San Antonio Health Center Main and SAV 8

San Antonio Health Center Main and SAV 8 Official page of San Antonio Health Center Fourth Estate Main & SAV 8

Magandang araw Brgy. San Antonio!Ang Medical Check up or Konsulta po nag 4th estate health center ay mag reresume bukas,...
21/10/2025

Magandang araw Brgy. San Antonio!

Ang Medical Check up or Konsulta po nag 4th estate health center ay mag reresume bukas, Wednesday 1 to 3pm 🩺.

📢 GOOD NEWS, Barangay San Antonio!Mas mapapadali na po ang proseso ng pag-issue, pag-print, at pag-claim ng inyong PHILH...
17/10/2025

📢 GOOD NEWS, Barangay San Antonio!
Mas mapapadali na po ang proseso ng pag-issue, pag-print, at pag-claim ng inyong PHILHEALTH YAKAP / UNIVERSAL HEALTH CARE (UHC) ID!

👉 Paki-basa pong mabuti ang mga instructions sa ibaba.
---

📝 INSTRUCTIONS FOR REGISTRATION

(Maaari po kayong humingi ng tulong sa kamag-anak o kaibigan sa pagsagot)

✅️Step 1: I-scan ang QR Code at sagutan ang form. I-screenshot ang UHC Registration Number.

✅️Step 2: I-scan ang QR Code at sagutan ang form. I-screenshot ang E-Konsulta Registration confirmation.

✅️Step 3: I-scan ang QR Code para pumili ng PICK-UP DATE ng inyong ID.

📍Fourth Estate: Tuesday & Wednesday (1:00 PM – 3:00 PM)
📍Valley 8: Tuesday & Thursday (1:00 PM – 3:00 PM)

✅️Step 4: Pumunta sa San Antonio Health Center (malapit sa inyong tirahan – Fourth Estate o Valley 8) sa petsang napili at ipakita ang screenshot ng inyong registration upang makuha ang UHC ID.

---

👨‍👩‍👧PARA SA KAILANGAN NG ASSISTANCE

📢Pwede pa rin po kayong mag WALK-IN sa San Antonio Health Center (Fourth Estate o Valley 8) sa mga nakatakdang schedule. Tutulungan po kayo ng ating BHWs.

Schedule ng Issuance & Printing:
📍Fourth Estate: Tuesday & Wednesday, 1:00 PM – 3:00 PM
📍Valley 8: Tuesday & Thursday, 1:00 PM – 3:00 PM

✅️Requirement: PhilHealth ID o PhilHealth Number

---
ℹ️ IMPORTANT REMINDERS
➡️Kung mayroon na po kayong UHC ID, hindi na kailangan pang mag-register para sa PhilHealth Yakap (iisa lamang po iyon).

➡️REQUIRED po ang UHC ID para makakuha ng LIBRENG Health Center Services tulad ng:
👶Bakuna ng Bata
💉Anti-Rabies Vaccine
📢Referral
🦷Bunot & Dental Check-up
👩‍⚕️Medical Check-up
🤰Buntis Check-up
👨‍👩‍👧Family Planning
💊Gamot & Maintenance
🩻TB Medicines
🔬Laboratory Services
🩵Cervical Cancer Screening & Treatment

✅️Kailangan po ng sariling UHC ID ng bawat pasyente. Para sa minor (bata), gamitin ang PhilHealth ID ng magulang.

✅️Kung wala pa kayong PhilHealth ID, maaari po kayong mag-apply sa PhilHealth Office,Barangay Marcelo Green (Service Road).
---
🩷 Kaya’t mag-register na po lahat upang masiguro ang inyong libreng serbisyong pangkalusugan! Dahil dito ika'y Alagang Paranaque.

Announcement!PARA SA MGA PWD & SENIOR CITIZEN RESIDENTS NG BARANGAY SAN ANTONIO!May available na Assistive Devices tulad...
17/10/2025

Announcement!

PARA SA MGA PWD & SENIOR CITIZEN RESIDENTS NG BARANGAY SAN ANTONIO!
May available na Assistive Devices tulad ng wheelchair at iba pang kagamitan para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) at Senior Citizens na nangangailangan!
Ito ay bahagi ng programa ng DOH sa ilalim ng Memorandum 2020-003.
Sino ang pwedeng mag-apply?
Lahat ng PWD residents ng Parañaque at senior citizens na nangangailangan ng assistive devices.
MGA REQUIREMENTS:
1. Sulat ng request na pirmado ng recipient o authorization letter mula sa recipient (original at photocopy)
2. Certificate of Need o Certificate of Disability
4. One (1) valid ID o proof of identity (original at photocopy)
5. One (1) whole body photo ng recipient
PAANO MAG-APPLY?
1. Ihanda at isumite ang kumpletong requirements sa NCD Recorder ng inyong barangay health center.
2. Hintayin ang text o tawag ng NCD Recorder kung kailan pwede nang kunin ang assistive device.
Paalala:
Pagkatapos maisumite ang requirements, kailangan lamang hintayin ang approval bago makuha ang assistive device.

12/10/2025
📢Pabatid sa Publiko 📢✅️Pansamantala pong walang medical consultation sa San Antonio Health Center (Fourth Estate at Vall...
10/10/2025

📢Pabatid sa Publiko 📢

✅️Pansamantala pong walang medical consultation sa San Antonio Health Center (Fourth Estate at Valley 8) mula Oktubre 14 hanggang 17, 2025.

Ang ating mga doktor na sina Dr. Catherine Anne D. Malaki at Dr. Rustan Jake C. Pelipel ay dadalo sa Local Operational Planning Workshop (Alagang Parañaque LHSML Implementation Review and Recalibration Workshop) na pangungunahan ng Department of Health – CHD Metro Manila.

Ang regular na konsultasyon ay babalik sa Oktubre 20, 2025 (Lunes).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. 🩷🩵

09/10/2025
Healthy habits are simple routines that benefits both mental and physical health. 🌿 By making healthier choices, you can...
08/10/2025

Healthy habits are simple routines that benefits both mental and physical health. 🌿 By making healthier choices, you can support your overall well-being and enhance your quality of life.

Here are some easier habits to start with! ⬇️⬇️⬇️
Your small steps lead to meaningful improvements over time. ✨



Healthy habits are simple routines that benefits both mental and physical health. 🌿 By making healthier choices, you can support your overall well-being and enhance your quality of life.

Here are some easier habits to start with! ⬇️⬇️⬇️
Your small steps lead to meaningful improvements over time. ✨

08/10/2025
Ang 𝓐𝓷𝔁𝓲𝓮𝓽𝔂 (pagkabalisa) ay isang pakiramdam ng nerbiyos, pag-aalala, o pagkabahala tungkol sa isang posibleng mangyari...
07/10/2025

Ang 𝓐𝓷𝔁𝓲𝓮𝓽𝔂 (pagkabalisa) ay isang pakiramdam ng nerbiyos, pag-aalala, o pagkabahala tungkol sa isang posibleng mangyari sa hinaharap. 😶‍🌫️🫨
Ito ay normal na reaksyon sa stress na tumutulong sa isang tao na manatiling alerto at nakatuon.
Gayunpaman, kapag ang pagkabalisa ay nagiging labis, nakapanlulumong, o tuloy-tuloy at nakakaapekto na sa pang-araw-araw na gawain, maaaring ito ay senyales ng anxiety disorder.

Ang 𝗮𝗻𝘅𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗱𝗶𝘀𝗼𝗿𝗱𝗲𝗿𝘀 ay mga kundisyon sa kalusugang pangkaisipan na may katangiang matinding at paulit-ulit na pag-aalala o takot na tumatagal nang hindi bababa sa anim na buwan. Madalas itong nakakaapekto sa araw-araw na gawain, relasyon, at trabaho.
Bagaman malaki ang epekto nito sa kalidad ng buhay ng isang tao, maaari itong magamot sa pamamagitan ng therapy, gamot, o kombinasyon ng dalawa.

Kung ikaw ay nahihirapan, tandaan:
𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖 𝙣𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙖 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙮 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙪𝙠𝙪𝙝𝙖. 🫂✨

Ngayong at sa mga darating pang araw,
wasakin natin ang katahimikan, bawasan ang stigma, at bumuo ng isang mas maunawaing mundo para sa lahat. Hikayatin nating humingi ng tulong ang mga nakararanas ng paghihirap. 💙


Nais po namin ipabatid na NAUBOS na po ang supply ng ANTI-RABIES VACCINE para sa mga bagong pasyente at booster patients...
03/10/2025

Nais po namin ipabatid na NAUBOS na po ang supply ng ANTI-RABIES VACCINE para sa mga bagong pasyente at booster patients (na galing sa ibang ABCs/ABTCs).

Lahat po ng mga bagong pasyente na nangangailangan ng anti rabies vaccine ay irerefer na lamang po sa ibang ABTCs (RITM/San Lazaro Hospital) o private ABCs.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Antabayan na lamang po ang susunod na announcement.

Ligtas na pagbubuntis ay ating tiyakin! 8 Antenatal Checkup ay kumpletuhin..🩷👍✅️✅️✅️Sundin ang 1 check up sa unang trime...
02/10/2025

Ligtas na pagbubuntis ay ating tiyakin! 8 Antenatal Checkup ay kumpletuhin..🩷👍

✅️✅️✅️Sundin ang 1 check up sa unang trimester.
✅️✅️✅️2 check ups sa pangalawang trimester at
✅️✅️✅️5 check ups sa ikatlong trimester.

Paalala mula sa DOH at San Antonio Health Center. 🩷🩷🩷

Ang healthy mommy ay healthy baby.

Address

Fourth Estate Brgy. San Antonio Health Center
Parañaque

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Antonio Health Center Main and SAV 8 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share