
28/11/2023
Magandang umaga!
Matagal na rin nung ma-diagnose ako sa sakit na Diabetes. 12 years na, bata pa ako nung tumama sa akin, dulot na rin siguro ng pag-iinom ko at mga kinakain ko madalas. Biglaang payat ang naging epekto sa akin at napapadalas na din ang pagkangalay. Parang kinukuryente ang binti ko sa umaga na hindi ko mailakad sa sobrang ngalay, hindi naman siya gaano kasakit pero ramdam mo lang na walang balanse kapag itatapak mo sa sahig. Madalas na rin ang pag-ihi ko at minsan kahit tapos na ako umihi ay may lumalabas pa rin, panay-panay tuloy ang salwal na labahin. Tama din talaga ang asawa ko, ang sweet ko daw lagi, kaya naman pati ihi ko nilalanggam na rin. Ganun pa man, kasabay ng mga check-up at exercise ay mas naaalagaan ko ang sarili ko. Mainaman na kasabay din ang mga herbal supplement kagaya ng GlucoCalm na gamit ko ngayon. Yung pag-aalaga ko at sa akin ng asawa ko ay nagiging doble dahil sa mga supplement na nagiging suporta sa pang araw-araw na diet.
Masaya kami ng asawa ko ngayon sa kabila ng pagsubok at disiplina araw-araw sa dami ng bawal dahil sa Diabetes. Lumalaban pa rin para habang andito pa tayo sa mundo ay maalagaan din natin ating mga anak, magiging apo, at iba pang mahal sa buhay. Baka napapahaba na ang kwento ko, isasayaw ko muna ang asawa ko sa kanta na paborito namin โKung kailangan mo ako by Rey Valera.โ
Tamis ng pagmamahal na lang sana ang tumaas, huwag na muna ang blood sugar.
Julius Dimapaltan
Ikaw ba, may kwento rin? Ibahagi mo na โyan sa amin para sa ating munting komunidad.
Like and follow for more stories and health contents! ๐