08/01/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Pasigueรฑos!
Sa pagsilang ng bagong taon, ipinagkaloob sa atin ng Senior Sto. Niรฑo ang biyaya ng panibagong buhay at pag-asa. Bilang pasasalamat sa Kanyang kabutihan at kabanalan, sama-sama nating ipagdiwang ang 25th Bambino Grand Festival dito sa Lungsod ng Pasig!
Sa ilalim ng temang โBambino de Pasig, Gabay at Inspirasyon ng mga Pasigueรฑo sa Pagkakaisa at Paglilingkod,โ magkakaroon ng Novena Mass tuwing 04:00PM sa Immaculate Conception Cathedral-Pasig (ICC-Pasig) simula bukas, Biyernes, January 9, 2026, hanggang sa January 17, 2026 (Sabado sa isang linggo).
Samantala, sa January 18, 2026 (Linggo), gaganapin ang Holy Mass sa parehong simbahan ng 01:00PM.
Ang nasabing misa ay susundan ng Bambino Grand Parade bandang 04:00PM, kung saan ang mga imahen ng Banal na Sanggol na si Hesus mula sa 13 parokya sa lungsod ay matutunghayan mula E. Caruncho Ave. hanggang ICC-Pasig.
Bilang panghuling aktibidad kaugnay ng Bambino Grand Festival 2026, ang Bambino Exhibit ay ilulunsad sa Pasig City Museum sa January 26, 2026. Bukas ang exhibit ng 02:30PM-08:00PM sa nasabing araw, habang 09:00AM-08:00PM naman mula January 27 - February 7, 2026.
Viva Bambino de Pasig!