BHS Mananao-Health Team

BHS Mananao-Health Team Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BHS Mananao-Health Team, Medical and health, Barangay Mananao, Paluan.

HEALTH TEAM 2026
The Barangay Mananao Health Team, in coordination with Barangay Officials, delivers continuous basic health services to promote a healthy community.

Bilang bahagi ng PuroKalusugan Program, matagumpay na isinagawa ang PhilPEN Risk Assessment at First Patient Encounter s...
25/04/2026

Bilang bahagi ng PuroKalusugan Program, matagumpay na isinagawa ang PhilPEN Risk Assessment at First Patient Encounter sa tulong ng ating mga Midwife, Nurse, BHW, at BNS. Layunin nito ang maagang pagtukoy sa panganib ng non-communicable diseases tulad ng hypertension at diabetes, at pagbibigay ng angkop na serbisyong pangkalusugan sa komunidad. Sa pamamagitan ng screening at health education, patuloy nating itinataguyod ang kalusugan para sa lahat. Sama-sama nating pinapalakas ang adbokasiya para sa isang mas malusog na pamayanan.

Sa ilalim ng Department of Health PuroKalusugan Program, isinagawa ang Youth Symposium kung saan tinalakay ang teenage p...
15/04/2026

Sa ilalim ng Department of Health PuroKalusugan Program, isinagawa ang Youth Symposium kung saan tinalakay ang teenage pregnancy at ang malaking epekto nito sa buhay ng kabataanโ€”pisikal, emosyonal, at panlipunang aspetoโ€”kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalinisan ng katawan upang mapanatili ang mabuting kalusugan.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi rin ng toothbrush, toothpaste, at sabon para sa mga kabataan kabilang ang mga Daycare, Grade 1, at Grade 2 learners, bilang suporta sa pagtataguyod ng wastong kalinisan at malusog na pamumuhay. ๐Ÿ’™

Hashtags:






Sa patuloy na pagsusulong ng kalusugan sa komunidad, nakiisa ang ating barangay sa PuroKalusugan (PK) Program ng DOH sa ...
12/04/2026

Sa patuloy na pagsusulong ng kalusugan sa komunidad, nakiisa ang ating barangay sa PuroKalusugan (PK) Program ng DOH sa pamamagitan ng isang makabuluhang PK JOB Guide Lecture.

๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Ibinahagi ng ating BNS ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Hypertension (HPN) at Diabetes Mellitus (DM) upang mapanatili ang malusog na pamumuhay.

๐Ÿฉบ Samantala, ang ating BHW ay nagtalakay tungkol sa Tuberculosis (TB) at kahalagahan ng wastong kalinisan upang maiwasan ang diarrhea, lalo na ngayong tag-init.

๐ŸŒฟ Sa pamamagitan ng pagtutulungan at aktibong pakikilahok, mas napapalakas natin ang layunin ng DOH na makamit ang isang malusog, ligtas, at resilient na komunidad.

๐Ÿ’ก Kalusugan ay sama-samang responsibilidad โ€” makiisa, makialam, at makibahagi!





Noong Marso 2026, matagumpay na isinagawa ang Capacity Building on Mental Health Awareness, Resilience, and Psychosocial...
11/04/2026

Noong Marso 2026, matagumpay na isinagawa ang Capacity Building on Mental Health Awareness, Resilience, and Psychosocial Support para sa mga g**o, school staff, PTAs, at piling SELG at YES-O Officers ng Mananao Elementary School.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa mga isyung pangkalusugang pangkaisipan, pagpapalakas ng resiliency, at pagbibigay ng angkop na psychosocial support sa loob ng paaralan at komunidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa at edukasyon, sama-sama nating itinataguyod ang isang ligtas, suportado, at mentally healthy na kapaligiran para sa bawat mag-aaral at g**o.




House-to-house visit para sa mga nagpositibo sa paragonimiasis โ€” hindi lang gamutan, kundi kaalaman ang aming hatid. ๐Ÿก๐Ÿ’ŠS...
29/03/2026

House-to-house visit para sa mga nagpositibo sa paragonimiasis โ€” hindi lang gamutan, kundi kaalaman ang aming hatid. ๐Ÿก๐Ÿ’Š

Sa pamamagitan ng health promotion, ipinaliwanag kung saan nagmumula ang sakit at kung paano ito maiiwasan, upang maprotektahan hindi lamang ang pasyente kundi pati ang buong pamilya.

Patuloy ang aming layunin: maagapan ang sakit, mapalawak ang kaalaman, at mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad. ๐Ÿ’š

Sa buong buwan ng Marso, buong puso at dedikasyon na naglingkod ang Team Mananao para sa kalusugan ng aming komunidad. ๐Ÿ’š...
29/03/2026

Sa buong buwan ng Marso, buong puso at dedikasyon na naglingkod ang Team Mananao para sa kalusugan ng aming komunidad. ๐Ÿ’š

Mula sa pagbabakuna ng mga batang edad 0โ€“23 months, masusing pag-aalaga at check-up sa mga buntis, hanggang sa pakikipanayam para sa first encounter patients at PhilPEN risk assessment โ€” patuloy naming sinisig**o ang maagang pagtukoy at pag-iwas sa sakit.

Kasama rin ang pakikipagpulong sa aming masisipag na BHW at BNS, pakikipag-ugnayan sa barangay, at walang sawang paghahatid ng nutrisyon para sa mga batang nangangailangan.

Nagpatuloy rin ang health promotion, pagbibigay ng tsekap, angkop na gamot, at agarang referral sa mga pasyenteng nangangailangan ng mas mataas na antas ng pangangalaga.

Serbisyong may malasakit, para sa kalusugan ng bawat pamilya. ๐Ÿ’™

๐’ฆ๐“Š๐“‚๐“Š๐“ˆ๐“‰๐’ถ, ๐๐€๐†๐€? ๐ŸซMas kilalanin at unawain ang kalusugan ng ating baga sa pamamagitan ng walong mahahalagang kaalaman tung...
25/03/2026

๐’ฆ๐“Š๐“‚๐“Š๐“ˆ๐“‰๐’ถ, ๐๐€๐†๐€? ๐Ÿซ

Mas kilalanin at unawain ang kalusugan ng ating baga sa pamamagitan ng walong mahahalagang kaalaman tungkol sa TBโ€”mula sa kung ano ito, mga sintomas, ibaโ€™t ibang uri, hanggang sa kung paano ito naipapasa at nalulunasan.

Tandaan sa tulong ng tamang kaalaman, mas napalalakas natin ang ating kakayahang pangalagaan ang sarili, ang ating pamilya, at ang buong komunidad. Kaya naman para Healthy Lungs, pa-check ka Lungs, alamin ang tamang impormasyon at tamang aksyon laban sa Tuberculosis para sa isang ligtas at mas ๐๐ข๐ง๐š๐’๐ข๐ ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ!๐‹๐ž๐ญ'๐ฌ ๐ƒ๐Ž๐‡ ๐ข๐ญ ๐ง๐จ๐ฐ! ๐Ÿซโœจ

๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Ž๐ค๐ฌ๐ข๐Œ๐ข๐ง, ๐๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง!

๐Ÿ“ข Pakikiisa ng Barangay Mananao sa World TB DayNakikiisa ang Barangay Mananao sa paggunita ng World TB Day upang palakas...
11/03/2026

๐Ÿ“ข Pakikiisa ng Barangay Mananao sa World TB Day

Nakikiisa ang Barangay Mananao sa paggunita ng World TB Day upang palakasin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa Tuberculosis (TB) at hikayatin ang bawat isa na magpatingin at magpagamot nang maaga.

Ang TB ay nagagamot at nalulunasan kung ito ay maagapan. Patuloy ang aming panawagan sa lahat na maging mapagmatyag sa mga sintomas tulad ng ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa, lagnat, pagpapawis sa gabi, at pagbaba ng timbang.

Sa tulong ng ating mga Health Workers, BHWs, at ng Barangay, sama-sama nating labanan ang TB at protektahan ang kalusugan ng bawat pamilya.

๐Ÿ’š Magpatingin nang maaga, magpagamot nang tama, at magtulungan para sa isang TB-free na komunidad.






๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ๐Ÿฉบ Serbisyong Pangkalusugan para sa LahatIsinagawa ang PhilPEN Risk Assessment (First Encounter) para sa mga resident...
08/03/2026

๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ๐Ÿฉบ Serbisyong Pangkalusugan para sa Lahat

Isinagawa ang PhilPEN Risk Assessment (First Encounter) para sa mga residente ng Barangay Mananao bilang bahagi ng pagpapatupad ng Philippine Package of Essential Noncommunicable Disease Interventions ng Department of Health. Layunin ng aktibidad na matukoy ang mga risk factors ng noncommunicable diseases tulad ng hypertension at diabetes upang mabigyan ng maagang payo at pangangalaga.

Kasabay nito ang pagpaparehistro sa PhilHealth ng mga residente upang matiyak na sila ay makakatanggap ng mga benepisyong pangkalusugan. Hangad ng programang ito na ma-enroll ang lahat ng mamamayan upang magkaroon ng mas madaling access sa mga serbisyong medikal.

Sama-sama nating isulong ang malusog at protektadong komunidad! ๐Ÿ’™




๐Ÿ‘ถ๐Ÿ’‰Protektadong Bata, Malusog na KinabukasanPatuloy ang pagbibigay ng bakuna sa mga batang edad 0โ€“23 buwan sa ating komun...
08/03/2026

๐Ÿ‘ถ๐Ÿ’‰Protektadong Bata, Malusog na Kinabukasan

Patuloy ang pagbibigay ng bakuna sa mga batang edad 0โ€“23 buwan sa ating komunidad bilang bahagi ng National Immunization Program ng Department of Health.

Ang mga bakunang tulad ng BCG vaccine, Oral Polio Vaccine, Pentavalent vaccine, Pneumococcal Conjugate Vaccine, at Measles-Containing Vaccine ay mahalaga upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga vaccine-preventable diseases.

Babae ka, hindi lang basta matatag โ€” ikaw ay inspirasyon, pag-asa, at lakas ng komunidad.Ang malusog na kababaihan ay ma...
04/03/2026

Babae ka, hindi lang basta matatag โ€” ikaw ay inspirasyon, pag-asa, at lakas ng komunidad.

Ang malusog na kababaihan ay malakas na komunidad. Sa Womenโ€™s Month, nagkaroon ng health lecture tungkol sa Cervical Cancer, HPV, Pap Smear, at Breast Cancer upang hikayatin ang kababaihan na alagaan ang kanilang kalusugan at magpa-check up nang regular. ๐Ÿฉบ

04/03/2026

Sa pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month, nagsagawa ng health education activity sa Sitio Sabang kung saan tinalakay ang mahahalagang paksa tungkol sa Cervical Cancer, Human Papillomavirus (HPV), Pap Smear screening, at Breast Cancer. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng kababaihan tungkol sa kahalagahan ng maagang pagsusuri at pag-iwas sa mga sakit na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan.

Matapos ang talakayan, nagkaroon ng Zumba activity na pinangunahan ng mga Health Care Workers upang hikayatin ang aktibong pamumuhay at pangalagaan ang kalusugan ng kababaihan sa komunidad.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagsuporta sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan sa komunidad.



Address

Barangay Mananao
Paluan
5107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS Mananao-Health Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share