11/08/2025
May Malambot na Bukol? Baka Lipoma ‘Yan!
Ang lipoma ay isang bukol mula sa taba sa ilalim ng balat.
💡 Malambot at parang goma kapag hinawakan, mabagal lumaki, at kadalasang walang sakit. Karaniwang matatagpuan sa likod, balikat, braso, o leeg.
ℹ️ Hindi ito nakakahawa at kadalasan ay hindi kailangan gamutin—pero puwedeng alisin kung masakit, nakakairita, o nakakaapekto sa galaw o itsura.
📍 Para magpakonsulta tungkol sa mga sakit sa balat, buhok, o kuko, maaaring mag walk-in sa Rizal Medical Center, Department of Dermatology, 3rd floor, Out-Patient Department mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 AM hanggang 4:00 PM para sa LIBRENG konsultasyon.
💬 Maaari ring mag-message sa page ng Rizal Medical Center Dermatology mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 4:00 PM para sa LIBRENG online konsultasyon.
🌐 Bisitahin ang aming website para sa iba pang impormasyon: www.rizalmedicalcenter.gov.ph