18/08/2025
Buwan ng Wika 2025 sa Goldencare Pediatric Therapy Center!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inaanyayahan namin ang lahat ng ating mga bata na magsuot ng kanilang makukulay na Filipino costume sa huling linggo ng Agosto(August 24-30), sa mismong therapy session!
Ang mga guro/therapists ay magtatalaga ng talaan upang makita kung sino ang may pinakamainam at pinakamagandang kasuotan.
Ang tatanghaling Best in Costume ay ipapahayag at pagkakalooban ng espesyal na sorpresa.
Layunin ng gawaing ito na maipadama ang pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura, kasabay ng masayang karanasan ng bawat bata sa kanilang therapy.
Halina’t ipagdiwang ang ating kultura at wika nang may saya at kulay dito sa Goldencare!