
20/08/2025
Maligayang Kaarawan, Kagalang-galang na Mayor Edwin Olivarez at Ma’am Janet Olivarez!
Mula sa buong puso ng pamunuan at kawani ng Ospital ng Parañaque - District II, ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pagbati at pinakamainit na hangarin para sa inyo sa inyong kaarawan.
Ang inyong walang kapantay na dedikasyon, at tunay na malasakit para sa kapakanan ng bawat Parañaqueño ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin araw-araw.
Nawa'y maghatid ang espesyal na araw na ito sa inyo ng kagalakan, mabuting kalusugan, at panibagong lakas upang patuloy ninyong mapaglingkuran ang ating mamamayan nang may husay at malasakit.