
03/04/2025
Kamakailan ay nagdeklara ang Quezon City ng dengue outbreak dahil sa biglang pagdami ng mga kaso sa lungsod, kung saan 10 sibilyan—walo rito ay mga menor de edad—ang pumanaw dahil sa sakit.
Sa tamang pag-iingat, maaari nating mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito. Narito ang ilang simpleng paraan upang maiwasan ang pagdami ng lamok sa inyong tahanan at maprotektahan ang inyong mga mahal sa buhay laban sa dengue.