New Bambang Health Center

  • Home
  • New Bambang Health Center

New Bambang Health Center A DOH-Accredited PCF, an accredited Philhealth Yakap Clinic, under the City Health Department of Pasig, providing DOH health programs for all ages.

This page is for health information dissemination only. Please visit us from Monday-Friday, 8am to 5pm.

🩺💛
14/02/2026

🩺💛

🤝 PhilHealth YAKAP: Serbisyong may malasakit, mas pinalapit sa bawat Pasigueño!
04/02/2026

🤝 PhilHealth YAKAP: Serbisyong may malasakit, mas pinalapit sa bawat Pasigueño!


02/02/2026

Patibayin mo ang iyong baga 🫁 kaibigan!

❌️ Umiwas or itigil ang paninigarilyo
✅️ Mag-suot ng face mask lalo na sa matataong lugar
✅️️ Matulog ng sapat na oras
✅️ Kumain ng masustansyang pagkain
✅️ Mag-ehersisyo araw-araw

Agad magpa-konsulta kung magkaroon ng alinmang sintomas tulad ng:

🗣 ️2 linggo o mahigit na ubo
🤒 ️Paglalagnat madalas sa gabi
🥵️ Labis na pagpapawis
👤 Pagpayat

Tandaan 📣: Ang sakit na TB ay nagagamot/ gumagaling.
Hindi kailangan bumili ng gamot dahil may LIBRENG GAMOT para rito. Libre rin ang konsulta, pagpapa xray, DSSM at Gene Xpert tests para rito.




Ano nga ba ang PHILHEALTH  YAKAP?Alam mo ba, ang New Bambang Health Center ay isang accredited YAKAP Clinic. Magdala lam...
31/01/2026

Ano nga ba ang PHILHEALTH YAKAP?

Alam mo ba, ang New Bambang Health Center ay isang accredited YAKAP Clinic. Magdala lamang ng Philhealth ID at personal na magpa-rehistro mula Lunes-Biyernes 8am to 4pm.

Dalhin ang:
Philhealth ID: Para sa edad 18 years old pataas.
Member data record (MDR): sa edad 17 at pababa.

📌 Kung hindi pa miyembro ng Philhealth, huwag mag-alala, LIBRE ang magpa- rehistro, magpunta sa Philhealth Office at magdala ng any valid ID.

💙🩺

💙 ALAGANG PRESYON, IWAS KOMPLIKASYON! 🩺Nitong Lunes, January 26, matagumpay na naisagawa ng mga RMC Medical Interns, FCM...
28/01/2026

💙 ALAGANG PRESYON, IWAS KOMPLIKASYON! 🩺

Nitong Lunes, January 26, matagumpay na naisagawa ng mga RMC Medical Interns, FCM Training officer Dr. Izra Mananguit kasama ang New Bambang Health Center staff at PHAs ang Talakayan tungkol sa “Alagang Presyon, Iwas Komplikasyon!” sa Bambang Boys Gym.

Mga natutunan ng dumalo ay tungkol sa:
✅ Pag-aalaga sa blood pressure
✅ Regular na BP monitoring
✅ Healthy lifestyle at tamang pagkain
✅ Pag-iwas sa komplikasyon tulad ng stroke at sakit sa puso
✅️ Oral health

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at sumuporta tulad ni Kap. Rodel Samaniego at Brgy. Council.

💪 Sama-sama, mas ligtas at mas malusog ang ating komunidad!


Congrats FIC Babies for the whole month of DECEMBER 2025!Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶? Ito ang mga batan...
26/01/2026

Congrats FIC Babies for the whole month of DECEMBER 2025!

Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶?
Ito ang mga batang edad 1 taon gulang (less than 13 months old), na nakatanggap at nakakumpleto ng bakuna simula pagka- panganak hanggang maka-isang taong gulang.

Ano- ano ang mga bakunang 💉 sakop nito?
1 dose ng BCG
3 doses ng Pentavalent vaccine (DPT-Hib-HepB)
3 doses ng Oral Polio vaccine
2 doses ng MMR (Measles containing vaccine)
Disclaimer: All photos posted with consent

👶 Ang lahat ng bakunang ito ay LIBRE dito sa New Bambang Health Center

26/01/2026

💙 Alagang Presyon, Iwas Kumplikasyon Health Lecture 💙

Handog ng RMC Dept. Of Family and Community Medicine Medical Interns, kaakibat ang Pasig City Health Dept ngayong Lunes, January 26, 2026.

🪱 National Deworming Month 🪱Mga kabarangay, LIBRE po ang gamot kontra bulate dito sa New Bambang Health Center. Makipag ...
24/01/2026

🪱 National Deworming Month 🪱

Mga kabarangay, LIBRE po ang gamot kontra bulate dito sa New Bambang Health Center. Makipag ugnayan ng personal mula Lunes-Biyernes 8am to 3pm para ma-register at mabigyan nito.

Tandaan: 2 doses na may 6 na buwang pagitan para sa edad 1 taon gulang hanggang 19 years old. At 1 dose para sa 20 years old pataas.



🩷 Usapang Buntis, Atbp 🩷Ginanap ang unang Usapang Buntis, Atbp. nuong January 16, 2026, Biyernes sa Bambang Boys Center....
23/01/2026

🩷 Usapang Buntis, Atbp 🩷

Ginanap ang unang Usapang Buntis, Atbp. nuong January 16, 2026, Biyernes sa Bambang Boys Center.

Ito ay naglalayong magbigay kaalaman hindi lang ukol sa ligtas na pagbubuntis kung hindi pati na rin dagdag kaalaman ukol sa Childhood Immunization, Family Planning, Proper Nutrition/ Breastfeeding at Dental Health ng ating mga buntis.

Maraming salamat sa mga lumahok, at kay Kap. Rodel Samaniego at Brgy. Council sa suportang kanilang binibigay.





𝙈𝙂𝘼 𝙆𝘼𝘽𝘼𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉, 𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙏𝙄𝙈𝘽𝘼𝙉𝙂+ 𝙉𝘼! 📣 ⬇️⬇️⬇️
21/01/2026

𝙈𝙂𝘼 𝙆𝘼𝘽𝘼𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉, 𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙏𝙄𝙈𝘽𝘼𝙉𝙂+ 𝙉𝘼! 📣



⬇️⬇️⬇️

💙 Alagang Presyon, Iwas Komplikasyon! 💙Ang mataas na presyon ay kayang alagaan at kontrolin—kapag maagap, ligtas, at may...
20/01/2026

💙 Alagang Presyon, Iwas Komplikasyon! 💙

Ang mataas na presyon ay kayang alagaan at kontrolin—kapag maagap, ligtas, at may tamang kaalaman. 💪
Alagaan ang puso, protektahan ang pamilya, at piliin ang mas malusog na bukas.

📅 January 26, 2026, Lunes
📍 New Bambang Health Center
⏰ 9:00 AM - 11:00 AM

Sama-sama tayong kumilos para sa mas mahabang buhay at mas matibay na kalusugan. Dahil ang pag-aalaga sa presyon ngayon ay pag-iwas sa komplikasyon ng kinabukasan! ❤️‍🩺✨

Mga ka-barangay 2026 na, ikaw ba ay nakapag-enlist na?Alam mo ba na ang New Bambang Health Center ay isang registered Ya...
19/01/2026

Mga ka-barangay 2026 na, ikaw ba ay nakapag-enlist na?

Alam mo ba na ang New Bambang Health Center ay isang registered Yakap Facility?

Basahin ang nasa ibaba upang malaman kung paano makapagpa-enlist upang ma-avail ang mga kaukulang serbsiyo dulot ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) ng Philhealth.

⬇️⬇️⬇️

Address

Col. F. Victorino Street , Villa Alfonso Brgy. Bambang

1600

Opening Hours

Monday 08:00 - 05:00
Tuesday 08:00 - 05:00
Wednesday 08:00 - 05:00
Thursday 08:00 - 05:00
Friday 08:00 - 05:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Bambang Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram