extrang baterya, at damit.
9. Agad na kumonsulta sa doktor kung makakaranas ng mga sintomas ng impeksyon o sakit.
Patuloy na magbantay sa mga ulat ng panahon sa radyo, TV, o cellphone.
10. Manatiling updated at sundan ang mga abiso mula PAGASA, Municipal/City/Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (M/C/PDRRMC), at DOH-EVCHD.
Manatiling alerto, ligtas, at handa. Tandaan na sa tamang kaalaman at impormasyon, masisiguro ang kalusugan at kaligtasan ng inyong pamilya.