19/09/2025
Tunawin ang Bukol sa Suso.
Senyales at Sintomas ng Breast Cancer.
β
1. Hindi lumiliit o nawawala ang bukol kahit na mayroong buwanang dalaw ang babae. Nakadikit ang bukol sa balat o sa chest wall at hindi ito nagagalaw.
β
2. Matigas ang bukol, irregular ang hugis at kakaiba sa nakapaligid ditong bahagi ng suso. May mararamdamang sakit kapag ang bukol ay pinipisil o hinahawakan.
β
3. Maliliit at matitigas na mga bukol sa may kilili. Senyales ito na kumalat na ang breast cancer sa mga lymph nodes. Makakaramdam din ng sakit kapag pinipisil o hinahawakan ang mga bukol na ito.
β
4. Maaaring magkaroon ng pagkapal at dimpling ang balat ng suso. Parang balat ng orange/sunkist ang hitsura ng balat ng suso na apektado ng kanser. Ito ang dahilan kung bakit ang tawag sa senyales na ito ay peau d'orange. May pamumula, pamamaga at mas mainit na pakiramdam sa suso. Senyales ito ng inflammatory breast cancer. Maaaring makaramdam ng pangangati ng suso o utong.
5. Maaaring pumasok paloob ng balat ang utong (inverted). Ang mga normal na utong na biglang umurong o pumasok paloob ay agad dapat ipatingin sa doktor.
β
6. Pagkakaroon ng likidong lumalabas mula sa utong. Ang paglabas ng likidong may halong dugo mula sa utong kahit hindi ito pinipisil ay senyales ng cancer.