19/06/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ngayong ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐-๐๐, ๐๐๐๐, muling isinagawa ang taunang ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ sa pangunguna ng City Health Department. Katuwang sa pagtaguyod nito ay ang mga kasapi ng programang Urbanlead, na kinabibilangan ng World Health Organization-Philippines, UP College of Public Health, DOH Metro Manila Center for Health Development, at iba pang mga opisina ng ating lokal na pamahalaan tulad ng Office of the City Mayor at City Planning and Development Office. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng nasa 150 hanggang 200 katao na kinabibilangan ng mga Punong Barangay, Kagawad on Health, Sangguniang Kabataan, at mga Civil Society Organizations.
๐๐ ๐ฎ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ, ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ipinahayag ni Dr. Joseph Panaligan, City Health Officer, ang mga naging tagumpay at pinagdaanan ng City Health Department noong taong 2024. Layunin nitong ipakita kung gaano kalayo na ang narating ng departamento, at ang mga plano pa nito upang patuloy na mapabuti ang kalusugan ng mga Pasigueno. Bukod dito, tinalakay naman ni Dr. Stuart Santos, Asst. City Health Officer, ang tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng ating mga barangay batay sa mga nakalap na datos noong taong 2024. Ito ay upang magsilbing gabay sa mga plano at aksyon ng mga lider na komunidad para sa kanilang mga nasasakupan. Kasama din sa mga naging paksa ang kahalagahan ng Health Promotion sa pagbibigay kakayahan sa bawat Pasigueno upang mapabuti ang kanilang kalusugan ant ang mga salik na nakaaapekto dito. Matapos ang mga usaping ito, nagkaroon naman ng sesyon ng paggawa ng isang Barangay Health Scorecard ang mga kalahok. Ang sesyon o workshop na ito ay pinangasiwaan ni Prof. Ernesto Gregorio Jr, at Ms. April David mula sa Urbanlead Program. Layunin nito na magkaroon ng isang kasangkapan na gagabay sa pagsuri ng health system ng mga barangay.
๐๐ ๐ข๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐๐ฆ๐๐ง, ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ipinagpatuloy ang sesyon ng paggawa ng Health Scorecard. Naipakita ng ating mga kalahok ang kanilang interes sa pagtaguyod ng isang epektibong scorecard sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon at pagbibigay ng mga rekomendasyon. Matapos ito, nabigyang pagkakataon pa ang mga kalahok na palawigin ang kanilang mga kaalaman sa public health sa pamamagitan ng pagsali sa 3 parallel sessions, na may mga sumusunod na paksa at resource speaker:
๐ One Health: People, Animals, and the Environment - Dr. Percival Ethan Lao, Asst. Head, Environmental Health and Global Health Security Flagship Program
๐Social Innovations for Health Initiatives - Dr. Meredith Labarda, Country Lead, SIHI
๐Integrating Social Determinants of Health in Brgy Planning - Ms. Christine Ampon, Executive Director, SIKAP, Inc.
Bago matapos ang programa, naimbitahan din si Punong Barangay Quin Cruz ng Brgy. Manggahan upang ibahagi ang mga kanilang programa sa kalusugan at ang naging proseso upang magawa nilang posible at matagumpay ang mga ito.
Kasabay ng 2 araw ng mga talakayan at workshop, isinagawa ang kauna-unahang ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ๐ฌ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง sa ating lungsod. Dito, binigyang pagkakataon ang mga barangay at SK na ipakita ang kanilang mga natatanging proyekto na nakatutulong paunlarin ang kalusugan at social determinants of health sa kanilang mga barangay.
๐๐ ๐ข๐ค๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐๐ฆ๐๐ง, ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, isinagawa ang main event. Nagbigay ang ating panauhing pangdangal na si Ms. Olivia Davies, Acting Deputy Representative of the World Health Organization to the Philippines, ng kanyang mensahe ng pagsuporta para sa mga programang pangkalusugan ng Pasig City. Matapos ito, nagkaroon ng mga pagtalakay tungkol sa mabuting pamumuno sa sektor ng kalusugan ang ating mga kagalang-galang na guest speakers. Sila ay ang mga sumusunod
๐Dr. Manuel Dayrit, Chairman of the Zuellig Family Foundation and Former DOH Secretary
๐Dr. Celia Flor Brillantes, City Health Officer of Baguio City
๐ Dr. Janice Malesido, Chief, Local Health Systems Department, DOH Metro Manila Center for Health Development
Nagkaroon din ng pagkakataon ang ating mga kalahok na magtanong sa ating mga resource speaker kung paano pa mapapabuti ang mga programa sa siyudad at kanilang mga komunidad.
Sa panghapong sesyon naman ay ginawa ang paggawad ng mga parangal at pagkilala ng ating mga komunidad. Ang mga detalye na ito ay ipararating sa hiwalay na Facebook post.
----------------------------------------------------------------------
Ang programang ito ay isang paraan ng pakikiisa ng City Health Department sa ating mga komunidad, sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan sa ating barangay at organisasyon, pagbibigay kaalaman at kasanayan ukol sa public health sa mga lider ng komunidad, at patuloy na pagsuporta sa mga pangangailangan ng ating mga barangay.
Kami ay nagagalak sa patuloy na pagsuporta ng mga Pasigueno. Nawa'y makamit natin ang isang mas masigla at malusog na bayan!