05/01/2026
๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐ ๐จ๐ก๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ฑ
Ang isang halaman ay maihahalintulad sa taoโsa tahimik ngunit tuluy-tuloy na pagsibol nito. Hindi man agad napapansin, ang bawat araw ay may kaunting paglago. Ang bawat pagkakalubog ay nagiging aral, at ang bawat aral ay dahan-dahang humuhubog sa mas matibay na pagkatao.
Ang dahan-dahang paglago nito ay kagaya ng paghubog sa ating personalidad sa tuwing tayoโy natututo mula sa bawat pagsubok. Maaaring hindi agad makita ang positibong resulta, ngunit sa bawat araw na nagpapatuloy tayo, unti-unti tayong nagiging mas kaaya-aya, mas buo, mas handa, at mas matatag.
Tulad ng isang halaman, bawat isa ay may kaniya-kaniyang katangian. Dumaraan tayo sa init ng araw na sumusubok sa ating tibay, sa ulan na sumasalamin sa mga luha at pinagdaanan, at sa hangin na minsang nagtutulak upang tayoโy sumuko. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga ugat na patuloy na kumakapitโmga pangarap, paniniwala, at dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy.
At sa bawat bagyong dumarating, hindi na ito tanda ng pagbagsak kundi paalala ng pag-angat. Sapagkat ang unos na minsang nagpayanig sa atin ang siyang nagpatibay sa ating mga ugat. Hindi ka na muling babagsak gaya ng dati, dahil sa bawat pagtindig mo matapos ang bagyo, mas lumalalim ang iyong pundasyon. Sa bawat sugat, may paglago; sa bawat pagbangon, may mas malinaw na direksyonโhanggang sa ang munting pagsibol ay maging matatag na tindig at ang dating hina ay maging lakas na hindi na matitinag.
โ๐ป: Rosalyn Babaran
๐ผ๏ธ: Aliya Cervantes