19/10/2025
📣 Serbisyong Pangkalusugan para sa mga nasunugan sa San Felipe st valley 2 Lugar ng Brgy. San Isidro
Nag sagawa ng follow up visit Araw ng Linggo October 19, 2025 sa apektadong lugar ang ating doktor, Dr. Sheryl Presentacion-Guray, kasama ang ating mga health staff, at mga Barangay Health Workers upang magkonsulta at mag bigay ng kinakailangan na gamot para sa mga nasunugan.
Ito ay bahagi ng ating maagap na hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga ka-barangay na nasunugan.
Ang aming serbisyo ay para sa inyo—upang masigurong ligtas, protektado, at malusog sa kabila ng di inaasahang sakuna.
Maraming salamat sa ating Punong Barangay, Kap Noel Japlos, sa palagiang pagsuporta para sa isang ligtas at malusog na San Isidro!