08/04/2024
ππHealth Reminders: For Summer Seasonππ
Ano ba ang dapat naing gawin?
1. Laging uminom ng tubig. (STAY HYDRATED)
2. Ugaliing magdala ng payong kahit saan man kayo magpunta. ( PROTECT YOUR SKIN)
3. Iwasang tumapat sa electric fan kung kayo ay galing sa labas at basa pa ng pawis. Huwag magpapatuyo ng pawis. ( PREVENT COUGH& COLD)
4. Laging magdadala ng extrang t-shirt o kaya ay bimpo kung kayo ay maglalaro sa labas o di kaya'y maglalakad sa initan. (MAINTAIN PROPER HYGIENE)
5. Uso ang outing o picnic kaya panatilihing malinis at maayos ang mga pagkain. ( BE MINDFUL OF FOOD SAFETY
6. Sa mga malimit na mag- ehersisyo, mas mabuting mag- ehersisyo sa loob ng bahay, o sa lugar na malamig, at magsuot ng maluluwag at komportableng damit, magbaon ng tubig. at huwag pilitin ang sarili sa bagay na hindi kyang gawin. ( STAY ACTIVE SAFELY)
7. Hindi natin maiiwasan ang kagat ng mga insekto na gaya ng lamok, langgam at iba pa,kaya mas mabuting linisin ang mga imbakan ng tubig at ang mga lagayan ng mga pagkain. Maglagay ng mga lotion na pangontra sa lamok. ( PREVENT INSECT BITES)
8. Panatilihing aktibo sa mga balitang tungkol sa kalusugan, kagaya ng covid at pertussis na kasalakuyan nating kinakaharap. (STAY UPDATED ON HEALTH NEWS NEWS)
9. Ugaliing magpa konsulta kung may nararamdaman, huwag itong tiisin at lalong huwag mag gamot ng sarili. Mabuting magpa konsulta sa DOCTOR huwag sa kapitbahay o sa google. ( GET REGULAR CHECK-UPS)
10. Laging mag-iingat, at tatandaan PREVENTION IS BETTER THAN CURE.