Dr. Nick Soriano

Dr. Nick Soriano Hi! I am Dr. Nicanor Angelo Soriano. A practicing pediatrician at Panabo, Davao del Norte. I am a gr

I have reached 1.5K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. 🙏🤗🎉
19/02/2023

I have reached 1.5K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. 🙏🤗🎉

Salamat po. 😊
05/06/2022

Salamat po. 😊

15/03/2022
14/02/2022

Life Saving Dengue Info
(All Parents Must know this)

Sa dengue, nakasulat sa medical na libro ang platelets ay bumababa usually at 3rd day of fever at umaakyat ang platelets ulit simula 6th or 7th days simula ng fever.

Almost constant po yan na pattern. Almost predictable.

Delikado ba na mababa ang platelets?

Di talaga ang low platelets ang nagbibigay ng peligro kundi ang dehydration na nakaka-ulcer ng bituka.

Kung may dehydration may ulcer, kung may ulcer may bleeding, kung mababa ang platelet, mas malubha ang bleeding.

Pero ang mababang platelet ba ang dahilan ng ulcer? Hindi diba? Kundi ang dehydration.

Kung walang dehydration, walang ulcer, so walang bleeding ang bituka kahit mababa ang platelet.

Bakit may dehydration ang dengue?
Dahil yun sa mga butas sa blood vessels na sanhi ng paglabas ng fluids (in english : Plasma Leakage).

Paano malalaman kung hydrated?
Malakas at madalas na ihi na light yellow ang color. At least less than 4 hours interval ng ihi.

Lumalala ang dehydration pagpasok ng 3 days ng lagnat so mas maganda if may dextrose lalo na kung matamlay para mas mahabol ang dehydration .

Effective ba ang Tawatawa o Papaya?

Sa dami na ng dengue patients na nakita ko, ang napansin ko ay, with or without herbal tumataas talaga ang platelets after 6 days simula ng lagnat sa mga pasyenteng malakas umihi.

Yung severely dehydrated lalo na yung delayed ang pagpachek at di na gaano umiihi, kahit anong herbal, patay pa rin! So option niyo na ang herbal basta importante hydrated.

Alam niyo ba na may isa ring sakit na mababa ang platelet pero hindi dengue?

Ang tawag doon ay ITP or Idiopathic Thrombocytopenic Purpura. Ang kaibahan nito sa dengue ay wala silang dehydration kaya kahit 5 nalang platelet ay naglalaro pa rin.

At di gaya ng dengue na consistent na tumataas ang platelet after 6 days ang ITP ay walang malinaw na araw. Yung iba tumataas after 3 months, yung iba 1 year, yung iba 5 years.

Sinusubukan din naman ng mga ITP patients ang pagtake ng Tawatawa at Papaya pero wala daw effect sa pagakyat ng platelets nila.

Di kaya ang dahilan na madaming naniniwala na effective na pampataas ang herbal ng platelet sa dengue ay dahil nagkataon lang na paakyat na talaga ang platelet dahil 6 days na?

Diba kung tumataas ang platelets sa tawatawa sa dengue, dapat tataas rin dapat sa ITP? Sa ITP nabibisto na di talaga effective ang Tawatawa o Papaya.

My point, di po ako anti-herbal, ang alam ko lang is in Dengue management, time is gold. Dehydration ang kalaban mo.

Kung di mo alam na dehydration pala at nafocus ka sa herbal at di mo inobserbahan ang ihi mo ay baka madehydrate ka at mag-organ failure ng di mo napansin.

Special tip about Dengue Fever kung na-admit :

Kapag na admit kayo ng lagnat, lalo na kung dengue suspect, kailangan ay may Urine Output monitoring sheet na ibibigay sa inyo sa unang oras palang niyo pagpasok. Dahil doon niyo isusulat ang ihi ng anak niyo.

Gaano kadami at anong oras. Ang blood pressure kasi ay pwedeng bumaba sa dengue.

Delikado yun. Pero bago bumaba ang blood pressure ay kumokonte muna ang ihi at nagiging dark ang kulay hangang sa nawawala ang ihi at next nun ay bababa ang blood pressure at pwede ring bleeding.

So bago pa man mangyari yun ma-aware na kaagad dapat ang nurse at Doctor upang magawan ng remedyo. May warning sign na kayong mapapansin sa pagmonitor ninyo ng ihi.

At sa paraan din nun mawawala ang kaba mo dahil alam mong well hydrated dahil sige ihi.

Halintulad natin sa severe diarrhea, bakit di na tayo takot sa severe diarrhea dahil alam natin paano ito tapatan ng tamang hydration.

Ang diarrhea ay forever na andyan pero di tayo kelangan magpanic dahil matalino na tayo about diarrhea. Ngayon kelangan natin maging matalino about dengue.

Di man natin matangal ang dengue sa mundo pero kung alam natin anong dapat gawin ay kaya nating labanan.

Mas madali imonitor ang diarrhea dahil nakikita natin ang pupu na basa sa pwet pero sa dengue “secret dehydration”, kay pagmonitor ng ihi ang importante.

Dr. Richard Mata
Pedia
Dengue Fever is a Priority Project of Kabayan Partylist. Please make this your partylist.
—————————————-
About Dr. Mata
Dr. Richard Mata is a Pediatrician for 20 years. A former consultant for both DOH and WHO Philippines on how to make Dengue easily understandable for the Filipinos.
Awardee for Medical Mobile Innovation by DOST. National Health Exemplar Awardee by Health and Lifestyle Magazine

07/02/2022
05/02/2022

NEWS UPDATE: Tinatayang nasa 780,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11 anyos ang dumating na sa bansa, ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario sa Laging Handa public briefing ngayong araw (Peb. 5).

Aniya, aabot sa 1.5 milyon ang kabuuang bilang ng vaccine doses na matatanggap ng bansa ngayong linggo.

04/02/2022

Lagnat na may Kumbolsyion

Doc kinumbulsyion yung anak ko Doc habang may lagnat!

Grabe Doc nakakatakot talaga!

Nakatingin ang mga mata sa taas! Bumula ang bibig, namutla!

Grabe nagmadali kami sa ospital muntik pa kaming madisgrasya sa kalsada.

Pagdating namin sa emergency room. Inoxygen, nilagyan ng paracetamol sa pwet tapos nilagyan ng gamot sa swero na diazepam, pinunasan ng ice water at yun kumalma na.

Napansin ko lang sa mga Nurses at Doctors na nagassist parang di masyado sila nagpapanic parang sanay ma sila sa situasyon. Common po ba ito Doc.?

Di ba delikado ang anak ko?

My answer:

Opo tama ka common po yan. Kaya po medyo sanay na ang mga duties sa E.R.

Kung maalala mo tinanong ka, kailan nagsimula ang lagnat. Nung sinagot mo “kanina lang”, most likely sa isip namin ay BFC or Benign Febrile Convulsion which means di talaga brain damage or infection, so alam namin safe, icocontrol lang namin ang seizure.

In addition, tinitingnan rin namin kung may parang rashes ng meningococcemia. Kung wala naman most likely BFC lang nga at di talaga delikado sa buhay ng pasyente, icontrol lang namin ang seizure.

Pero kunwari ang sagot mo, “mga 5 days na ang lagnat at super tamlay na ng ilang araw at biglang kinumbulsyon” ay ibang kwento na yun.

Nasa isip namin yan ay possible meningitis which is a severe brain infection.

Karamihan ng BFC ay within minutes or a few hours pagsimula ng lagnat ay kukumbulsyionin na.

Ito po ay nakuha ng bata sa lahi.

So kunwari ikaw or asawa mo ay ganito noon, so nakuha lang niya. Pwede rin sa auntie or tito niya.

Usually until 7 years old pwede ito lumabas kung may lagnat sya. Pero after 7 years old di na.

Bright pa rin anak niyo, di po ibig sabihiin hihina na utak niya, dahil di naman ito infection sa utak gaya ng meningitis.

Doc kung nagseseizure na walang lagnat?

So iba rin po yun, pwede pong seizure disorder or epilepsy maganda paconsult sa Neuro specialist para ma EEG or Electroencephalogram to determine if need ng anti seizure maintenance.

Need ba ng anti seziure maintenance ang BFC?

Usually hindi naman, but if masyadong sensitive like sa isang araw ng lagnat 3 x nag attack. So possible may maintenance or bibigyan ng antiseizure oral medicine sa unang labas ng lagnat, case to case basis po yan.

Anong gagawin kung nagkakumbulsyion sa bahay na may lagnat?

1. Dont panic
2. Kumuha ng malamig na tubig at punasan ang buong katawan.
3. Bawal ang alcohol na ihalo sa tubig pampunas, bawal rin ang s**a at gaas (may mga paniwala kasing ganun)
4. Bawal rin na kagatin ang paa. May ganun kasing paniwala rin. Kung kakagatin ng kapitbahay niyo yung paa ng anak niyo, palu-in niyo ng walis (joke lang).
5. If may Paracetamol na suppository lagyan niyo. Pero di pwede bigyan ng oral paracetamol kung kinukumbusyon baka ma-bila-ukan.
6. Dahan kayong magbiyahe papuntang ospital para doon ituloy ang antiseizure management. Need kasi ng oxygen if persistent at diazepam sa dextrose. Again dont panic baka madisgrasya sa biyahe.

Paano maavoid?

Avoid lang na di lagnatin especially during 7 years old below. Avoid sa mga taong may ubo o lagnat. Mag mask if di maiwasan. Kumpletohin ang mga bakuna, sali ang flu at pneumo.

Public Service info by:
Dr. Richard Mata and Kabayan Partylist

04/02/2022

10 Tips Para Sa Mga Mahirap Pakainin:

1. Huwag pakainin ng matatamis dahil masasanay ang dila at hahanapin na nila ang lasa nito gaya ng mga candies o chocolates.

Bawal rin ang softdrinks.

Pagsinanay mo sa matatamis ay aayawan na niya ang gulay dahil natural na di matatamis ang mga ito.

2. Huwag pagalitan o saktan para lang kumain.

Kinakatakutan tuloy niya na darating na naman ang pananghalian o hapunan kaya tuloy hindi nadedevelop ang natural na curiosity o pagkagusto nito sa pagkain.

Kailangan ang bata ay matutong kumain sa rason na dahil gutom na siya at hindi dahil papagalitan sila.

3. Kung konte lang ang kinakain, kailangan meroon kang gatas araw-araw upang mahabol ang kulang niya na sustansiya.

Dalawa o tatlong baso ng gatas ay napakalaking tulong na.

4. Itabi mo ang anak mo sa ibang bata na malakas kumain para makita niya na may batang katulad niya malakas na palang kumain at tuloy gagayahin niya ito.

Pero huwag mo naman siyang piliting gumaya kaagad. Lahat ng pagbabago ay dahan dahan ang importante ay nakita niya ito.

5. Gawing masaya ang hapag kainan. Bawal ang mga sigawan at awayan.

Nakawala po ito ng gana para sa kumakain.

6. Yung mga gulay na ayaw niya pero alam mong importante,

pwede mong tadtarin ng pino at ihalo ng konte sa kanin o sa ulam para di gaanong mahalata.

7. Gawing attractive ang gulay. Kunwari yung caulifower gawing itsurang fried chicken.

Marami sa youtube ang paraan kung papaano gawin ito.

8. Tangapin ang katotohanan na merong mga batang mapili sa pagkain.

Ang dila o ang panlasa ng isang tao ay namamana rin.

Baka ikaw o ang asawa mo nung bata pa kayo ay mapili rin at mahirap ring paka-inin pero tingnan mo naman ang nangyari sayo ngayon?

Diba lumaki ka rin at naging palakain ka na rin? Ganoon din ang mangyayari sa iyong anak, babago rin yan at lalakas ring kumain.

Kaya relax lang. Wag lang parating pagalitan. Huwag din parating ikumpara sa ibang bata na malakas kumain dahil baka ang lahi din nila ay malakas kumain kahit bata pa.

May taong masyadong nasasarapan sa ampalaya meron ding para sa kanya ay ito ay lasang parusa.

Di niya kasalanan yun, nasa lahi din yun.

9. Paminsan minsan epektibo rin ang Vitamins na may Buclizine dahil ito ay appetite stimulant pero limit lang po yan sa dalawang buwan tapos papalitan niyo naman ng Vitamins na walang buclizine.

Pero uulitin ko paminsan minsan lang epektibo ito, sundin mo pa rin ang iba pang nakasulat dito.

10. Ang bata po ay may tinatawag na natural na “hunger center” at “thirst center” sa utak na yun ang nagsisgnal sa ating katawan na humanap na ng tubig at pagkain dahil konte na ang tubig at sustansya ang nasa katawan natin.

Inilagay ng Diyos yan sa ating katawan upang tayo ay mabuhay.

Di kailangan na pilitin siya na kumain at uminum.

Magtiwala ka rin na gumagana ang mga thirst and hunger centers na yan.

Dr. Richard Mata
Pediatrician

—————————————
Kabayan Partylist para sa Kalusugan!

Address

Good Shepherd Hospital Panabo City
Panabo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Nick Soriano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category