Rizal Medical Center

Rizal Medical Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rizal Medical Center, Hospital, 425 Pasig Boulevard, Pasig.

SENTRONG MEDIKAL NG RIZAL
500-Bed DOH-Retained Tertiary Hospital

🏆 ISO 9001:2015 CERTIFIED
🏆 ISA-PGS PROFICIENT 3-Time GOLD TRAILBLAZER
🏆KWF-Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo PubliKO Antas IV
🥉CSC- PRIME-HRM Level II
🩺 PHILHEALTH Center of Excellence Contact numbers:
Trunk Line:
8865-8400
Emergency Room: loc. 215 -216
Human Resource Department: loc. 140
OPD Services: loc. 193
Cellphone numbers:
🚨 Emergency Room
(+632) 8566-0790 | +63921-578-4174
Human Resource Department
+63995-559-6059
OPD Telemedicine Services:
https://tinyurl.com/RizalTeleMed2022

Kung mayroon kang anumang feedback sa aming mga serbisyo mangyaring ipadala ang kumpletong detalye at sanaysay sa:
Public Assistance and Complaints Unit Email: pacu@rmc.doh.gov.ph

CONGRATULATIONS!SAMUEL O. RAYMUNDO, RN, MANChief Nursing OfficerFor winning the Excellence Award in Hospital Management ...
13/09/2025

CONGRATULATIONS!

SAMUEL O. RAYMUNDO, RN, MAN
Chief Nursing Officer

For winning the Excellence Award in Hospital Management Asia 2025 as CHIEF NURSE OF THE YEAR awarded in Vietnam! 🏆✨

From among 399 entries across 14 countries, his remarkable leadership and dedication truly stood out.

This prestigious recognition is not only a personal achievement but also a proud moment for the entire Rizal Medical Center family, as we all celebrate this milestone of excellence and success. 🎉👏



PANAWAGAN‼️Nananawagan po kami sa sino mang nakakakilala o kamag-anak ng pasyente na si MR. JOSEPH ORABE LAZAR.Si Mr. La...
11/09/2025

PANAWAGAN‼️

Nananawagan po kami sa sino mang nakakakilala o kamag-anak ng pasyente na si MR. JOSEPH ORABE LAZAR.

Si Mr. Lazar ay kasalukuyang naka admit dito sa Medical Ward ng RizalMed. Siya ay nakatira sa Lindayag St., Pineda, Pasig City mula pa noong 2020. Dinala siya ng kanyang kaibigan na si Louie Dordas Jr. dito sa ospital noong Agosto 29, 2025.

Ngayon ang pasyente ay pauwi na ngunit wala siyang bahay na mauuwian. Ang kanyang ina ay si Tarciana Lazar, mga kapatid ay sina Josephine, Judith, Jeron at si Jessie na umano ay nakatira sa San Andres Bukid Manila.

Huling naaalala niya ay nakatira sila sa General Mariano Alvarez (GMA) Cavite. Kung sino man po ang nakakakila sa kanila at sa pasyente maaaring tumawag at mag text sa mga sumusunod na numero ng Medical Social Work Department 0977-244-0131/8-865-8400 local 134.

Maraming Salamat po!


Mas Pinadali na ang Pagbabayad sa RizalMed! 💙Ka-RizalMed para sa inyong kaginhawaan, tumatanggap na ang RizalMed ng GCAS...
11/09/2025

Mas Pinadali na ang Pagbabayad sa RizalMed! 💙

Ka-RizalMed para sa inyong kaginhawaan, tumatanggap na ang RizalMed ng GCASH Payment** gamit ang SCAN-TO-PAY System 📲✨

👉 Bukod dito, maaari ring magbayad sa pamamagitan ng:
✔ Landbank Link.Biz **
✔ Credit Card Payment (Visa & Mastercard) **
✔ Cash Payment ay available pa rin

Sa RizalMed, hangad naming gawing mas mabilis, mas madali, at mas abot-kaya ang serbisyo para sa bawat Pilipino. 🇵🇭💙

*May karampatang BANK CONVENIENCE FEES



CONGRATULATIONS TO OUR NEW DIPLOMATES!!! RizalMed DEPARTMENT OF PEDIATRICS congratulates the following graduates for pas...
07/09/2025

CONGRATULATIONS TO OUR NEW DIPLOMATES!!!

RizalMed DEPARTMENT OF PEDIATRICS congratulates the following graduates for passing the Philippine Pediatric Society Specialty Board WRITTEN AND ORAL EXAM FOR DIPLOMATES:

⭐️ DR. MA. ANGELI G. MERCADO
⭐️ DR. VERONICA A. TATAD-SUMPAY

We are very proud of you!

MAGING KA-RIZALMED‼️📢 SA LAHAT NG MGA INTERESADONG APLIKANTE 📢Inaanyayahan ng RizalMed ang lahat ng interesadong aplikan...
05/09/2025

MAGING KA-RIZALMED‼️

📢 SA LAHAT NG MGA INTERESADONG APLIKANTE 📢

Inaanyayahan ng RizalMed ang lahat ng interesadong aplikante na magsumite ng kanilang aplikasyon para sa 67 NA BAKANTENG POSISYON

Hinihikayat din ang mga Persons with Disability (PWD), miyembro ng katutubong komunidad, at mga indibidwal na may iba’t ibang sexual orientation, gender identity at expression (SOGIE) na mag-apply.

📌 Mangyaring tingnan ang kwalipikasyon na nakasaad sa post na ito para sa bawat bakanteng posisyon.

✅ Para sa NON-DOCTORS: bit.ly/RizalMed_Application
✅ Para sa DOCTORS: bit.ly/RizalMed_application_Doctors

📌 PARA SA RIZAL MED PLANTILLA PERSONNEL:
1. Sulat ng intensyon na nakapangalan kay Dr. Maria Rica M. Lumague, FPCS, MHA, Medical Center Chief II
(Para sa Doctors: idadaan kay Dr. Roel Tito A. Marcial, FPCS, MBA-H, Chief of Medical Professional Staff II)
2. Maayos na napunan at updated na Personal Data Sheet (PDS) na may pinakabagong larawan
3. Photocopy ng Individual Performance Commitment Review (IPCR) para Enero–Hunyo 2025 na may Very Satisfactory Rating (4.0–4.99)

📌 PARA SA KASALUKUYANG JOB ORDER / CONTRACT OF SERVICE PERSONNEL AT WALK-IN APPLICANTS:
1. Sulat ng intensyon na nakapangalan kay Dr. Maria Rica M. Lumague, FPCS, MHA, Medical Center Chief II
(Para sa Doctors: idadaan kay Dr. Roel Tito A. Marcial, FPCS, MBA-H, Chief of Medical Professional Staff II)
2. Maayos na napunan na Personal Data Sheet (PDS) na may pinakabagong larawan (madadownload sa csc.gov.ph)
➕ Para sa Doctors: Curriculum Vitae
3. Photocopy ng PRC License at Board Rating / Civil Service Certificate of Eligibility
4. Photocopy ng authenticated Diploma at Transcript of Records (mula sa Registrar)
5. Photocopy ng authenticated Diploma o Fellowship Certificate, kung meron (mula sa Specialty Society)
6. Photocopy ng mga sertipiko ng training
7. Photocopy ng Performance Rating/Appraisal/Evaluation (para sa mga galing sa private organizations na mag-aapply sa non-entry level)
8. Certificate of Employment
9. Iba pang kinakailangang dokumento, kung meron

🔎 Karagdagang Requirements para sa Medical Officer III Applicants:
• Photocopy ng Certificate of Class Standing
• Photocopy ng S2 License

📅 Simula ng Pagsusumite: 05 SETYEMBRE 2025
📅 DEADLINE ng Pagsusumite: 15 SETYEMBRE 2025

❗ PAALALA: Ang mga aplikasyon lamang na MAIPAPASA sa loob ng SUBMISSION PERIOD ang TATANGGAPIN ng RizalMed.


PANAWAGAN:Nananawagan po kami sa sino mang nakakakilala o kamag-anak ng pasyente na si Gng. REMEDIOS MARTINEZ ALIX, 58 t...
02/09/2025

PANAWAGAN:

Nananawagan po kami sa sino mang nakakakilala o kamag-anak ng pasyente na si Gng. REMEDIOS MARTINEZ ALIX, 58 taong gulang, na noon ay nakatira sa Caniogan, Pasig City.

Si Gng. Alix ay dinala sa Emergency Room ng Rizal Medical Center noong AGOSTO 21, 2025.
Batay sa nakalap na impormasyon, ang pangalan ng kanyang ina ay VERINIA MARTINEZ at siya ay ipinanganak sa TONDO, MAYNILA. Nakatira umano siya sa pamilya ng dating niyang amo. Napag-alaman din na si Gng. Alix ay dating kasambahay ng ina ng kanyang naging tagapag-alaga. Wala silang kaugnayan ngunit tinutulungan siyang pansamantalang patuluyin noon.

Sa kasalukuyan, dahil sa kanyang kalagayan at pangangailangang magpagaling, aminado ang kanyang mga dating kakilala na limitado ang kanilang maibibigay na tulong. Siya ay kasalukuyang walang tirahan at nangangailangan ng maayos na matutuluyan upang maipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling.

Kung sino man po ang nakakakilala kay Gng. Alix o sa kanyang pamilya, mangyaring makipag-ugnayan agad sa:
Medical Social Work Department (MSWD)
0977-244-0131
(02) 8865-8400 Local 134

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong tulong at pakikiisa.


CONGRATULATIONS!!!Rizal Med proudly congratulates ...⭐️ MAY ANNE ELIZABETH M. DAGOS-CIMARRA, MD, FPCR, FCTMRISPFor succe...
01/09/2025

CONGRATULATIONS!!!

Rizal Med proudly congratulates ...

⭐️ MAY ANNE ELIZABETH M. DAGOS-CIMARRA, MD, FPCR, FCTMRISP

For successfully passing the CT-MRI FELLOWSHIP SPECIALTY BOARD EXAMINATION given by the Philippine Board of CT-MRI.

Your Rizal Med family is very proud of you!


PABATID: SA LAHAT NG EMPLEYADO, BISITA AT PASYENTE NG RIZALMED Alinsunod sa pabatid ng DILG ayon sa rekomendasyon ng PDD...
31/08/2025

PABATID: SA LAHAT NG EMPLEYADO, BISITA AT PASYENTE NG RIZALMED

Alinsunod sa pabatid ng DILG ayon sa rekomendasyon ng PDDRMO, na nag-uutos na suspindihin ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa piling lugar kabilang ang Metro Manila at mga kalapit na probinsya ngayong araw, LUNES, SETYEMBRE 01, 2025 dahil sa malakas na pagulan at inaasahang pagbaha, ipinagbibigay alam sa lahat ang mga sumusunod na OPERATIONAL HOURS na ipapatupad ngayong araw sa RizalMed:

🟢 BUKAS ang OUT-PATIENT DEPARTMENT (OPD) mula 07:00 AM – 04:00 PM.

🟢 BUKAS ang OPD Pharmacy mula 08:00 AM – 05:00 PM.

🟢 BUKAS ang MALASAKIT CENTER (MSWD)
In-Patient at OPD : 08:00 AM – 05:00 PM
Emergency Room: 24/7

🟢 Ang Main Emergency Room (ER) ay mananatiling BUKAS at OPERATIONAL 24/7.

🟢 Ang trabaho sa mga ADMINISTRATIBONG OPISINA ay magpatuloy ang operasyon sa ilalim ng SKELETON WORKFORCE na natukoy at naaprubahan ng kani-kanilang mga Service Chiefs.

Maraming Salamat po at Ingat Ka-RizalMed!


MAGING KA-RIZALMED‼️3 NA BAKANTENG JOB ORDER NA POSISYON PARA SA RIZALMEDInaanyayahan ang lahat ng interesadong indibidw...
29/08/2025

MAGING KA-RIZALMED‼️

3 NA BAKANTENG JOB ORDER NA POSISYON PARA SA RIZALMED

Inaanyayahan ang lahat ng interesadong indibidwal na suriin ang PUBLICATION OF VACANT POSITIONS para sa QUALIFICATION STANDARDS at COMPLETE LIST OF REQUIREMENTS.

Ang mga kwalipikadong aplikante kabilang ang mga taong may kapansanan (PWD), mga miyembro ng katutubong komunidad, at diverse sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE) ay hinihikayat na mag-apply.

📌Ipasa ang kompletong requirements sa link na ito: https://bit.ly/RizalMed_JobOrder_Application?r=qr o i-scan ang QR Code na matatagpuan sa unang larawan sa post na ito.

DEADLINE FOR SUBMISSION: 08 September 2025


✨ PAGTATAGUYOD NG WIKANG FILIPINO SA SERBISYONG PAGKALUSUGAN SA KAGAWARAN NG KALUSUGAN ✨Noong Agosto 20, 2025, idinaos s...
29/08/2025

✨ PAGTATAGUYOD NG WIKANG FILIPINO SA SERBISYONG PAGKALUSUGAN SA KAGAWARAN NG KALUSUGAN ✨

Noong Agosto 20, 2025, idinaos sa Bulwagang Quirino ng Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC), Lungsod Quezon ang "Oryentasyon tuon sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 para sa mga Ospital at Institusyong Pangkalusugan sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan", kasabay nito ay naganap din ang makasaysayang Panunumpa at Paglagda ng Pakikiisa ng iba’t ibang kinatawan ng mga ospital at institusyong pangkalusugan bilang suporta at pagtalima sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 s. 1988 (EO 335 s. 1988).

Sa makasaysayang seremonyang ito, pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang pangako na gamitin at paunlarin ang Wikang Filipino bilang pangunahing wika ng serbisyo publiko, upang lalo pang mapalapit ang kani-kanilang institusyon sa mamamayang Pilipino.

🇵🇭 Sa pagtutulungan at sama-samang paninindigan, ating itinataguyod na ang WIKANG PAMBANSA ay tulay ng Malasakit, Pagkakaisa, at Matuguning Serbisyo Publiko.

Naging matagumpay na naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan ng mga Lupon sa Wikang Filipino ng Pang-alaalang Sentrong Medikal Amang Rodriguez (ARMMC), Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC), Sentrong Medikal ng Rizal (RizalMed) at gabay ng Kagawran ng Kalusugan (DOH) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).





📸 Quirino Memorial Medical Center

✨ Matagumpay na Pagsasagawa ng Oryentasyon ukol sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ✨Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan n...
28/08/2025

✨ Matagumpay na Pagsasagawa ng Oryentasyon ukol sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ✨

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, matagumpay na isinagawa ang Oryentasyon tuon sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 para sa mga Ospital at Institusyong Pangkalusugan sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan noong Agosto 20, 2025 sa Bulwagang Quirino ng Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino, Lungsod Quezon.

Dinaluhan ito ng 26 na ospital at pasilidad pangkalusugan mula sa Kalakhang Maynila at CALABARZON. Layunin ng pagtitipong ito na patibayin ang paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng komunikasyon at serbisyo sa sektor ng kalusugan.

Ang programa ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna at pakikipagtulungan ng mga Lupon sa Wikang Filipino ng:
🏥 Pang-alaalang Sentrong Medikal Amang Rodriguez (ARMMC)
🏥 Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC)
🏥 Sentrong Medikal ng Rizal (RizalMed)

At pakikiisa at gabay ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭




PABATID‼Ang OB - Labor Room/Delivery Room (OB-LRDR), OB - Operating Room (OB-OR), at OB - Emergency Complex (OB-ER) ng R...
27/08/2025

PABATID‼

Ang OB - Labor Room/Delivery Room (OB-LRDR), OB - Operating Room (OB-OR), at OB - Emergency Complex (OB-ER) ng Rizal Medical Center ay PANSAMANTALANG NAKASARA upang maisagawa ang kinakailangang paglilinis at pagpapatupad ng infection control measures.

Makakaasa ang publiko na agad kaming magbibigay ng abiso kaugnay ng muling pagbubukas ng mga nasabing pasilidad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.


Address

425 Pasig Boulevard
Pasig
1600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Rizal Medical Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category

Our Story

The Rizal Medical Center (formerly The Rizal Provincial Hospital) is a DOH-retained Level III hospital born out of a need for the government to solve health problems and alleviate sufferings of medically indigent patients and clientele of the various people of the province of Rizal in particular, its catchment areas and the country in general. It marks its 70th year of operations, armed with a renewed commitment as an institution of excellence. It started as a 25 bed institution, and now it has grown to a 500 bed capacity hospital. Through the years, the institution has trained medical students and interns, nursing students at all levels, medical technologists, as well as post-graduate trainees in medical specialties, nursing and hospital administration, medical records management, Medical Records Officers, Central Supply Services and Nutrition-Dietary services, and others who wished to avail of our services including 3rd party participants and trainees. For seventy years of loyal and dedicated services since its inception, the medical center continues to make its institutional presence felt by promoting sound and appropriate management guided by the following objectives: To provide a high quality of clientele/patient care to as many people as possible economically and efficiently. To render emergency treatment and first aid in accidents and disasters. To assist in the preventive aspects of public health, such as case finding, immunization, pre-natal examinations, etc. To serve as a laboratory and workshop for doctors, nurses, medical technologists and all other health disciplines who are in training. To provide expanded and extended health services to other areas where there is a need. To facilitate staff development of all technical and non-technical hospital personnel at all levels through formal and informal programs of education, in-service training and continuing professional education. To enhance opportunities for research and studies. The vision of the professional group of managers of the Rizal Medical Center is to set up an organization that would speed up health development through the introduction of better and effective hospital management strategies and systems. To date, we can look back with humility and satisfaction because the dream has materialized into reality, far beyond our expectations.