23/03/2021
Ano nga ba ang pinagkaiba ng Emergency Fund, Insurance, Investment? Ano ang dapat unahin?
3. Investments - paraan upang palakihin mo yung pera mo. Bakit kailangan mong mag invest, di ba pwedeng nasa banko nalang lahat ng pera ko?
👉👉 Inflation Rate (pagbaba ng purchasing value ng pera) : 4.7%
https://www.rappler.com/business/inflation-rate-philippines-february-2021
👉👉 Interest Rate (pagtubo ng pera) : 0.125%
https://www.bpi.com.ph/bank/deposit-rates-savings-and-checking
So kung may 1000 ka sa banko, after a year magiging 1001.25 pesos na ito dahil sa interest. Ngayon, halimbawa 1000 per kilo ang halaga ng isang produkto, after a year, 1047 pesos na halaga nito per kilo.
Oo, tumubo nga ng 1.25 pesos pera mo, pero nagmahal naman ang bilihin ng 47 pesos. In short, nalugi ka pa ng 45.75 pesos kada 1000 pesos.
Ngayon, saan maganda mag invest?
Pwede sa Precious Metals, Real Estate, Crypto, Stock Market, etc.
Kung balak mo pumasok sa stock market, pwede ma maging direct trader, or pwede ka kumuha ng Fund Manager mo para. mag manage ng fund mo.
Ano kinaibahan nila?
Pag direct trader ka, you will do the trading. Wala kang papasahurin na Fund Manager. Pero dapat maalam ka mag trade at may oras ka mag trade. Kung wala ka nito pareho, malamang malugi ka lang.
Kung may fund manager ka naman, may papasahurin ka, pero ano naman kapalit nun, may maggagawa ng trading para sayo. Lesser risk malugi ka kahit wala kang alam about trading, at di mo kailangan tutukan ng maigi.
Think of it as hiring a maid.
Kung magha hire ka ng kasambahay, may gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng paglalaba, paglilinis, etc. Nakatipid ka sa oras, di mo kailangan aralin ito, at dahil expertise nila iyon, mas maganda yung output. Di ka naman siguro kukuha ng kasambahay na walang alam sa gawaing bahay.
Kung di ka naman kukuha, ikaw gagawa ng lahat ng iyon. Ubligado kang aralin, at maglaan ng oras para sa mga gawaing bahay. Pero wala kang pinapasahod na kasambahay.
Pero diba mas maganda kesa magfocus ka dun na di mo naman expertise, gugulin mo nalang yung oras mo kung san ka magaling. Halimbawa isa kang engineer, edi focus ka nalang how to get additional projects to increase your income. I believe higit na mas malaki pa din yung madadagdag sa income mo compare sa ibabayad mo sa kasambahay.
Ngayon ano mas ok sayo?
In getting a fund manager, I suggest na humanap kayo mg may magandang credentials, para ma minimize yung risk at tumaas yung chance ng potential gain.
May mga insurance policies din na insured ka na, invested ka pa, 2 in 1 kumbaga. Eto yung tinatawag na VUL or (Variable Unit Linked).
Ok sya dahil protected ka na, at may investment ka pa na hinahandle ng fund manager. May kanya kanyang purpose din ang VUL, kaya I suggest humanap ka din ng Financial Advisor na kaya ipaliwanag ito sayo ng maayos.
Based sa previous post ko, unahin mo muna yung emergency funds at insurance, nandun din explanation kung bakit or pwede mo pagsabayin insurance at investment in the form of VUL.
PS: kung gusto mo mas malaman pa how VUL works, at kung ano uses nito, Pm mo lang ako friend, explain ko sayo. No commitments naman after 🙂.