07/07/2025
IPINABABATID !
Simula sa Unang araw ng Agosto 2025 (August 1, 2025), KINAKAILANGAN ang pagpaparehistro ng mga pasyente gamit ang ‘Registration Form’ na mabubuksan lamang sa pamamagitan ng ibibigay na LINK sa gagamiting ‘Facebook Messenger Account’, kalakip din nito ang talaan ng mga araw at oras upang makapili ng ‘APPOINTMENT’ sa pagpapakonsulta. Ang bawat pagpa-parehistro ay nangangailangan ng inyong ‘e-mail address’ kung saan ipadadala ang kumpirmasyon.
Matapos ang kumpirmasyon ng napiling ‘appointment schedule’, ito ay ipapadala sa inyong naka rehistrong ‘e-mail address’. Ang ipapadalang kumpirmasyon ay ang gagamiting ‘APPOINTMENT PASS’ na kailangang ipakita sa pagpunta sa Rizal Med Psychiatry Clinic.
Ang mga hakbang na ito ng Rizal Med Psychiatry ay mahalagang bahagi ng proseso sa pagpapakonsulta; ito ay upang mapangalagaan ang integridad at seguridad ng pagbibigay ng serbisyo para sa mental health.