
24/08/2025
Ngayong Araw ng mga Bayani, sabay-sabay nating alalahanin at parangalan ang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay, lakas, at talino para sa kalayaan at kapakanan ng ating bayan.
Hindi lamang sina Rizal, Bonifacio, at Aguinaldo ang ating mga bayani—kundi pati ang mga tahimik na mandirigma ng araw-araw: ang mga g**o, manggagawa, magsasaka, frontliners, at bawat Pilipinong tumitindig para sa tama.
"Ibigin mo ang iyong Bayan nang sunód kay Bathalà, sa iyong kapurihan, at higit sa lahat sa iyong sarili." — Andres Bonifacio
Ngayong araw, maglaan tayo ng sandali para magpasalamat, magmuni-muni, at magpatuloy sa laban para sa mas makatarungan at mas maunlad na Pilipinas.