Kings Herbal Plus - Authorized Dealer in Cebu

Kings Herbal Plus - Authorized Dealer in Cebu Kings Herbal has been known to help various kinds of diseases/illness..

KINGS HERBAL
is enrich with 100% concentrates made from different kinds of 77 fruits,vegetables, ang herbs freshly harvested from farms in Bulacan,Nueva Ecija,and Tarlac.

26/05/2022
19/02/2022
19/02/2022
Dear clients we are updating our packaging/labeling of our product.The ingredients are also added with three more herbs ...
19/02/2022

Dear clients we are updating our packaging/labeling of our product.The ingredients are also added with three more herbs that would become 80. Thank you for your continuous patronage. God bless!

05/08/2021
05/08/2021

Trabaho Sa Gabi, May Epekto Sa Kalusugan
Payo ni Doc Willie Ong

Ayon sa pag-aaral, may posibleng masamang epekto sa kalusugan ang pag-trabaho sa gabi. Kasama rito ang mga call center agents, entertainers, security guards at iba pa.
Kapag nabaligtad ang ating pagtulog, bababa ang lebel ng melatonin (isang mabuting kemikal) sa ating katawan. Napag-alaman na ang lebel ng melatonin ay naka-depende sa liwanag ng ating kapaligiran. Tumataas ang lebel natin ng melatonin kapag madilim ang lugar at tulog tayo. Bumababa naman ang melatonin kapag may sikat ng araw o maliwanag ang ating paligid.
Ayon sa World Health Organization, ang pag-trabaho sa gabi ay posibleng magdulot ng mga sakit tulad ng prostate cancer, breast cancer, katabaan at sakit sa puso. Para malunasan ang ganitong sitwasyon, mayroon akong mga payo:
1. Habang naka-duty sa gabi, bawasan ang liwanag sa iyong paligid. Babaan ang sinag ng computer. Puwede din gumamit ng yellow light sa kuwarto imbes na puting fluorescent light na napakaliwanag. Ito’y para huwag gaano bumaba ang melatonin natin sa katawan.
2. Bawiin na lang ang tulog sa araw. Subukang makatulog ng 7-8 oras para makabawi sa puyat. Mas maganda kung tuluy-tuloy ang tulog mo kaysa putol-putol.
3. Ayusin ang iyong kuwarto na maging madilim. Lagyan ng madilim na kurtina o takip ang mga bintana. Ang lebel ng melatonin ay tumataas kapag madilim ang lugar.
4. Gumamit ng eye shades (pantakip sa mata) at ear plugs (pantakip sa tainga) para mabawasan ang liwanag at ingay sa paligid.
5. Piliting sumunod sa malinis na pamumuhay at kumain ng masustansya. Huwag manigarilyo o uminom ng alak. Sa ganitong paraan ay malalabanan natin ang mga peligro na dulot ng pang-gabing trabaho.
6. Bilang panghuling payo: Kung kaya mong mabawasan ang duty sa gabi ay makatutulong ito. Sa mga health workers ay bawat 3 araw ang duty nila sa gabi. Kapag night-shift ang duty mo bilang security guard ay baka puwede kang lumipat sa morning shift pagkaraan ng isang buwan. Posible din namang makahanap ka ng ibang trabaho balang araw. Good luck po.

29/06/2021

Ang Kidneys: Paano Alagaan?
Payo ni Doc Willie Ong

Sa nakaraang artikulo, nabanggit ko ang mga tips para alagaan ang kidneys: (1) Bawasan ang asin sa pagkain, (2) Limitahan ang protina sa pagkain, (3) Gamutin ang altapresyon o high blood pressure at (4) Gamutin ang diabetes.
Payo ito ni Dra. Elizabeth Montemayor, isang tanyag na kidney specialist, Head ng Section of Nephrology sa PGH at Head ng Hemodialysis Unit sa Manila Doctors Hospital. Heto pa ang iba pang payo para sa kidneys:
1. Limitahan ang paggamit ng pain relievers (gamot sa kirot) – Ang mga pangkaraniwang pain relievers tulad ng mefenamic acid, ibuprofen, at mga mamahaling pain relievers tulad ng celecoxib, ay puwedeng makasira ng kidneys. Kailangan ay limitahan ang paggamit nito sa 1 o 2 linggo lamang. Pagkatapos ay ipapahinga muna natin ang kidneys, bago muli bigyan ng gamot sa kirot. Kaya kung ika’y may arthritis, maaaring lagyan ng mainit na tubig (hot compress) ang uminom ng paracetamol tablets.
2. Uminom ng sapat na tubig sa isang araw – Ang pangkaraniwang payo ng doktor ay ang pag-inom ng 8 basong tubig sa isang araw. Makatutulong ito sa pag-iwas sa kidney stones o bato sa bato.
3. Para sa mga taong magpapa-CT Scan o MRI with contrast dye (iyung gumagamit ng dye na ipinadadaan sa ugat), kailangan nating pangalagaan ang inyong kidneys. Uminom muna ng 1-2 basong tubig bago magpa-CT scan o MRI para matulungan ang kidneys na ilabas itong dye.
4. Wala pang basehan ang paggamit ng supplements para sa kidneys – Ayon kay Dra. Montemayor, wala pang supplement na naimbento na napatunayang makatutulong sa kidneys. Sundin lamang ang mga payong naibigay natin at mapapangalagaan na ang ating kidneys.
5. Huwag sobrahan ang pag-inom ng Vitamin C – Ayon kay Dra. Montemayor, hanggang 500 mg lang ng Vitamin C ang kanyang mare-rekomenda. Ang sobrang vitamin C ay puwedeng magdulot ng kidney stones. At ang kidney stones naman ay puwedeng umabot sa kidney failure kapag hindi naagapan.
6. Magtanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot. Magpacheck ng ihi (urinalysis) at dugo (CBC, BUN at creatinine) at kumonsulta sa inyong kidney specialists o doktor. Napakahalaga ng ating kidneys. Alagaan natin ito.

12/06/2021

Kumain Ng 2 Tasang Prutas at 2 Tasang Gulay
Payo ni Doc Willie Ong

Gusto mo bang maging malusog at masigla? Simple lang ang solusyon. Kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw. Maraming benepisyo ang iyong makakamtam sa ganitong paraan:
1. Kumpleto sa bitamina – Kapag susundin mo ito, makukuha mo ang mga bitaminang kailangan ng iyong katawan sa bawat araw. Sagana ang prutas at gulay sa vitamin A, B, C, K at iba pa.
2. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10%. Kung gusto pang bumaba ang tsansa na magka-kanser, umiwas din sa sigarilyo at pag-inom ng alak.
3. Para maging regular ang pagdumi – Malaki ang tulong ng prutas at gulay sa ating tiyan at bituka. Mataas ito sa fiber na parang nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.
4. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa mga vitamin B, na makatutulong sa ating ugat (nerves) at makababawas sa stress. Mas giginhawa din ang iyong pakiramdam sa pagkain ng prutas at gulay.
5. Panlaban sa init – Kapag masyadong mainit ang panahon, kumain ng matutubig na prutas, tulad ng melon, pakwan at buko juice. Uminom din ng 8-10 basong tubig sa bawat araw.
6. Para manatiling bata at malusog ang katawan – Ayon sa isang pagsusuri sa England, may 4 na gawain ang makakatanda sa atin ng 12 taon. Ito ay ang paninigarilyo, pag-inom ng sobrang alak, hindi pag-e-ehersisyo, at kakulangan sa pagkain ng gulay at prutas.
7. Ito’y rekomendasyon sa “Healthy Plate” na nagsasaad ng dapat nating kainin sa bawat araw. Para makaiwas sa sakit, kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay araw-araw.
Ngunit, kung gusto ninyong kumain ng mas marami pang gulay ay puwede naman. Ngunit pagdating sa prutas ay huwag sosobra sa 2 tasa bawat araw dahil baka kayo tumaba. Ang mangga at ubas ay matamis at mataas sa calories.
Ang pinakamasustansyang prutas na mabibili sa Pilipinas ay ang saging, mansanas, orange, dalandan, papaya, strawberry, ubas, pakwan, melon, buko, abokado at pineapple.
Ang pinakamasustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Kumain ng tama at kumain ng sapat.

05/06/2021

How often have you heard someone say, “I’m so full I can’t eat another bite?” Unfortunately, although the stomach may appear satisfied, this “all-you-can-eat” habit may actually reduce one’s lifespan.

05/06/2021
05/06/2021

Pagkain Para Lumakas
Payo ni Doc Willie Ong

Kapag gusto mong mag-ehersisyo o magtrabaho ng mabigat, kailangan mo ng sapat na lakas. Makukuha natin ito sa pamamagitan ng tamang pagkain.
1. Saging – Napakaganda ng saging sa mga nag-e-ehersisyo dahil mayroon itong taglay na carbohydrates, vitamin B at potassium. Ang potassium ay kailangan sa normal na pagtibok ng puso at paggalaw ng masels. Masdan niyo ang mga tennis players na palaging kumakain ng saging.
2. Spaghetti – Nagbibigay ng lakas ang spaghetti dahil sa taglay nitong carbohydrates. Sa mga diabetic, mas mainam ang spaghetti kaysa sa kanin, dahil mas hindi tataas ang iyong asukal sa dugo.
3. Gatas – Ang gatas ay isang kumpletong pagkain dahil mayroon itong carbohydrates, protina at fats. May vitamin B pa ito na nagbibigay ng lakas. Piliin lamang ang low-fat milk para hindi tumaba.
4. Chocolate Bar – Para sa kabataan, puwedeng kumain ng tsokolate dahil mayroon itong asukal, gatas at cocoa. Maituturing itong energy bar. Pero limitahan lang ang kakainin sa isang maliit na hiwa at baka ikaw ay tumaba.
5. Pakwan – Ang pakwan at buko ay napakabisang natural energy drinks. Ang pakwan ay may 92% alkaline water na mabuti sa katawan. Punong-puno din ang pakwan ng vitamin B, potassium at electrolytes na kailangan ng taong laging pinapawisan. Maganda rin ang pakwan bilang panlaban sa heat stroke at init ng panahon.
6. Buko – Ang sabaw ng buko ay mayroong maraming electrolytes na maihahambing na sa suero na ginagamit ng doktor. Ang laman ng buko ay may carbohydrates na nagpapalakas at nakabubusog din.
7. Nilagang itlog – Ang itlog ay siksik sa protina, vitamin B at vitamin D. May sangkap pa itong Choline na kailangan ng ating utak. Limitahan lang ang pagkain sa 1 o 2 itlog sa maghapon.
8. Nilagang mani – Ang mani ay punong-puno din ng protina, minerals at good fats na nagbibigay ng lakas. Mas masustansya ang nilagang mani kaysa sa pritong mani dahil wala itong mantika at mababa sa asin.
Dagdag payo para lumakas: Kumain ng mas madalas pero katamtaman lamang. Ito’y para makakuha tayo ng tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya mula sa pagkain. Sa umaga, kumain din ng masustansyang almusal para may lakas tayo.
Isang paalala: Huwag sosobrahan ang pagkain ng mga nabanggit dahil puwede tayong tumaba. Tandaan lamang na kapag mayroon tayong kinain, ay sasabayan ng ehersisyo para matunaw ito.

03/06/2021

REH Kings Herbal Food Supplement Testimonial- Alfredo Panganibansakit: Pneumonia at AlmoranasWhere to buy?REH Kings Herbal Food Supplement available for walk...

07/04/2021
13/03/2021
Constant learning is the concept of always expanding your knowledge to gain new expertise...
26/02/2021

Constant learning is the concept of always expanding your knowledge to gain new expertise...

FREE MICROGREENS WEBCLASS: https://microgreenswebclass.com/register-y“How To PROFIT $1,500/Week Growing & Selling Microgreens WITHOUT Selling to Restaurants,...

Never stop learning...
26/02/2021

Never stop learning...

This is the most comprehensive guide on how to grow microgreens I have ever produced. Follow along as I take you from seed selection and planting ALL the way...

17/02/2021

Address

Pardo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kings Herbal Plus - Authorized Dealer in Cebu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Kings Herbal Plus - Authorized Dealer in Cebu:

Share