
10/09/2025
‼️WALA DAW BUDGET‼️
➡️When I was a resident doctor, nagdala ako ng SARILI KONG ECG machine sa public hospital dahil walang ECG ang ER…..WALA DAW BUDGET 😳
Bilang isang doctor in training sa isang pampublikong ospital, kailangan mong magtiis at kumilos with limited resources. Nasanay kami sa SISTEMANG KULANG KULANG.
WALANG BUDGET 👀
Walang budget kaya kulang ang gamit, kulang ang gamot, kulang ang nurses, kulang ng helpers, at kulang ng mga doktor. Tiniis at tinyaga namin ang paduduty ng ganito ang sitwasyon. Pumapasok kami at nagsisilbi despite our situation dahil ultimately, bilang doktor, we want to give our patients the best care.
WALA DAW BUDGET‼️
WE WERE MADE TO BELIEVE NA WALA TAYONG PERA, WALANG BUDGET ANG GOBYERNO KAYA KULANG ANG GAMIT. KAILANGAN MAGTIIS.
PINANIWALA NYO KAMI NA MAHIRAP LANG TAYO.
WHAT A LIE.
That ECG machine was purchased from my own money. I was earning around 57K (MINUS TAX) a month during that time. The cost of this machine was at about 50K.
50,000 Php kumpara sa BILYON BILYONG PISONG BINULSA NINYO GALING SA KABAN NG BAYAN.
WALANG BUDGET??? O NAIWALDAS NYO NA SA CASINO?
MAY BUDGET!! NASA BULSA NG MGA GAHAMAN.
Imagine what that amount could do for the filipino people. 🥹
TIP OF THE ICEBERG PA LANG YAN. Di pa kasama sa imbestigasyon ang ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan.
Nakakapagod na po magsilbi sa bansang ito. Tapos magtataka kayo bakit nag aalisan na ang mga healthcare workers natin.
If you are a healthcare worker, anong mga sacrifices ang nagawa mo for your patients na dapat sana ay provided ng gobyerno?