
30/08/2025
Isang makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang idinaos noong Agosto 29, 2025. Ipinamalas ng bawat mag-aaral ang kanilang angking galing at pagkamalikhain sa pagbibigay-kahulugan sa wikang Filipino at sa diwa ng pagkakaisa.
Kasabay nito ang pormal na pagtatalaga sa mga bagong opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Parent-Teacher Association (PTA) S.Y. 2025-2026 na pinangunahan ng ating butihing Konsehal, Gng. Liza Paine.
Isang di malilimutang araw ng pagdiriwang, pagkilala, at pagkakabuklod para sa buong komunidad ng PLC.