26/07/2025
ANO ANG DIABETES?
Ang diabetes ay isang pangmatagalang sakit kung saan mataas ang antas ng asukal (glucose) sa dugo.
Ito ay nangyayari kapag:
❌ Kulang ang insulin
❌ Hindi maayos na ginagamit ng katawan ang insulin
URI NG DIABETES:
Type 1 – Bata o kabataan kadalasang naaapektuhan. Kailangan ng insulin araw-araw.
Type 2 – Pinakakaraniwan. Kadalasan dahil sa lifestyle, katabaan, o lahi.
Gestational Diabetes – Nangyayari sa pagbubuntis.
⚠️ SINTOMAS NG DIABETES:
✔️ Madalas umihi
✔️ Laging nauuhaw
✔️ Biglaang pagbagsak ng timbang
✔️ Malabong paningin
✔️ Madaling mapagod
✔️ Sugat na matagal gumaling
✔️ Pamamanhid o pangangalay sa kamay at paa
PAANO MALALAMAN?
✔️ Fasting Blood Sugar
✔️ HbA1c (tatlong buwang average ng blood sugar)
✔️ Oral Glucose Tolerance Test
PWEDE ITONG MAKONTROL!
✔️ Kumain nang tama
✔️ Mag-ehersisyo
✔️ Magbawas ng timbang
✔️ Iwasan ang matatamis at sobrang alat
✔️ Uminom ng gamot kung kinakailangan
✔️ Magpatingin sa doktor nang regular
Maagang aksyon, maiiwasan ang komplikasyon!
Magpa-check up na!