Pasay City General Hospital - PCGH

Pasay City General Hospital - PCGH The official page of Pasay City General Hospital (PCGH).

Ang Breast Cancer ang nangungunang kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas. Ngayong Oktubre, nakikiisa ang Pasay City Gene...
01/10/2025

Ang Breast Cancer ang nangungunang kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas. Ngayong Oktubre, nakikiisa ang Pasay City General Hospital sa International Breast Cancer Awareness Month upang makapagbigay kaalaman ukol sa sakit na ito.

Ang mga kababaihang edad 40 pataas (na walang ibang risk factors o bukol na nakakapa) o ang mga kababaihang may nakakapang bukol sa dibdib o iba pang sintomas ng breast cancer ay maaaring kumonsulta sa PCGH Outpatient Clinic-Adult Primary Care Clinic o Surgical Oncology Clinic.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Pasay Gen ay may kakahayang magbigay ng free Chemotherapy pati libreng konsultasyon sa ibat ibang cancer specialists: Medical Oncology, Surgical Oncology, Gynecologic Oncology, at Radiation Oncology.

Sa laban sa Breast Cancer, sama sama po tayo, Pasayeño!

28/09/2025

PCGH SESSIONS: CHOLECYSTITIS

Kapag kanang bahagi ng tyan ang sumasakit, lalo na't pagkatapos kumain ng matataba o mamantikang pagkain, kailangan maka siguradong hindi ito Acute Cholecystitis, o ang pamamaga ng apdo. Narito si Dr. Adrian Lumaad ng Department of General Surgery upang magbigay kaalaman ukol sa sakit na ito.

PASAY GEN NURSES, BLS/ACLS CERTIFIED! Noong September 25, sumailalim ang mga nars ng Pasay City General Hospital sa Basi...
27/09/2025

PASAY GEN NURSES, BLS/ACLS CERTIFIED!

Noong September 25, sumailalim ang mga nars ng Pasay City General Hospital sa Basic Life Support/Advanced Cardiovascular Life Support (BLS/ACLS) Training. Mula sa iba't ibang departamento ng Patient Care Services, ang mga nars ay nag-sanay upang makapagbigay ng wasto at napapanahong resuscitation procedures sa mga pasyenteng agaw-buhay at kritikal.

Pinapa alalahanan ang lahat na hanggang sa susunod na tatlong linggo, lilimitahan muna ang mga pasyente sa OBGYN upang m...
24/09/2025

Pinapa alalahanan ang lahat na hanggang sa susunod na tatlong linggo, lilimitahan muna ang mga pasyente sa OBGYN upang magbigay daan sa renovation ng Operating Room at Delivery Room Complex.

Prayoridad ang mga pasyenteng:
1. May 4 (apat) at higit pang konsulta sa PCGH OBGYN
2. Extreme obstetric/gynecologic emergencies

Maaaring kumonsulta sa pinakamalapit na Pasay City Health Centers o di kaya sa mga kalapit na mga ospital.

13/09/2025

PASAYGEN CONVERSATIONS ON GOOD HEALTH: PNEUMONIA

Ano nga ba ang pulmonya at paano ito maiiwasan? Ito po ay sasagutin at liliwanagin ng Internal Medicine specialist ng Pasay City General Hospital na si Dr. Keith Darryl Deo Grafil.

---

Ang Pasaygen Conversations on Good Health (PCGH) Sessions ay isang programang naka-tuon sa pagbibigay ng impormasyong medikal sa mga Pasayenyo mula sa mga doktor, nars, at iba pang allied health professional's ng Pasay City General Hospital

Sa Pasay Gen Monthly Health Talks ngayong Setyembre, isang hybrid lay forum ang handog ng Department of Medical Educatio...
11/09/2025

Sa Pasay Gen Monthly Health Talks ngayong Setyembre, isang hybrid lay forum ang handog ng Department of Medical Education-Special Projects at Department of Pediatrics ukol sa HIV/AIDS sa mga kabataan. Samahan si Dr. Maylene Agrimano, Pediatric Infectious Disease Specialist ng Pasay Gen sa pagtalakay sa sakit na mabilis na tumataas ang bilang sa mga kabataan.

Ang lay forum ay magaganap face-to-face sa Pasay City General Hospital-Outpatient Department, at virtual sa Zoom at PCGH FB Live sa September 16, 1PM.

07/09/2025

Para sa kaalaman ng bawat pasyente, andito sina Nurse Jane at Nurse Isabel ng Medical Ward para ipaliwanag kung ano ba ang ibig sabihin ng mga letrang naririnig lagi tuwing na aadmit sa ospital.

---

Ang Pasaygen Conversations on Good Health (PCGH) Sessions ay isang programa ng Pasay City General Hospital doctors, nurses, and staff, na naka-tuon sa pagpalaganap ng kaalamang pang medikal at pang kalusugan para sa bawat Pasayenyo.

Train with us at Pasay City General Hospital, the lone LGU hospital in Pasay accredited by the Philippine College of Phy...
04/09/2025

Train with us at Pasay City General Hospital, the lone LGU hospital in Pasay accredited by the Philippine College of Physicians (P*P)

Experience a wide variety of cases, learn from dedicated teaching consultants, and enjoy all government-mandated benefits.

📌 Pre-Residency Batch 1: October 1
📌 Pre-Residency Batch 2: November 1

Please scan the QR code for initial application. For more details, kindly contact the numbers listed on the poster.

27/08/2025

PASAYGEN CONVERSATIONS ON GOOD HEALTH: DOXY SA LEPTO

Ang Doxycycline ay ang antibiotic na kailangang inumin bilang prophylaxis o protection laban sa Leptospirosis. Samahan ang registered pharmacists ng Pasay City General Hospital na sina Amira Madid at Jade Filipino sa pagpapa-alala kung ilan at anong dosage ang kailangan para dito. Mag tungo lamang sa mga Pasay Health Centers at Pasay City General Hospital kung saan maibibigay ng agaran at libre ang Doxycycline para sa Leptospirosis prophylaxis. Dahil tayong mga Pasayenyo, hindi magpapatalo sa Lepto!

Ang Pasaygen Conversations on Good Health (PCGH) Sessions ay isang programang naka-tuon sa pagbibigay ng impormasyong medikal sa mga Pasayenyo mula sa mga doktor, nars, at iba pang allied health professionals ng Pasay City General Hospital

24/08/2025

PASAYGEN CONVERSATIONS ON GOOD HEALTH (PCGH) SESSIONS: LEPTOSPIROSIS

Kamakailan lamang ay bumuhos muli ang malakas na ulan, kasunod ang pagbaha sa ilang mga bahagi ng lungsod at kalakhang Maynila. Samahan ang Chief Resident ng Department of Internal Medicine, Dr. Ryan Aspiras, sa pagpapa alala ng mga impormasyon ukol sa Leptospirosis at kung paano ito maiwasan.

-

Ang PCGH Sessions ay ang programa ng Pasay City General Hospital na naka tuon sa pagbibigay ng impormasyong medikal sa bawat Pasayenyo. Antabayanan lamang ang mga susunod na mga sessions mula sa mga doktor, nars, at iba pang allied health professionals ng Pasay Gen.

17/08/2025

PasayGen Conversations on Good Health (PCGH) Sessions: Leptospirosis=Dialysis?

Pagkatapos ng sunod-sunod na bagyo at pagbaha, nagkapunuan ang mga Emergency Rooms at Hemodialysis Units. Samahan sina Nurse Bernadette at Nurse Jobel ng PCGH Hemodialysis Unit at alamin kung bakit nga ba dumadami ang nangangailangan ng dialysis sa panahong ito, at kung paano ito maiiwasan.

Antabayanan lamang ang mga susunod na PCGH Sessions kung saan magbibigay-kaalaman ang mga doktor, nars, at iba pang mga allied health professionals ng PCGH ukol sa iba't ibang paksang pangkalahatang kalusugan!

It is with great pride and honor that Pasay City General Hospital congratulates the new Pasay Gen-trained Diplomates of ...
21/04/2025

It is with great pride and honor that Pasay City General Hospital congratulates the new Pasay Gen-trained Diplomates of the Philippine Pediatrics Society: Dr. Diana De Leon-Aspiras, Dr. Tricia Ojon, Dr. Settie Lucman, and Dr. Charlene Caberic-Conde.

Pasay City General Hospital also extends its heartfelt congratulations to Dr. V. Antonette Tabique for passing the Written Diplomate Exam and to the Department of Pediatrics for acquiring a three-year accreditation from the Philippine Pediatric Society.

This accreditation is a testament to the institution's thrust in becoming a premier training hospital in the country. With this achievement, Pasay Gen-Pedia will be able to field more homegrown board-eligible and board-certified Pediatricians in the years to come.


Address

P. Burgos Street , Brgy. 60 Pasay City
Pasay City
1300

Telephone

+63285510121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasay City General Hospital - PCGH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Pasay City General Hospital - PCGH:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category