29/12/2025
‼️𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞!‼️
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kabataan at menor de edad na gumagamit at nagiging biktima ng paputok.
Masamang epekto ng paputok sa kalusugan:
🕯️ Pagkamatay sa mga malulubhang kaso ng fireworks-related injuries
🪚 Pagkaputol ng mga daliri, kamay, o iba pang bahagi ng katawan
👁️ Pagkabulag dulot ng sugat o matinding iritasyon sa mga mata
👂 Pagkabingi dahil sa malalakas na pagsabog na nakaaapekto sa pandinig
🫁 Permanenteng pinsala sa baga at iba pang organs dahil sa mga kemikal tulad ng lead, sulfur dioxide, carbon dioxide, at carbon monoxide
☠️ Pagkalason mula sa pagkain o paglunok ng paputok o anumang bahagi nito
🔥 Pagkapaso at matinding sunog sa balat na maaaring magdulot ng permanenteng peklat at pinsala
🔴 Sa mga magulang, bantayan ang mga bata at mahigpit na ipagbawal ang paggamit ng paputok, lalo na ang Boga, 5-Star, at Piccolo na pangunahing sanhi ng aksidente.
✨ Ang disiplina, pagiging responsable, at pagiging alerto ang susi upang maiwasan ang mga trahedya.
Piliin ang ligtas at makabuluhang selebrasyon. Ipagdiwang ang Bagong Taon nang walang paputok at walang pinsala. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa dahil bawat buhay ay mahalaga.