19/06/2025
Magandang araw ❤
Para sa mga nagtatanong kung ano na sunod na magaganap pagkatapos ng naging election noong May 15, 2025, atin pong inaantay ang order na ibababa ng Department of Labor and Employment para ganap na kilalanin ang ating union bilang Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA). Ibig sabihin after natin mareceive ang order ay mayroon na tayong power to collective bargain sa management. Maaari na tayong sumulat sa management for possible negotiation para sa ating mga benepisyo.
Ang ating unyon ay magsasagawa muna ng Collective Bargaining Negotiation Seminar upang hasain ang magiging representative ng unyon sa darating na negosasyon at upang makapag draft ng ating Collective Bargaining Agreement (CBA).
Hinihiling po namin ang mahabang pasensya at pang unawa pa sa mga kasamahan naming manggagawa sa MCP dahil dumadaan pa po tayo sa proseso.
Mag antay lamang ng aming susunod na update.
Malapit lapit na po tayo sa exciting part. ❤
Maraming salamat po. ❤