Vitalez Health Center - Parañaque City

Vitalez Health Center - Parañaque City OFFICIAL PAGE OF VITALEZ HEALTH CENTER- PARAÑAQUE CITY

23/09/2025

Tara na, pet lovers! 🐶🐱 Celebrate World Rabies Day 2025 with us this September 26 sa WalterMart Sucat! Ang theme ngayong taon: Act Now: You, Me, Community—dahil ang kontra rabies ay laban nating lahat.

🎉 Main Event: ‘Pawrade’
Suotan ng costume ang inyong furbabies in United Nations theme! Represent your favorite country and strut with pride sa cutest parade of the year!

Other Activities:
✔️ Libreng Rabies Vaccination & Microchipping
✔️ Human and Animal Rabies Lectures
✔️ Dog Show na punong-puno ng talento at cuteness!

🕒 Schedule:
📅 Date: September 26, 2025
📍 Venue: WalterMart Sucat
📌 12:30 PM – Registration
📌 1:00–3:00 PM – Main Program

Let’s unite for a rabies-free future. Sama-sama tayong kumilos—ikaw, ako, at ang buong komunidad.

📸 Don’t forget to dress up, show up, and speak up!

30/08/2025

‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️

Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.

Ito ay naaagapan at nagagamot kung malaman nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!

💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities

Source: World Health Organization




30/08/2025

❗️TINGNAN: MGA PARAAN TO ❗️
Ang Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng:
✅ Infection control
✅ BCG vaccination sa mga sanggol
✅ Tuberculosis Preventive Treatment o TPT para sa mga close-contacts at high-risk population!

Ang mga ito ay madaling gawin, epektibo at ligtas! Kumonsulta sa pinakamalapit na TB-DOTS para sa libreng testing, gamot, at TPT: bit.ly/TBDOTSFacilities





30/08/2025

❗️1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TB❗️

Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang immune system. Kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan.

Ang HIV at TB co-infection ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na TB screening, tuloy-tuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART), at paggamit ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT).

Ang ART at TPT ay available sa HIV Care facilities malapit sa inyo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥





23/08/2025

❗️TUBERCULOSIS PREVENTIVE TREATMENT, NAPATUNAYANG EPEKTIBONG PROTEKSYON SA TB❗️

Ang Tuberculosis Preventive Treatment o TPT ay isang gamot na ibinibigay sa taong na-expose sa isang Tuberculosis (TB) patient.
Mabilis ang transmission o pagkalat ng TB dahil maaaring maipasa ito sa pag-ubo, pagbahing at pagdura.

Ang TPT ay napatunayang mabisa at ligtas na paraan para maprotektahan ang mga high-risk individuals at mapigilan ang pagkalat ng TB.

Ang TPT ay available sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities





23/08/2025
Nagkaroon tayo ng napakagandang Hypertension at Diabetes Mellitus Lecture ngayong araw ika-20 ng Agosto, sa 2nd Floor, B...
20/08/2025

Nagkaroon tayo ng napakagandang Hypertension at Diabetes Mellitus Lecture ngayong araw ika-20 ng Agosto, sa 2nd Floor, Barangay Hall ng Vitalez! Kasama rin sa tinalakay ang mga sakit tulad ng Osteoarthritis, Rheumatoid Arthritis, at Gout para sa mga senior citizens.👵👴

​Hindi ito magiging posible kung wala ang suporta ng ating butihing Kagawad for Health, Kgwd. Conrado Canlas, at ni Sir Teodoro Veslino, ang President ng Samahan ng mga Senior Citizen. Malaki rin ang pasasalamat natin sa ating Kapitan, Alexander Alvarez, sa kanyang walang sawang pagsuporta.

​Pinangunahan ng ating Doktor na si Himmler Cos ang lecture. Bukod pa rito, nagsagawa rin ang ating health center staff ng Risk Factor Assessment at FBS/RBS screening sa ilalim ng programang Non-Communicable Diseases.
​Maraming salamat sa lahat ng dumalo! Patuloy po tayong maging alisto sa ating kalusugan.



13/08/2025

⚠️ 656,115 NA MGA PILIPINO, MAY DIABETES NA

‼️Ayon sa pinakahuling datos ng Field Health Services Information System ng DOH (FHSIS, 2024), 656,115 na Pilipino ang may diabetes. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi nakakaalam na sila ay may ganitong kondisyon.

Alamin ang mga sintomas ng Diabetes. Ugaliin ang regular na konsultasyon para mabantayan ang kalusugan at para sa maagang gamutan.





13/08/2025

Mga Pilipinong nagpa-vasectomy, nananatiling 0.1% pa lamang ayon sa Commission on Population and Development.

✅ Ang vasectomy ay ligtas at epektibo! Maging bahagi ng family planning dahil hindi lamang ito tungkulin ng kababaihan.

💪 Tandaan rin na hindi nakamamacho ang bisyo at hindi nakababawas ng pagkakalalake ang vasectomy. 🙅‍♂️

🏥 Kumonsulta sa healthcare worker para sa mga tamang impormasyon tungkol sa vasectomy.





13/08/2025

Higit 9 milyong kababaihan na ang gumagamit ng family planning methods ayon sa datos ng DOH.

✅ Gaya nila, may karapatan ka ring pumili ng pinakamainam na family planning method na swak sa’yo!

🔎 Basahin ang larawan para sa karagdagang impormasyon.





13/08/2025

👁️ Panlalabo? Pamumula? May lumulutang sa paningin?

Ang bawat sintomas ay hindi dapat balewalain—baka senyales na ito ng problema sa mata. 👀❗

🗓️ Magpatingin ng mata kahit isang beses kada taon upang maagapan ang anumang sakit o pagbabago sa paningin.

🔎 Ang maagang pagsusuri ay susi sa malusog na paningin! 👓✅





13/08/2025

📈 Higit walong libong kababaihan, naitalang may cervical cancer noong 2022. Nananatiling pangatlong nangungunang uri ng kanser ang cervical cancer sa mga kababaihan.

✅ Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng HPV vaccination. Kaya habang maaga, magpabakuna na.

🏥 Bumisita sa health center para sa schedule ng pagbabakuna.

Isang paalala ngayong National Adolescent Immunization Month.





Address

Jaime Street , Brgy Vitalez
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vitalez Health Center - Parañaque City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram