03/04/2026
🌟 Alhamdulillah! Welcome to the World! 🌟
👶 Isang malusog na baby girl ang ligtas na ipinanganak ngayong April 02, 2026 | 5:22 PM sa IPH sa pamamagitan ng normal spontaneous vaginal delivery!
Ang bagong silang na sanggol ay tumanggap ng mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan:
💉 Vitamin K injection
👁️ Eye ointment
🛡️ Hepatitis B vaccine
🔬 Expanded Newborn Screening Test
Nakatanggap din ng libreng:
🎁 Newborn kit
📝 Birth certificate
Bukod sa serbisyong medikal, nagbigyan din ng mahalagang health education ang nanay tungkol sa kahalagahan ng:
🤱 Breastfeeding
💉 Immunizations
👨👩👧👦 Family planning
🧪 Newborn screening
👉 At higit sa lahat: 💯 ZERO BILLING — lahat ng manganganak dito ay walang babayaran.
Ipinagmamalaki naming ipabatid na ang panganganak sa IPH ay ligtas at maaasahan. Kami ay patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. Sa tulong ng aming Ob-Gyne at mga trained nurses at midwives, ang bawat buntis na ina ay inaalagaan nang may malasakit at kahusayan.
💖 Sa IPH, bawat panganganak ay ligtas, maaasahan, at may malasakit.
📌 Bukas kami 24/7 para sa ligtas na panganganak.
📌 Huwag kalimutang dalhin ang valid id, prenatal booklet at pinakahuling ultrasound results 📘🩺
Location: Notre Dame Site, Poblacion I, Parang, Maguindanao del Norte
✨ Welcome to the family, little one! ✨