Tejeros Health Center

Tejeros Health Center

24/09/2021
21/09/2021

Due to the recent announcement of granular lockdown in H. Santos St. including the Barangay Hall/Health Center, our regular IMMUNIZATION and PRENATAL services FROM SEPT 16-29, 2021 will still be ON HOLD or SUSPENDED. Thank you.

Paalala sa mga nagpapakonsulta sa E-Consultation ng Tejeros Health Center (Mga madalas na problemang naencounter sa Tele...
21/09/2021

Paalala sa mga nagpapakonsulta sa E-Consultation ng Tejeros Health Center (Mga madalas na problemang naencounter sa Teleconsultation at mga hakbang na dapat gawin upang maging maayos ito)

1. Maaari lamang pong ang link na po ito lamang ang gamitin para sa pagreregister ng Tele-Consultation sa Tejeros Health Center: https://www.econsult.osmak.com/TejerosHC
Ang nasabing link ay kailangan tamang spelling lamang, hindi pwedeng kulang o kaya ay may dagdag na ibang salita.

2. Para masigurado sa Tejeros Health Center po ang atin konsulta maaari po ninyong ilagay sa Reason for Consult ay "Tejeros Health Center Consult". Maaari po sanang wag maglagay ng Department sa pag-fill up ng form kung kayo po ay para sa Health Center upang hindi po makaligtaan or ma-miss ang inyong registration ng amin Staff sa Admission.

3. Magregister lamang sa teleconsultation tuwing araw ng LUNES, HUWEBES AT BIYERNES sa ORAS na 8AM-10AM at 1PM-3PM. Kapag kayo ay nagregister ng Martes ng umaga, Miyerkules, Sabado at Linggo at HINDI SA TAMANG ORAS ay hindi po kayo makokonsulta ng Tejeros Health Center at mababalewala ang inyong registration or INVALID. Maaari parin naman po kayong magregister ulit, sumunod lamang po sa nasabing schedule.

4. Ang mga buntis, batang pababakunahan, refill, at family planning ay hindi na kailangan dumaan sa teleconsultation maliban kung may ipapakonsulta na karamdaman sa doctor. PAKISUNOD NA LANG PO ANG SCHEDULE NG HEALTH CENTER.

5. Sa mga pumili ng flatform na Facebook ay maaari lamang pong icheck ang inyong MESSAGE REQUEST ng inyong FB Messenger. Pakisagot po aming mensahe sa FB messenger upang kayo ay aming matawagan. Kung hindi po kayo makakasagot ay hindi po namin kayo matatawagan thru FB Messenger. Ito ay upang mapadali ang pagtawag namin sa inyong account. Siguraduhin din po i-attach ang TAMANG picture/screenshot ng itsura ng inyong FB Profile upang madali namin kayong mahanap sa FB Messenger.

6. Sa mga pumili naman po ng flatform na viber, Maaari lamang po maginstall at gumawa ng inyong account sa viber upang kayo ay aming matawagan. Kapag kayo ay walang viber account ay hindi po namin kayo matatawagan.

7. HINTAYIN po ang tawag ng staff ng Tejeros Health Center at HUWAG pong tawagan ang Messenger at Viber ng Tejeros Health Center upang hindi maantala ang anumang konsulta na ongoing. Maaari po sanang wag direktang magkonsulta sa amin Viber or FB messenger kahit ito ay follow-up ng walang rehistro sa e-Consult.

8. Sa mga pasyente na hindi namin nakonsulta sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Namessage or tinawagan ngunit hindi nasagot ang amin message sa loob ng buong araw or tatlong beses naming tinawagan pero hindi nasagot.
- Hindi na inabot ng konsulta sa maghapon.
- Hindi nakapag rehistro dahil Full na ang konsulta.
Maaari lamang pong MAGREGISTER ULIT sa ARAW ng SCHEDULE ng CONSULTATION upang kayo ay makonsulta ng Tejeros Health Center. Sigurahin lamang pong pakisagot ang aming mensahe at tawag sa araw ng inyong pagregister.

9. Paalala po na ang VALIDITY ng REGISTRATION ay WITHIN THE DAY lamang ng araw ng iyong pagrehistro at HINDI po ito aabot sa ibang araw ng Consultation kaya kung kayo po ay hindi natawagan ng amin Staff at Doctor (dahil inabot ng cut off 10am at 3pm or di nakasagot sa amin message or tawag) sa araw nang iyong rehistro ay maaari po sanang magrehistro ulit sa Schedule ng Consultation.

10. Upang maging maayos ang inyong konsulta, maaari lamang pong pakihanda na po ang mga sumusunod na bagay na maaaring hingin sa inyo upang mapabilis ang inyong transaksyon
- Yellow Card
- Reseta ng gamot na ipapakita sa doctor (if any)
- Laboratory results, xray, ultrasound at iba pa na ipapabasa sa doctor (if any)
- Family number/record number sa health center niyo (kung meron)

11. Maaari lamang po kung possible po ay magstay kayo sa isang area hindi maingay at malakas ang signal ng inyong cellphone, upang hindi magkaroon ng hindi pagkakarinigan sa parehong side ng pasyente at ng doctor.

12. Sa mga may pasyenteng senior, kung kayo po ay medyo hindi maalam ang inyong gadget ay magpatulong po tayo sa mga kasama sa bahay sa paggamit nito.

13. Kapag po tayo ay nakikipagusap sa Staff at Doktor ng Tejeros Health Center, maaari lamang pakiobserba ang PAGGALANG at MAAYOS NA PAKIKIPAGUSAP.

Ang pagbasa at pagunawa sa mga nasabing paalala ay lubos na makakatulong sa amin upang mapabilis at mapanatiling maayos ang inyong konsultasyon sa Tejeros Health Center.
Maraming Salamat po!

Address

2903 H. Santos Street , Tejeros
Pandacan
1204

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639758463304

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tejeros Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Tejeros Health Center:

Share