08/08/2025
๐ฃ๐ผ๐๐-๐ฆ๐ข๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ | ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฃ๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐ผ ๐๐ถ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฌ๐ผ๐๐ถ ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฝ๐ฒ
Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 28, 2025, inilatag ng administrasyon ang mga plano na tutukan sa mga susunod na taon. Ngunit sa mahabang talumpati ng Pangulo, ni isang linya ay walang inilaan para sa isang isyung patuloy na pumapatay sa libu-libong Pilipino taon-taon: ang paninigarilyo at paggamit ng v**e.
Nakadidismaya ang pananahimik na ito lalo na't napakalaki ng pinsala na inihahatid ng mga bisyong ito sa bawat Pilipino. Ayon sa datos, tinatayang 112,000 na mga Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Mas nakababahala pa, isa sa bawat pitong kabataang edad 13 hanggang 15 ang gumagamit na ng v**e. Sa gitna ng lumalalang krisis sa kalusugan, ang pananahimik ng Pangulo ay isang malaking pagkukulang.
Kung ikukumpara sa mga naunang pangulo, kapansin-pansin ang kawalan ng malinaw na polisiya ni Marcos Jr. kaugnay ng to***co control.
Sa ilalim ni Gloria Macapagal-Arroyo, naisabatas ang To***co Regulation Act (RA 9211) at niratipikahan ang World Health Organization Framework Convention on To***co Control (WHO FCTC), isang pandaigdigang kasunduang tumututol sa impluwensya ng to***co industry.
Sa panahon ni Benigno Aquino III, naipasa ang makasaysayang Sin Tax Law na nagtaas ng buwis sa sigarilyo. Ginagamit ang kalakhan ng pondong nakukuha rito para sa Universal Health Care (UHC).
Kay Rodrigo Duterte, nilagdaan ang Executive Order No. 26, na nagtatag ng nationwide smoking ban sa halos lahat ng public areas (enclosed at outdoor) sa bansa. Hinigpitan din ang batas sa Designated Smoking Areas (DSAs). Bagamaโt bago bumaba sa pwesto ay kapansin-pansin ang pananahimik niya at hinayaan niyang tumuloy sa susunod na administrasyon ang kontrobersyal na V**e Bill. Isa itong panukala na nagbaba ng age of access mula 21 sa 18 at inilipat ang regulasyon mula Food and Drug Administration (FDA) patungong Department of Trade and Industry (DTI).
Sa panahon ni Marcos Jr., hindi maikakaila ang mas malalim na ugnayan ng gobyerno sa industriya ng tabako. Isang buwan matapos umupo, nag-lapse into law ang V**e Bill at tuluyang naging RA 11900 o V**e Regulation Law. Tahimik, walang pagtutol, at walang paliwanag.
Taong 2022, lumabas ang isang larawan kung saan nakita na nagkaroon ng pulong ang executives ng Philip Morris sa Malacaรฑang kasama ang First Family. Malinaw nitong ipinakita ang pagtanggap ng gobyerno sa presensya at impluwensya ng to***co industry sa pinakamataas na antas ng pamahalaan.
Noong 2024, dumalo mismo si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagbubukas ng โsmoke-free productsโ manufacturing facility sa Tanauan, Batangas. Sa parehong taon, lalong uminit ang isyu nang ituring ang v**e at sigarilyo bilang โagricultural productsโ sa RA 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Tila ipinantay ito sa mga produkto gaya ng mais at bigas. Isang malinaw na insulto ito sa mga produktong nagbibigay-buhay dahil ang yosi at v**e ay mga produktong pumapatay.
Marso nitong taon, tumanggap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng donasyon mula sa Philip Morris. Malinaw na paglabag ito sa FCTC na nagsasaad na hindi dapat tumanggap ng anumang anyo ng tulong o pakikipag-ugnayan mula sa to***co industry ang alinmang ahensya ng gobyerno. Ilang linggo bago ang SONA, itinalaga bilang hepe ng Presidential Communications Office si Dave Gomez, dating executive ng parehong kompanya. Ito ay patunay na sa halip na labanan ang industriya, tila ginagawaran pa ito ng puwesto at impluwensya sa loob ng gobyerno.
Ayon sa 2023 To***co Industry Interference Index, ikatlo ang Pilipinas sa Asya kung saan may pinakamalakas na impluwensya ang industriya ng tabako, kasunod lamang ng China at Japan. Kung pagbabatayan ang mga kilos (o katahimikan) ng administrasyon, masasabing makatarungan ang ranking na ito.
Nanawagan kami sa Pangulo na patunayan na hindi ang industriya ng tabako ang kumokontrol sa mga polisiya ng bansa laban sa yosi at v**e.
Iminumungkahi ng SWP ang pag-amyenda sa V**e Law upang itaas muli ang edad ng maaring makabili sa 21 o higit pa, ibalik sa FDA ang regulasyon, at ipagbawal ang flavored v**es/e-cigs at online selling.
Kasabay nito, dapat tanggalin ang yosi at v**e sa listahan ng mga produktong protektado sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Hindi ito essential goods na mahalaga para sa food security ng bansa. Mas nararapat na palakasin ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas laban sa illicit trade ng to***co products at siguruhing mananagot ang mga lumalabag.
Isinusulong din ang Smoke-Free at V**e-Free Bill na naglalayong palakasin ang proteksyon lalo ng kabataan mula sa yosi at v**e, alisin ang indoor smoking at va**ng areas, pataasin ang parusa para sa mga lumalabag, at magbigay ng insentibo sa LGUs na magpapatupad nang maayos na programa kontra yosi at v**e. Hinihikayat din ang Pangulo na himukin ang LGUs na magpasa ng ordinansang nakabatay sa WHO FCTC.
Kailangan ding taasan pa ang buwis sa yosi at v**e para mabawasan ang mga pwedeng makabili at madagdagan ang pondo para sa UHC.
Kung patuloy na mananahimik ang Malacaรฑang, mananatiling mahina at hilaw ang laban ng bansa kontra yosi, v**e, at sa mapanlinlang na industriya ng tabako. Mananatiling pangarap ang tunay na UHC hanggaโt hindi tinutugunan ang ugat ng pagkakasakit ng mamamayang Pilipino.
**eFreeNOW
_________
Artist: Justin Ray N**o