03/07/2025
https://www.facebook.com/share/p/1FjfwEChrZ/
🩸 7-eleven Day BLood Drive 🩸
Samahan niyo kami at magbigay ng pag-asa sa darating na Hulyo 11, 2025 (Biyernes) sa isasagawang Blood Donation Drive!
Venue: Parañaque City College
Date: July 11, 2025
Time: 8:00 am - 3:00 pm
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi at mag-donate ng dugo. Sa isang simpleng hakbang, makatutulong tayong magligtas ng buhay!
• Bukas para sa lahat ng nais tumulong!
• May medical screening bago ang donation!
• Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan at kabutihang panlahat!
Para sa pagpaparehistro, i-click lamang ang link: bit.ly/7-ElevenDayBloodDrive25
Mga Panuntunan para sa Blood Donation:
1. Edad: 16–65 taong gulang
a. 16–17 y/o – may pahintulot ng magulang
b. Hanggang 60 y/o kung first-time donor
c. Maaaring 65 y/o pataas kung regular donor
2. Timbang: 50 kg pataas
3. Blood pressure: 90/60 hanggang 140/90 mmHg
4. Heart rate: 60–100 bpm
5. Tatanggapin lang matapos ang 1 taon mula sa procedure:
a. May tattoo o body piercing
b. Sumailalim sa surgical o dental procedure
6. Tatanggapin lang matapos ang 6 na buwan kung nagpunta sa Malaria-endemic areas sa Pilipinas
7. Dapat may 6–8 hours na tulog bago mag-donate
8. Bawal uminom ng alak sa loob ng 12–24 hours bago ang donation
9. Bawal manigarilyo sa loob ng 4 na oras bago ang donation
10. Maaaring mag-donate ang may altapresyon kung kontrolado ang BP
11. Maaaring mag-donate ang diabetic kung kontrolado ang blood sugar sa pamamagitan ng diyeta o oral meds
12. Kung uminom ng pain reliever, ipagpaliban muna ng 48 oras
13. Kung uminom ng Aspirin, ipagpaliban ng 5 araw
14. Kung umiinom ng antibiotics, ipagpaliban ng 2 linggo
15. Kung may ubo o sipon, ipagpaliban ng 1 linggo
16. Kung sumailalim sa blood transfusion, ipagpaliban ng 1 taon
17. Kung may bakuna na anti-rabies o anti-tetanus, ipagpaliban ng 1 taon mula huling bakuna
18. Kung may sugat, pantal, singaw, o sore throat, hintayin munang gumaling
19. Kung gumagamit ng tretinoin, ipagpaliban ng 1 buwan mula huling gamit
20. Kung umiinom ng anti-epileptic drugs, hindi maaaring mag-donate
21. Kung gumagamit ng IV glutathione, ipagpaliban ng 1 taon