
01/06/2025
🩺 ALERTO SA ALTA PRESYON! 🚨
Alam niyo ba? Ang normal na blood pressure ay nasa hanggang 120/80. Kung ito ay umabot sa 130/80 pataas, maaaring ito ay Stage 1 o Stage 2 Hypertension na!
⚠️ Mag-ingat at magpakonsulta agad!
Sa mga health center sa Pasig, may libreng Risk Assessment at Health Screening para sa mga residente.
💡 Bantayan ang mga senyales ng panganib tulad ng:
✅ Paninikip ng dibdib
✅ Matinding sakit ng ulo
✅ Pagkawala ng malay
✅ Biglaang panlalabo ng paningin
✅ Pagsusuka o pagkahilo
✅ Pamamanhid ng bahagi ng katawan
💙 Ang pagiging maagap sa pag-monitor ng iyong blood pressure ay isang hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay.