09/08/2025
📌 Breastfeeding: Shocking pero Totoo na Facts
1. Nagbabago araw-araw ang gatas mo — Nag-a-adjust ito sa nutrients at antibodies depende sa pangangailangan ni baby.
2. Nature’s first vaccine ni baby — ang Colostrum, yung thick yellow milk sa first few days ay puno ng immune-boosting antibodies.
3. Calorie burner for mommy — Nakaka-burn ng up to 500 calories a day ang pag-breastfeed
4. Customized medicine — May mga antibodies sa gatas mo na swak sa sakit na na-expose ka o si baby.
5. Night milk = better sleep — Mas maraming melatonin sa gatas kapag gabi, kaya nakakatulong sa tulog ni baby
6. Cancer fighter — Mas mababa ang risk ng breast at ovarian cancer sa mga mommies na nag-breastfeed
7. Perfect food for baby — Kumpletong-kumpleto sa fat, protein, vitamins, at minerals na kailangan ni baby
Gayunpaman, hindi dapat ikanahihiya kung hindi kaya or hindi “enough” ang breastmilk mo. Feeding your children formula milk is acceptable but always consider trying steps to help you produce more milk. Maaaring magkonsulta sa aming mga doctor kung kayo po ay nahihirapang mag breastfeed!
HAPPY BREASTFEEDING MONTH!
Sincerely,
HMCL