06/10/2025
MGA HAKBANG SA PAG REREHISTRO NG UNIVERSAL HEALTH CARE ID
(Maaring manghingi ng tulong sa kamag-anak o kaibigan sa pagsagot)
Step 1: I-scan ang QR Code, sagutan ang form at i-screenshot ang Registration number sa huling bahagi ng pagsasagot
link: https://paranaquecityhealth.info/ekonsultar/
Step 2: I-scan ang QR Code at sagutan ang form at i-screenshot ang Registration number sa huling bahagi ng pagsasagot
link: https://forms.gle/RowezLvHWfoJg3XX6
Step 3: Pumunta sa ating Health Center at ipakita ang UHC Registration number para ma-claim ang inyong UHC ID
Kailangan ng sariling UHC ID ng bawat pasyente. Para sa minor (bata) or dependents gamitin ang MDR (member's data record) at doon makikita ang Philhealth ID number ng bata or dependents.
Pwede din mag download egovPH apps or pumunta sa PhilHealth website at gumawa ng account.
PAALALA!!
REQUIRED na ang UHC ID para makakuha ng LIBRENG Health Center Services. Lagi itong dalhin tuwing magpapa-konsulta at pupunta sa ating Health Center.
Bakuna ng Bata
Referral
Bunot & Dental Check-up
Medical Check-up
Buntis Check-up
Family Planning
Gamot & Maintenance
TB Medicines
Laboratory Services
Cervical Cancer Screening & Treatment
Kung wala pang PhilHealth ID, maaari po kayong mag-apply sa PhilHealth Office, Barangay Marcelo Green (Service Road).
Kaya’t mag-register na po lahat upang masiguro ang inyong libreng serbisyong pangkalusugan! Dahil dito ika'y Alagang Paranaque.