14/04/2024
๐๐๐ฎ๐ง๐-๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง ๐๐ข๐ฅ๐ค ๐๐๐ง๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Pormal na pinasinayaan ang unang Human Milk Bank sa Lungsod ng Muntinlupa noong Biyernes, April 5, sa OSPITAL NG MUNTINLUPA-OFFICIAL (OsMun).
Katuwang sa proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ang Rotary Club Muntinlupa Filinvest at Rotary Club-Hongseong-Hongju, South Korea na nag-donate ng pasteurizing machine sa lungsod.
Sa oras na maging operational ang Human Milk Bank, makakatulong ito sa mga premature at critically-ill newborn at infant sa mga ospital sa Muntinlupa (maging ng mga kalapit na lungsod) na nangangailangan ng breastmilk.
Kasama ng Punong-Lungsod sa launching sina City Health Office-Muntinlupa Head Dr. Juancho Bunyi, OsMun Director Dr. Edwin Dimatatac, City Nutrition Action Officer Dr. Magdalena Meana, Rotary Club Muntinlupa Filinvest Heads Ms. Luz Pacifico at Ms. Ana Ong, at Rotary Club Hongseong-Hongju, South Korea.