MVS Medical Clinic/ Pandi Animal Bite Center

MVS Medical Clinic/ Pandi Animal Bite Center Health of the Community, Our Priority. Empowering People towards Prevention & Management of diseases. Online consultation available

02/01/2026
02/01/2026

Sana po ay palaging mag ingat sa pagbyahe, huwag palagi nakikipag unahan, respetuhin ang batas trapiko, at, huwag mag drive kung uminom ng alak o kulang sa tulog, o mataas ang presyon.
Maggamot ng tama, umiwas sa alak at droga, matulog nang maayos, at sumunod sa batas trapiko, magbigayan. Ingat! πŸ’•

02/01/2026
Happy New Year from the Manuel V. Santos Foundarion, Inc.! We look forward to connecting with more families, agencies an...
01/01/2026

Happy New Year from the Manuel V. Santos Foundarion, Inc.! We look forward to connecting with more families, agencies and fellow advocates -- to join us in our advocacies in the community.
May God bless us all! πŸ™πŸ»πŸ˜ƒπŸŽ„πŸ’•πŸŽ‰

31/12/2025

You choose the kind of Life you Live.
Choose Well.
Choose Health.

This! As we usher in the new year!
30/12/2025

This! As we usher in the new year!

Yes. Drinking Alak is associated with development of cancers. Also with Dementia, Diabetes, Hypertension, Fatty Liver, W...
30/12/2025

Yes. Drinking Alak is associated with development of cancers. Also with Dementia, Diabetes, Hypertension, Fatty Liver, Weakening of Immune System, and many more.

Our gut (bituka) needs good nutrition for a stronger immune response, best function, and for overall health. Provide vit...
28/12/2025

Our gut (bituka) needs good nutrition for a stronger immune response, best function, and for overall health. Provide vitamins, minerals, other phytochemicals and fiber from fruits, vegetables, nuts, seeds. You can mix and match as you like.

Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.

Hanggang December 26, 2025 na lang ang paglipat ng health facility na nais ninyo, sa pag avail ng YAKAP benefit!Sa mismo...
24/12/2025

Hanggang December 26, 2025 na lang ang paglipat ng health facility na nais ninyo, sa pag avail ng YAKAP benefit!
Sa mismong Philhealth office na ito ire request. Kaya alamin na kung naka register na, at kung nais lumipat mula sa dating pasilidad.

PR No. 2025-45
Disyembre 22, 2025

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: πƒπžπšππ₯𝐒𝐧𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠π₯𝐒𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐑𝐒π₯π‡πžπšπ₯𝐭𝐑 π˜π€πŠπ€π 𝐂π₯𝐒𝐧𝐒𝐜 𝐚𝐲 𝐑𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 πƒπ’π¬π²πžπ¦π›π«πž πŸπŸ” 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐑𝐒π₯π‡πžπšπ₯𝐭𝐑

Pinaaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lahat ng miyembro na nais lumipat ng kanilang PhilHealth YAKAP Clinic ay maaaring magtungo sa mga PhilHealth Local Health Insurance Office hanggang sa Biyernes, ika-26 ng Disyembre. Ito ay upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagtanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng PhilHealth YAKAP Program.

Para lumipat sa ibang YAKAP Clinic, mayroon man o walang naganap na First Patient Encounter (FPE), kailangang pumunta ang miyembro o ang kanilang dependent sa pinakamalapit na LHIO upang magsumite ng nasagutang Primary Care Selection Form (PCSF). Sasailalim din ang mga miyembro sa beripikasyon gamit ang PhilHealth Check Utility (PCU). Ipapaalam ng PhilHealth sa pamamagitan ng email ang detalye ng paglipat, na magiging epektibo sa oras na maaprubahan ito simula Enero 1, 2026.

Tatanggap din ang PhilHealth Action Center (02) 866-225-88 ng mga request para sa paglilipat hanggang Disyembre 31, 2025.

Pinapayagan din ng PhilHealth ang paglipat sa pamamagitan ng kinatawan, basta’t may dalang authorization letter, isang valid na government-issued ID (o katumbas na dokumento), at kumpletong PhilHealth Member Registration Form (PMRF) o PhilHealth Claim Form (PCF), kung kinakailangan.

Ipinapaalala ng PhilHealth sa mga miyembro na ang mga hindi pa nakakapag-FPE ay maaaring humiling na lumipat ng provider anumang oras. Kapag naaprubahan, magkakabisa agad ang mga paglilipat na ito. Para sa mga nakagamit na ng FPE, maaari lamang mag-request ng paglipat tuwing ika-apat na quarter ng taon (Oktubre hanggang Disyembre).

Maaaring tingnan ng mga miyembro ang listahan ng mga YAKAP Clinic sa www.philhealth.gov.ph upang makapili ng malapit na pasilidad sa kanilang lokasyon para gabayan sa kanilang pagpili. Regular na ina-update ang listahan para sa mga bagong accredited na YAKAP Clinic at contact details.

Ayon kay PhilHealth President at CEO, Dr. Edwin M. Mercado, β€œIto ang direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. - na magamit at mailapit ang primary care benefits sa lahat ng Filipino. Ang bawat miyembro ay may kalayaang pumili ng YAKAP Clinic upang mas madaling magamit ang benepisyo ng PhilHealth YAKAP. Maaaring ito ay malapit sa kanilang tahanan o trabaho para masiguro ang kaayusan at kalusugan ng buong pamilya”, wika niya.

Nag-aalok ang PhilHealth YAKAP ng mga libreng serbisyong pangkalusugan gaya ng regular na check-up, mga laboratory test, cancer screening at mga gamot sa ilalim ng PhilHealth GAMOT (Guaranteed Accessible Medications for Outpatient Treatment).

Para sa karagdagang katanungan tungkol sa mga benepisyo at serbisyo, maaaring tumawag ang mga miyembro sa PhilHealth’s 24/7 Hotline sa (02) 866-225-88. Maaari rin makipag-ugnayan sa mga mobile numbers (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-127-5987, 0917-110-9812. # # #




Reference:
Dr. Israel Francis A. Pargas
Spokesperson, PhilHealth

Para sa media interviews, makipag-ugnayan sa Corporate Communication Department sa 0898-400-5473.

πŸ“… Holiday Schedule AdvisoryPlease be guided by our operating hours during the holiday period.Thank you for your understa...
22/12/2025

πŸ“… Holiday Schedule Advisory
Please be guided by our operating hours during the holiday period.
Thank you for your understanding and have a safe holiday!

Mga nangungunang sakit na dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy sa unang kalahati ng 2025. Lahat ito, maiiwasan kung iingat...
19/12/2025

Mga nangungunang sakit na dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy sa unang kalahati ng 2025. Lahat ito, maiiwasan kung iingatan ang Kalusugan.

Narito ang mga nangungunang sakit na ikinamatay ng mga Pinoy mula Enero hanggang Abril 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Address

005 Bunsuran 1
Pandi
3014

Opening Hours

Monday 8am - 11am
Tuesday 7am - 11am
Wednesday 7am - 11am
Thursday 8am - 11am
Friday 8am - 11am
Saturday 7am - 11am

Telephone

+639339277567

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MVS Medical Clinic/ Pandi Animal Bite Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to MVS Medical Clinic/ Pandi Animal Bite Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram