Asignaturang Filipino

Asignaturang Filipino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Asignaturang Filipino, Pasay City.

Pinagpalang Luzon!Bakit nga ba humihina ang bagyo kapag dumadating sa Luzon? Alam niyo ba ang importansiya ng kalikasan ...
02/11/2020

Pinagpalang Luzon!
Bakit nga ba humihina ang bagyo kapag dumadating sa Luzon? Alam niyo ba ang importansiya ng kalikasan at kabundukan na tumutumulong mapahina ang bagyo? Isa sa pinakamahabang mountain range sa pilipinas ang Sierra Madre, ilang libong taon ng pinaglilingkuran ang mga taga luzon, sinasabi na hinaharang nito ang bagyo, na nasa kabilang bahagi ng dagat pasipiko upang humina at tuluyang maglaho o mawala, ilang bagyo din ang nalusaw ng bulubunduking ito, pero may mga ilang kumpanya at ilang sangay ng gobyerno ang gusto itong buwagin at lagyan pa ng Dam, para sa sariling interes.
Ang kahalagahan ng Sierra madre ay ating ingatan, pagyamanin, huwag natin tapyasan, at kalbuhin, malaki ang naitutulong ng bundok sa tao. Nawa ay matuto na tayo...

Salamat Sierra Madre.

Ctto to the owner of the photo...

Kung magiging housemate ka ni kuyašŸ¤”ano ang una mong gagawin sa loob Ng bahay NiyašŸ˜…šŸ¤”šŸ˜…
23/10/2020

Kung magiging housemate ka ni kuyašŸ¤”
ano ang una mong gagawin sa loob Ng bahay NiyašŸ˜…šŸ¤”šŸ˜…

Mayroon man o wala, wag mong kalilimutan ang sarili mo.
22/10/2020

Mayroon man o wala, wag mong kalilimutan ang sarili mo.

Ano nalang ang masasabi mo kung napagaralan na pala ang onomatopeya nang baitang1
22/10/2020

Ano nalang ang masasabi mo kung napagaralan na pala ang onomatopeya nang baitang1

Tunay na alamat Lang  ang nakakaalam!
22/10/2020

Tunay na alamat Lang ang nakakaalam!

Ang Alamat ng SIBUYASSi Buyas ay anak ng manggagamot ng isang tribo na nakatira sa paanan ng bundok ng  Sierra Madre. Ma...
23/04/2020

Ang Alamat ng SIBUYAS

Si Buyas ay anak ng manggagamot ng isang tribo na nakatira sa paanan ng bundok ng

Sierra Madre. Maliit pang bata ay kapansin-pansin na ang pagiging sensitibo ni Buyas. Lalo siyang naging maramdamin nang isilang ang bunsong kapatid. Maganda ang kapatid kung ihahambing kay Buyas kaya agad napapansin ang kaibahan nila.

Palibhasa ay marami ang nagpapagamot sa ama, kadalasan ay maraming tao sa kanilang kubo. Hindi mai-alis na mapansin ang mag-kapatid dahil maliit lang ang kubo at doon mismo nanggagamot ang kanilang ama.

"Kayganda ng inyong bunso," madalas ay sinasabi ng mga nagpupunta roon.

"Maganda rin si Buyas," madalas ay maririnig ng kanyang ina. Ayaw na ayaw ni Buyas na maririnig ang ganyong usapan. Agad na siyang pupunta sa likod ng kubo at doon uubusin ang oras hanggang maubos ang kanyang mga luha.

Nang magdadalaga si Buyas ay umibig siya sa isang makisig na binata. Ang problema, ang bunso niyang kapatid ang gusto ng lalaki.

Masakit na masakit sa loob ni Buyas tuwing aakyat ng ligaw ang binata sa kapatid. Ang gagawin niya ay magtatago sa kanilang likod-bahay at doon i-iiyak ang bigat ng damdamin.

Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ni Buyas ngunit wala itong magawa. Hindi nito mapanghihimasukan ang puso ng binata. Isa pa ay paano naman ang damdamin ng bunsong anak?

Ilang buwan pa ay isinama na ng binata ang mga magulang upang hingin ang kamay ng kapatid ni Buyas. Nais raw pakasal ng dalawa sa ikalawang pag-bilog ng buwan.

Labis na dinamdam ni Buyas ang kamatayan ng pag-ibig. Kinabukasan ay hindi na nakita si Buyas. Naglaho siyang tila bula. Sumapit at natapos ang araw ng kasal ng bunsong kapatid ay hindi na nakita si Buyas.

Isang umaga, habang nagwa-walis sa likod-bahay ang ina ay napansin nito ang isang halamang tumubo roon. Nang bunutin iyon ng babae para itanim sa mas maayos na lugar ay nakita ang bilog nitong mga bunga.

Natuklasan ng ina na maaaring ipanahog sa pagkain ang bunga. Pero higit sa lahat, natuklasan nitong nakapag-papaiyak ang bunga pag hinihiwa.

Naalala tuloy ng ina ang anak na si Buyas. Pinangalanan nitong buyas ang bungang iyon.
Ang buyas ay naging sibuyas makaraan ang maraming panahon.

22/04/2020

Panitikan - Tawag sa lahat ng pahayag, nakasulat man o binibigkas (kathang-isip o hindi kathang-isip)
Tuluyan - Anyo ng panitikang nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsama-sama ng mga salita sa pangungusap
Alamat - Nagkukuwento sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo
Anekdota - Tumatalakay sa kakaiba o kakatawang pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao
Nobela - Isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng ibat ibang kabanata
Pabula - Ang mga gumaganap na tauhan ay mga hayop
Parabula - Maikling kuwentong may aral na karaniwang hinahango sa bibliya
Maikling kwento - Isang maigsing salaysay hunggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang
Dula - Itinatanghal sa mga teatro; nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo
Talambuhay - Nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon
Talumpati - Opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado - Kwentong bayan - Ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan at kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
Patula - Anyo ng panitikang nabubuo sa pamamagitan ng pagsama-samang maanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong
Epiko - Tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuangakababalaghan at di kapani-paniwala
Sawikain - Maaring tumukoy sa idyoma, moto o salawikain
Bugtong - Isang pangungusap o tanong na may dobke o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
Tanaga - Maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan

The longest known Filipino word in a dictionary is the 32-letter, 14-syllable Pinakanakapagpapabagabag-damdamin, which m...
22/04/2020

The longest known Filipino word in a dictionary is the 32-letter, 14-syllable Pinakanakapagpapabagabag-damdamin, which means "the most emotionally disturbing (or upsetting) thing" from the root bagabag which means "to upset".

Ang Diwata sa Bundok MakilingPart 2Ang Alamat ni Maria MakilingA Philippine Legendary StoryAng Diwata at ang mga MortalS...
19/04/2020

Ang Diwata sa Bundok Makiling
Part 2

Ang Alamat ni Maria Makiling
A Philippine Legendary Story

Ang Diwata at ang mga Mortal

Si Maria’y hindi taga-lupa, bagama’t siya’y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na nga ng mga dating nasabi, nang panahong yao’y maaaring makipag-usap ang mga tao sa bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa kanila ang isang nilikhang nasa kagipitan, at ang mga ito naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot.

Kung ang pastol ay humihihip ng subing o plauta habang siya’y nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa’y susulpot nalamang sa kanyang harap ang isang nimpang lipos ng alindog upang makinig at makihati sa kaligayahan.

Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili sa talipapa. Kaparis ng ibang babae, siya’y nakasuot ng sutlang kung minsa’y may burdang bulaklak at malalapad ang guhit na siyang kinaugalian nang panahong yaon. Ang kanyang maitim at malagong buhok na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang bulaklak-suha.

Sa kanyang dibdib ay nakayakap ang mabangong kuwintas ng ilang-ilang. Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang. Mahinhing kumilos na wari bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukha’y salamin ng kagandahan. Bakit ang kanyang mga mata’y sakdal nang aamo. Maging ang kanyang kapwa babae’y naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa kanya’y nagyuyuko ng ulo.

Si Maria’y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing utusan ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay maliwanag na mapapansin ang mga luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria.

Nang panahong yao’y walang kuwartang katulad ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na bili ay palitan ang palakad ng bawa’t tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon.

Mga pinatuyong balat ng hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na yari sa buli’t sa pandang may kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may malalapad na guhit ay may patak-patak. At kung anu-ano pang kagamitan sa loob ng bahay ang paninda roon.

May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa bayan ang maraming tao upang makipamalit. Palibhasa’y hindi luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa kanya ng iba’t ibang lako.

Nagkataon namang sa araw na yao’y namamalit si G*t Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal na lingkod na kasama’y may kasama pa siyang mga dugong-mahal. Si G*t Dula ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng Makiling ay kinailangan nilang gumamit ng malaking bangka.

May kalayuan ang agwat ng dalawang bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.

Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang dala-dalahan. Kasingkapal ng mga paninda ang tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng pamamalitang ukol sa bawat pook. Kaya bukod sa mga sadyang tubo sa Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal.

Kabilang sa mga lipingmahal na namamalit ay si G*t Dulang nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa talipapa. Nagkataon namang nagkasabay ng padampot sina Maria at G*t Dula sa kanilang binibiling balat ng hayop na may magagandang balahibo.

Sa gayong pagkakasabay ay nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang mga mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa di sinasadya’y nahawakan ni G*t Dula ang malasutlang daliri ng dalaga.

Sandali silang nagkatinginan. Subalit sa taglay na kayumian ni Maria’y nagyuko ng ulo ang makisig na G*t tanda ng paggalang at paghingi ng paumanhin. Bago sila nagkalayo’y isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng lakambini sa mapakumbabang ā€˜patawad po’ ang sabi ng binata.

Itutuloy.

Source:

1. Maria Makiling - Wikipedia Tagalog

2. Ang Alamat ni Maria Makiling - Sipi mula sa Alamat PinoyCollection.Com Library.

Larawan: Ang Kuwento sa Diwata - WATTPAD M.E.C.A.

May isang napakagandang akda ang ā€œAma ng Panitikang Cebuanoā€ na si Vicente Sotto, Sr. patungkol sa isang maprinsipyong a...
19/04/2020

May isang napakagandang akda ang ā€œAma ng Panitikang Cebuanoā€ na si Vicente Sotto, Sr. patungkol sa isang maprinsipyong ama (dating sundalo ni Aguinaldo) na nadismaya nang ibenta ng matiyagang manliligaw ng kaniyang anak na dalaga ang armas nito sa mga Amerikano noong 1900. Pagkat noong 1898, pumayag ang nasabing ama, na may edad na, na manligaw ang binata sa kaniyang anak, sa kondisyong sasali ito sa hukbo ng Republika ng Pilipinas. ā€œDili ako buut motanaw bisan sa landung sa mga managbaligya sa Yutang-Natawhan. Mabudhion!ā€, wika ng matanda. Marami pang naisulat si Sotto na umaalala sa mga sakripisyo ng mga bayani natin noong Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano na huwag sana malimutan, lalo na ng mga kasimanwa niyang Cebuano.

Ngayong araw ay ginugunita ang ika-143 anibersaryo ng kapanganakan ni Sotto—abogado, senador, makabayan, peryodista at nagtatag ng mga unang pahayagang Pilipino sa Cebu, independista (nagsulong na palayain na ng Amerika ang Pilipinas sa lalong madaling panahon), at sa talim ng kaniyang mga sinusulat (pagbatikos kapwa sa gobyerno at sa simbahan), makailang ulit na ikinulong at ipinatapon sa ibang lugar.

Siya rin ang nagpasa ng Press Freedom Law (RA 53).

Sa isa pa niyang akda, sinabi niya na "Ang aking pahayagan ang magtataas sa puting bandila ng Kalayaang Mag-isip" ("Ang Makilungsod"/Ang Makabaya, Yutang Madalag, 10 Hunyo 1908).

"Did You know That Pres. Ferdinand E. Marcos Made all of This."-Ang Pilipinas noon ay binansagang "The Tiger of Asia"  (...
16/04/2020

"Did You know That Pres. Ferdinand E. Marcos Made all of This."

-Ang Pilipinas noon ay binansagang "The Tiger of Asia" (di minamaliit o binubully nuon).
-Manila International Airport (MIA) na naging Ninoy Aquino International Airport.
-PNR (Bicol Express)
-LRT-1 (1st in asia)/ MRT. Next Project "Bullet Train", Kaso lam nyo na. "(Monorail was the original plan of Marcos instead of LRT)"
-SLEX and NLEX (1st in Southeast Asia)
-Coastal Road tollway (CavitEX)
-Heart Center of the Philippines
-Kidney Center / National Kidney and Transplant Institute
-Philippines Lung Center
-PGH
-Children hospital
-Bataan Nuclear Power Plant
-Nayong Filipino
-Coconut Palace
-Palace in the Sky / Peoples Park.
-PICC
-Film Center
-Golden Mosque for Muslims
-Makiling Center for the Arts(National Arts Center)
-Folks Arts Teatre
-San Juanico Bridge( the longest bridge in the Philippines)
- The Manila Planetarium
-Calauit Safari farm Palawan
-Bust of FEM (pinasabog) same as Mount Rushmore.
-MTRCB,
-NEDA,
-PDIC,

-Love Bus / 1970s Air-conditioned buses that will only stop to load/unload passengers at designated stops.
- Metro Manila Double Decker Buses.
- MOTORCO "Double Decker Bus" ride 20 Centavos children less than 1 metre are free.children enjoy the ride on the open upper deck.
-Metro Mega Bus (400 Capacity Buses Ply Edsa)
-M.A.N Super Bus
-Ferry Boat-Rail Link
(sa ibang bansa nalang tayo makakakita ng mga ganyan)

-AFP modernization
-Defense Self-Reliant rocket launchers
-Mga sariling gawang pandigma.
-Humming Birds helicopters,
-Bongbong 1 Rocketed missile.
-Cali Super Pinto (Phil. made super Jets)
-Pugo - Phil made hovercraft
-Hospital Ship
-Sumpak missile Trucks.
-6x6 wheeled combat Bongbong 1 missile truck launcher
-War Ships
-War planes 35 F8-crusaders
-37 f-5 jets
-OV-10 bronco
-C-130 Planes
-Sta Barbara secret & Highly classified Philippine Missile / (1st rocket P.H)
-The Bukang Liwayway Rocket Projects
-Anti Typhoon Rockets - In 1973, the Philippines already developed a missile system; can prevent incoming typhoon in the country,
-The Blue diamonds - (1st JET team fighter ng Pinas).
"The Best Combatant Pilots in Asia! "
at ang Pilipinas nuon ay nakikipagsabayan sa mga malalakas na bansa kaya tinawag tayong the rising Tiger of Asia.
(Karamihan dyan ay makikita nating mga naka display nalang sa mga kampo, ala-ala nalang. yung iba naman hanggang ngayon ginagamit parin, gaya ng C130 plane)
-No.1 exporter of Rice and Sugar in the world
-Drugs are not rampant and drinking alcohol on the side of the roads is prohibited
-No Foreigners to Buy Real Estate in Philippines
-The only president that does not make use of a "cheat sheet" When giving a speech here and abroad.
-Currency Exchange Rate: 2 Pesos = 1 Dollar.

-The Build Build Build Program nuon ni Makoy, na ngayon sa katauhan naman ni Pangulong DUTERTE.
" the Dutertenomics - Build! Build! Build! "

-alam nyo din ba na ang Alabang eh dapat ay tinatawag na Satellite City. (Matibay, Magandang Pabahay para sa mga mahirap) dahil ang pagkaroon ng "ISKWATER" nuon, ay isang "KRIMEN".

-MAHARLIKA-PILIPINAS, dahil ang bansa daw natin ay Mayaman at angat sa lahat.
-The 40 Wall Street tower (New York City) na ngayon ay Trump Building na, na matatagpuan sa America, ang plano para ang mga Amerikano ang nagttrabaho satin.

Presidential DECREE Law MADE Ferdinand Marcos

1. POEA
2. the National Manpower and Youth Council (now TESDA)
all the building he made that with Blas ople
3. rename to SSS matagal na but he change he make it same like U.S
4. rename it GSIS matagal na but he change he make it same like U.S
5. PAGASA
6. NAWASA
7. PAGIBIG
6. DEATH PENALTY
7. National Home Morgage
8. PAGCOR
9. 13 MONTH PAY
10. MASAGANA99
11. NUTRIBUN Program.
12. BLISS
13. KADIWA

- FOOD Terminal Inc. (FTI)
-Hydro-electric Dams like:
-Magat Dam: (Southeast Asia's first large multipurpose dam)
-Pantabangan Dam
-Binga-Ambuklao Dam,
-Angat Dam
-Caliraya Dam
-Maria Cristina Dam

* MERALCO - sa gobyerno yan nuon, isang kumpas lang ni marcos para gantong presyo lang ang kuryente.
* PETRON Corp. - The Largest oil refining in the phils.
* Philippine Airlines (goverment owned)

😢 halos lahat ng nabanggit sa taas na pag-aari ng gobyerno, naibenta na, (private na ngayon) so sino yung magnanakaw? na sinasabi at tinuturo mula nuon.

MARCOS COMPLETED POWER PLANTS:

Marcos completed Power plants in 20 years-----
1). Bataan Nuclear Power Plant, completed 1983
2) Leyte Geothermal Power Plant, completed 1977
3)Makiling-Banahaw Geothermal Power Plant, completed 1979
4) Tiwi Geothermal Power Plant, completed 1980
5) Angat Hydro Electric Power Plant, completed 1967
6)Kalayaan Hydro Electric Power Plant, completed 1982
7) Magat A Hydro Electric Power Plant, completed 1984
8)Magat B Hydro Electric Power Plant, completed 1984
9)Pantabangan Hydro Electric Power Plant, completed 1977
10)Agus 2 Hydro Electric Power Plant, completed 1979
11)Agus 4 Hydro Electric Power Plant, completed 1985
12) Agus 5 Hydro Electric Power Plant, completed 1985
13) Agus 7 Hydro Electric Power Plant, completed 1982
14) Pulangi Hydro Electric Power Plant, completed 1985
15) Agus 6 Hydro Electric Power plant, recommissioned in 1977
16)Masiway Hydro Electric Power Plant, completed 1980
17) Main Magat Hydro Electric Power Plant, completed 1983
18)Calaca Coal Power PlantCompleted in 1984,
19) Cebu Thermal Power Plant completed in 1981,
20) Palinpinon 1 Southern Negros Geothermal production Field completed in 1983.
Not mentioned are diesel plants
VS
Cory Aquino, Ramos, Estrada, Gloria Macapagal, Ninoy Aquino III in 26 years-----
1) "ZERO" - every new power plant built During their time were all privately Owned ( mostly by Lopezes, AboitIz, Aquino And Cojuanco Family) and is now owners of some Power Plants completed during Marcos.

1) Amlan Municipal High School was established 1972
2) Amparo High School was established in 1979
3) Aplaya National High School was established 1969
4) Balayan National High School (BNHS) established 1985
5) Balibago National High School established 1970
6) Bayugan National Comprehensive
High School established 1980
7) Buenavista National High School established 1972
Dalupaon National High School established 1972
9) Don Emilio Macias Memorial National
High School established 1982
10) Dona Francisca Lacsamana de Ortega Memorial
National High School established 1972
11) Dr. Juan G. Nolasco High School established 1966
12) Eastern Samar National Comprehensive
High School established 1969
13) Francisco P. Felix Memorial National High School
(FPFMNHS) established 1973
14) Gen. T. de Leon National High School establsihed 1969
15) Ismael Mathay, Sr. High School, formerly called
the GSIS Village High School established 1971
16) Jose Borromeo Legaspi Memorial National
High School established 1981
17) Kaong National High School 1974
18) Lawang Bato National High School established 1967
19) Liloy National High School established 1974
20) Mag-aba National High School established 1977
21) Mandaluyong High School established 1977
22) Navotas National High School established 1983
23) ParaƱaque National High School (Main Campus)
(Formerly known as ParaƱaque Municipal
High School) established 1969
24) Pasay City North High School established in 1969
25) Pedro E. Diaz High School established 1977
26) Philippine High School for the Arts established 1977
27) Pinagtongulan National High School established 1967
28) Punta National High School established 1971
29) San Juan National High School established 1968
30) San Mateo National High School established 1985
31) San Pablo City National High School established 1969
32) San Pedro Relocation Center National
High School established 1970
33) San Ramon National High School established 1967
34)Tabon M. Estrella National High
School established 1981
35) Makati Polytechnic Community College-
Technical High School founded in 1972
36) Tomas Cabili National High school Iligan city 1971
37) Dasmarinas National high School 1971
Marcos Established/Founded State Colleges/Universities in 20 years
1)Don Mariano Marcos Memorial State University in La Union founded in 1981
2)Mariano Marcos State University in Ilocos Norte founded in 1978
3)Kalinga-Apayao State College in Tabuk Kalinga founded in 1970
4)Abra State Institute of Science and Technology in Abra founded in 1983
5)Pangasinan State University founded in 1979
6)University of Northern Philippines founded in 1965
7)Philippine State College of Aeronautics founded in 1969
8)Cagayan State University established in 1978
9)Quirino State University established 1976
10)Isabela State University established 1978
11)Pampanga Agricultural College established 1974
12)Mindoro State College of Agriculture and Technology-Calapan City established 1966
13)Occidental Mindoro State College established 1966
14)Palawan State University established 1965
15)Bicol University established 1969
16)Camarines Sur Polytechnic Colleges established 1983
17)Rizal Technological University established 1969
18)Technological University of the Philippines established 1971
19)Capiz State University 1980
20)Guimaras State College 1968
21)Northern Negros State College of Science and Technology established 1971
22)West Visayas State University became established as university in January 1986
23)Leyte Normal University 1976
24)SLSU- (Southern Leyte State University)- Sogod 1969
25)SLSU- Hinunangan 1975
26)SLSU- Tomas Oppus feb. 1 1986
27)SLSU- Bontoc 1983
28)SLSU- San Juan 1983
29)Basilan State College 1984
30)Western Mindanao State University became a university in 1978 followed with building the satellite campuses in..
WMSU-Alicia campus, Zamboanga del Sur
WMSU-Aurora campus, Zamboanga del Sur
WMSU Curuan, Zamboanga City
WMSU-Diplahan, Zamboanga Sibugay
WMSU-Imelda, Zamboanga Sibugay
WMSU-Ipil, Zamboanga Sibugay
WMSU-Mabuhay, Zamboanga Sibugay
WMSU-Malangas, Zamboanga Sibugay
WMSU-Molave, Zamboanga del Sur
WMSU-Naga, Zamboanga Sibugay
WMSUOlutanga, Zamboanga Sibugay
WMSU-Pagadian City, Zamboanga del Sur
WMSU-Pitogo, Zamboanga del Sur
WMSU-San Ramon, Zamboanga City
WMSU-Siay, Zamboanga Sibugay
WMSU-Tungawan, Zamboanga Sibugay
31)Central Mindanao University established1965
32)Misamis Oriental State College of Agriculture and Technology established 1983
33)Northwestern Mindanao State College of Science and Technology estbalished 1971
34)Davao del Norte School of Fisheries established 1969 ( now known as Davao del Norte State College)
35)Mati Community College (MCC) founded in 1972 ( now known as
Davao Oriental State College of Science and Technology)
36)Malita Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology founded 1966 now known as
37)Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology
38)University of Southeastern Philippines established 1978
39)Cotabato Foundation College of Science and Technology established 1967
40) Cotabato City State Polytechnic College established 1983
41)Mindanao state university- Iligan city founded 1968
42)Mindanao state university- Gensan city founded 1971
43)Surigao del Sur State University founded 1982
44)Surigao Del Norte School of Arts and Trades (Founded in 1969) now known as Surigao State College of Technology
45)Sulu State College founded in 1982
46)Tawi-Tawi Regional Agricultural College founded in 1975
47)Adiong Memorial Polytechnic State College founded in 1970's
47 ( that i have found so far) out of 108 state universities and college are established and accomplished projects of FERDINAND E MARCOS. He also improved and re equipped the remaining colleges/ Universities that were established/ founded before 1965.

Marcos completed Bridge projects in 20 years
1) Biliran Bridge150 meters long of Leyte, completed 1975
2) Buntun Bridge 1369 meters long of Tuguegarao-Solana, Cagayan, completed 1974
3) Candaba Viaduct Pulilan 5000 meters long of Bulacan-San Simon, Pampanga, completed 1976
4)Mactan-Mandaue Bridge 864 meters long of Lapu-Lapu-Mandaue, Cebu 1972
5) Magapit Suspension Bridge 449 meters long of Lal-lo, Cagayan completed 1978
6)Mawo Bridge 280 meters long Victoria, Northern Samar completed 1970
7) Patapat Viaduct 1300 meters long Pagudpud, Ilocos Norte completed 1986
9)San Juanico Bridge 2060 meters long Tacloban, Leyte-Santa Rita, Samar. Completed 1973
Not to mention the unnamed hundreds of bridges under 100 meters long.
TOTAL LENGTH = 11472 meters long
VS.
Cory Aquino, Ramos, Estrada, Gloria Macapagal, Ninoy Aquino III Combined completed Bridge projects in 26 years
1)Agas- agas Bridge, Southern Leyte 350 meters long completed 2006
2)Agat Bued Bridge, La Union 500 meters long completed 2010
3)Bamban Bridge, Pampanga 174 meters long completed 1998
4)Cansaga Bay Bridge, Cebu 640 meters long completed 2010
5)Jones Bridge, Isabela 350 meters long completed 2008
6)Macapagal Bridge, Agusan del Norte 907 meters long completed 2007
7)Magat Bridge, Isabela 926 meters long completed 1991
8)Marcelo Fernan Bridge, Cebu 1237 meters long 1999
9)Narciso Ramos Bridge, Pangasinan 1442 meters long completed 1997
10)Old Amburayan Bridge, Ilocos Sur 535meters long completed 2010
11)Pantal Bridge, Pangasinan 380 meters long completed 2008
TOTAL LENGTH = 7441 meters

-Di nyo napansin? puro tayo 1st in Asia nuon sa mga projects? anu kaya ang naging Pilipinas ngayon kung hindi naupo ang dilawan no?

"MARAMI PA YAN, DI KO LANG MALAGAY NA BAKA HINDI NYO NA BASAHIN PA HAHAHA"

-Philippines is one of the richest country in Asia.

**Alam nyo ba na ang prime minister ng singapore at ng karatig nting mga bansa eh, bilib kay marcos, kaya ganyan kaunlad ang mga bansa nila gaya ng sg at korea kasi sinunod kung pano magpatakbo o magpa unlad ang dating presidente.

30 years na nakalipas, kamusta na ang dating binansagang Maharlika-Pilipinas?

"Pagpugay sa isang Presidenteng hindi nabigyan ng Karangalan sa kanyang mga nagawa"

History Books? na puro masama ang marcos at sila kuno ang pinakamabuting presidente. naku! gising gising din. nalinlang lang ang Pinoy nuon. 30yrs na nakalipas, tama na ho.

2016: / DUTERTE,
-Mabuhay! at may isang katulad ng marcos ang naupo sa MalacaƱang, isang matalik na kaibigan ng pamilya marcos. sila lang naman talaga kasi ang may malasakit sa bansang Pilipinas. Duterte-Marcos!!! Pag nag sama ang Agila ng South at Agila ng Norte = !!

šŸ”˜ Like and Share mo muna to. bago mo panuorin yung video na nasa babang (link)

šŸ“Œ Panuorin ang Interview ni Mel Tiangco about sa yaman, ang yaman nila hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo ang kaya nilang tulungan, soon mangyayari yan pag wala ng kontra sa pamahalaan, konti nalang PDU30 konting Linis pa sa mga yellowzombies! makakamtan ang ginhawa, magbabalik ang isang bansang maharlika, alam ni PDU30 na malapit na yun kaya nabanggit nya ngayon yung about sa Maharlika/Philippines, kasi gusto nyang ituloy ang pangarap ni Marcos para sa bansang pilipinas!

ā–¶ļø PANUORIN NATIN:
https://www.facebook.com/165356550146280/videos/2112331862228004/

Ctto

P.S. SANA ITO ANG NAKALAGAY SA MGA KINAMULATAN NATING TEXTBOOKS o AKLAT SA SCHOOL... KASO HINDI EH, DAHIL MINANIPULA NA NG MGA MAKAKALIWA!
IPAKALAT NATIN ITO PARA MA-EDUCATE NATIN ANG MGA BAGONG HENERASYON NATIN.

MAGING PROUD KA AT MAGPASALAMAT!!
BAKA ISA SA MGA YAN AY
-NAGAMIT MO
-NAPUNTAHAN MO
-AT KASALUKUYANG NAPAKIKINABANGAN MO!šŸ™‚

Address

Pasay City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Asignaturang Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram