
11/06/2025
Ang Mpox ay nakakahawang sakit dulot ng monkeypox virus na may sintomas katulad ng smallpox.
Ayon sa Department of Health, ang Mpox ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng malapitang kontak sa taong may impeksyon. Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, pantal, pananakit ng katawan, at pamamaga ng kulani.
Ang maagang pagkilala sa sintomas at agarang pagpapakonsulta sa health center ay mahalaga upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Iwasan ang pisikal na kontak kung may sintomas, at panatilihin ang kalinisan ng sarili at paligid.
Mahalagang manatiling maalam at mapanuri sa mga babalang dala ng Mpox. Protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.
Maging responsable, magpakonsulta kung may sintomas, at sundin ang payo ng mga eksperto.