Doc Liza Ramoso-Ong

Doc Liza Ramoso-Ong Official Page of Dr Liza Ong. Doc Liza shares her health tips, including cooking and family tips.

22/10/2025
May Kabag at Masakit ang TiyanPayo ni Doc Willie OngKapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay...
22/10/2025

May Kabag at Masakit ang Tiyan
Payo ni Doc Willie Ong

Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.
Tips para maiwasan ang kabag:
1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.
2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

Pwedeng Makita sa Paa kung May Delikadong Sakit.Magugulat ka sa  #3,  #6,  #10,  #15.By Doc Willie Ong (Internist and Ca...
21/10/2025

Pwedeng Makita sa Paa kung May Delikadong Sakit.
Magugulat ka sa #3, #6, #10, #15.
By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)

Pwedeng Makita sa Paa kung May Delikadong Sakit.Magugulat ka sa #3, #6, #10, #15.By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)Panoorin ang Video:https://you...

Snoring o Paghilik: Anong DahilanPayo ni Doc Willie OngHalos 50% sa atin ay humihilik paminsan-minsan. Ang paghilik ay n...
21/10/2025

Snoring o Paghilik: Anong Dahilan
Payo ni Doc Willie Ong

Halos 50% sa atin ay humihilik paminsan-minsan. Ang paghilik ay nangyayari kapag ang hangin na iyong hininga habang natutulog ay naharang sa iyong lalamunan. Ito ang dahilan para ang iyong lalamunan ay mag-vibrate o gumawa ng malakas na tunog.

Mga Dahilan ng Paghilik:
1. Mouth Anatomy.
Habang natutulog ka, ang mga muscles sa iyong bibig (palate), dila at lalamunan ay naka-relax, at maaaring bahagyang makaabala sa daanan ng iyong hininga. Ang pagkakaroon ng mababa at makapal na palate o lumaking tonsils o laman sa likod ng iyong lalamunan ay maaaring makapagpa-kitid sa daanan ng hangin. Ang sobra sa timbang ay nakadaragdag para maging ma-kitid ang daanan ng hangin.

2. Problema sa Ilong.
Ang malalang pagbabara ng ilong o ang baluktot na pagkakahati sa butas sa ilong (deviated nasal septum) ay maaaring dahilan ng paghilik.

3. Sleep Apnea.
Ang paghilik ay maaaring nauugnay sa obstructive sleep apnea. Inilalarawan ito sa pamamagitan ng malakas na hilik na sinusundan ng katahimikan na maaaring tumagal ng 10 segundo o higit pa. Sa ganitong seryosong kondisyon ang daanan ng iyong hininga ay napipigil o lumiliit na ang hangin na iyong nalalanghap ay hindi na sapat para sa iyong kailangan. Kumonsulta sa doktor na pulmonologist.

4. Pag-inom ng Alak.
Ang pahilik ay maaaring dala ng sobrang pag-inom ng alak bago matulog. Ang alak ay nagpapa-relax ng muscle ng lalamunan at binabawasan ang iyong likas na panlaban sa pagharang ng mga daanan ng hangin.

Kumonsulta sa doktor kung ang iyong paghilik ay magdulot ng hirap na paghinga sa gabi, pananakit ng ulo sa umaga, sobrang antok sa umaga, pamamaga ng lalamunan, high blood, at iregular na pagtibok ng puso.

Lunas sa Premenstrual Syndrome (PMS)Payo ni Doc Willie OngKung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabag...
21/10/2025

Lunas sa Premenstrual Syndrome (PMS)
Payo ni Doc Willie Ong

Kung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabago-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang premenstrual syndrome.
Kaya malunasan ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes.
1. Baguhin ang iyong diet.
• Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.
• Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.
• Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.
• Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng fat-free, o low-fat dairy products. Pwede uminom ng calcium supplements.
• Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.
2. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay maaaring magpakalma ng maraming mga sintomas.
3. Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng premenstrual syndrome.
• I-plano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.
• Magkaroon ng sapat na tulog
• Magsanay ng pang-parelax na therapy. Ang pagsasanay ng malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa, o hindi pagkatulog.
Kung hindi gumaling ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes, kumonsulta sa iyong doktor.

Address

Pasay City
1300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Liza Ramoso-Ong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram