19/09/2025
Grabe ang nangyare sa Amin kahapon sa work pumasok ang katrabaho namin 6am at around 8am ng Umaga pumasok sya sa loob ng office umupo at Maya Maya nahimatay sya, Hindi namin alam kung bakit Anong reason dahil muka nmn syang okay Akala namin nag bibiro, nang pra- prank Hanggang sa Hindi na sya gumagalaw biglang sumigaw ang Kasama ko tinawag Ang manager namin pinulsuhan ng manager namin at Maya Maya nagsagawa sya ng CPR at sinabi na tawagin ang company nurse, at agad agad ginawa ng aming Kasama Hanggang sa dumating ang nurse nag check din ng pulse rate ,Hanggang sa nag Sabi na tumawag nang ambulance. Agad agad may dumating na ambulance pag dating sa hospital nilagyan ng tubo, at kinuryente mga ilang Oras pa ay lumabas ang doctor at sinabing, "pasyensya na po ginawa po namin ang lahat pero Hindi na po nag response ang pasyente,.. bilang HR nakaramdam Ako ng napakabigat na pakiramdam, at tinawagan ang mga pamilya ng aking ka trabaho, Hindi ko alam sa paano nasa mas magaan ko sasabihin ang nangyare. Napakahirap at the age of 27 years old nawala sya ng biglaan, naulila nya ang kanyang Asawa at anak. Na-realize ko ang ikli ng Buhay para Magalit, para maging malungkot, at para mag isip ng mga problema sa Buhay, Hindi naten alam bukas or Maya Maya maari tayong mawala na parang Bula. Ang nangyare sa aking ka trabaho ay Isang salamin sa bawat Isa sa Amin na mahalin Ang Sarili ang trabaho ay nanjan lang pero ang pagod na katawan kapag sya ang sumuko Wala ka nang magagawa kung Hindi Ang sumunod sa kagustuhan ng katawan mong mag retiro na dahil sya ay lubusang pagod na pagod na.
Moral Lesson
Mahalin Ang Sarili, okay lang Hindi maging okay, wag naten sagarin ang ating mga Sarili sa trabaho , maraming bayarin pwede mo bayaran ng paunti unti, umiwas sa mga utang at luho sa buhay. Kung Ikaw ay Asawa at nasa Bahay maghanap ka ng paraan para matulungan ang inyong Asawa na kumita kahit nasa Bahay Maraming kumikita online para Hindi kayo pareho mabigatan sa Buhay dahil sa panahon ngaun Hindi sapat na Isa lang Ang nag tratrabaho magtulungan hanggat kaya para Hindi mabaon sa bayarin at mag laan parin ng tamang Oras para mabigyan ang sarili ng sapat na pahinga.
゚viralシfypシ゚viralシ ゚viralシfypシ゚viralシalシ