Dela Paz Health Center, Pasig City

Dela Paz Health Center, Pasig City Dela Paz Health Center is a community based DOH-accredited Primary Care Facility that offers quality Health Services. Clinic hours Mon-Fri 8am to 5pm

This page is created for information Dissemination Purposes only.

19/01/2026

LIBRENG GAMOT PARA SA MENTAL HEALTH | As of January 19, 2026
​Mayroon pong available na FREE mental health medicines para sa mga pasyenteng naka-enroll sa ating programa.

​PAANO MAKAKUHA:
​Step 1: Pumunta sa pinakamalapit na Barangay Health Center.
​Step 2: Magpa-register sa Mental Health Program
Lalapit sa staff upang magawan kayo ng sariling record/chart.
​Step 3: Ipakita ang mga sumusunod na requirements:
✅ Valid or Updated Prescription
✅ Valid I.D.
✅ Medical Certificate with diagnosis (Kung mayroon)
​PROSESO SA PAGKUHA NG GAMOT:
​Kung available ang stock: Ibibigay po agad ang gamot pagkatapos ng assessment.
​Kung WALANG stock: Kakausapin kayo ng staff upang i-request ang inyong gamot. Sasabihan po kayo kung kailan ito maaaring balikan (Pick-up).

​⚠️ PAALALA:
Maaaring magbago ang stocks ng mga gamot anumang oras depende sa supply.
​Oras: Lunes-Biyernes, 8 AM - 5 PM

​Follow our page para sa latest updates, announcements, at advisories.
​Alagaan ang kalusugan ng isip, hindi ka nag-iisa.
(Medicines provided by DOH)

17/11/2025
31/08/2025

Alam mo ba?
Good sleep = good mental health!

Ayon sa CDC (2023), ang kulang sa tulog ay maaaring magdulot ng stress, anxiety, at mood swings.
Kaya naman, prioritize rest — para mas healthy ang isip at katawan!

“Sleep is the best meditation.” – Dalai Lama

Hatid ng Mental Health and Substance Abuse Treatment Office – Pasig (MHSATOP).

Para sa updated na impormasyon, siguraduhing naka-Like at naka-Follow sa aming page.

27/08/2025
Parents orientation for the Grade 7 students of DELA Paz High School for the upcoming vaccination this August 15,2025 Fr...
13/08/2025

Parents orientation for the Grade 7 students of DELA Paz High School for the upcoming vaccination this August 15,2025 Friday.

MR TD Vaccine for Grade 7 students

Vaccine

Isinagawa ang BAKUNA ESKWELA noong August 11,2025 Lunes, sa DELA PAZ ELEMENTARY SCHOOL sa mga batang nasa Grade 1, Grade...
12/08/2025

Isinagawa ang BAKUNA ESKWELA noong August 11,2025 Lunes, sa DELA PAZ ELEMENTARY SCHOOL sa mga batang nasa Grade 1, Grade 2 at Grade 4.

Ang mga bakunang ito ay MR TD para sa Grade 1 at Grade 2 at para sa Grade 4 naman ay HPV Vaccine.

Pasiguenong Bakunado
Sigurado Protektado

Programang Handog ng DOH, Pasig LGU ,DepEd.

Salamat din sa ating Barangay Captain and Council sa buong suporta sa ating Programa.

Sa mga nais pong magpabakuna o pabakunahan ang kanilang mga anak na grade 1 ,2,and grade 4 magkakaroon po kami ng next na schedule sa school ng Dela Paz E/S o mkipagugnayan sa inyong class adviser o sa ating Health Center.

09/08/2025
09/08/2025

Hangad ang mas maayos na kinabukasan? Tara, usap tayo sa Family Planning! 📋

Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa iba’t ibang family planning methods tulad ng:

✅ Ligation;
✅ Vasectomy
✅ Implant;
✅ Lactational Amenorrhea Method (LAM);
✅ Intrauterine Contraceptive Device (IUD);
✅ Calendar Method;
✅ Pills;
✅ Injectables; at
✅ Condoms;

Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado!

Isang paalala ngayong Family Planning Month.



08/08/2025

🫁𝑩𝒆𝒔, 𝒌𝒖𝒎𝒖𝒔𝒕𝒂 𝑩𝒂𝒈𝒂?🫁

Mas bigyang pansin at bantayan ang iyong baga ngayong 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝘂𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵!

Narito ang mga sintomas ng sakit sa baga at mga self-check questions:

😷𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗨𝗯𝗼 - 𝙡𝙖𝙢𝙥𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙣𝙜𝙜𝙤?
🤧𝗛𝗶𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗵𝗶𝗻𝗴𝗮 - 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙠𝙤𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙡𝙖𝙬?
😖𝗣𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗸𝗶𝗽 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗯𝗱𝗶𝗯 - 𝙡𝙖𝙡𝙤 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙝𝙪𝙢𝙞𝙝𝙞𝙣𝙜𝙖 𝙤 𝙪𝙢𝙪𝙪𝙗𝙤?

Kung may sintomas, magPa-chek ka Lungs!

𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒎𝒑𝒂𝒏𝒕𝒆 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏, 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒄𝒉𝒆𝒔𝒕 𝒙-𝒓𝒂𝒚 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒚𝒂𝒏.. I-scan ang QR code para mahanap ang pinakamalapit na TB-DOTS sa iyo!





Magandang araw mga Pasigueños. Meron na po tayong namatay sa tigdas (measles) dito sa ating lungsod at mula January hang...
07/08/2025

Magandang araw mga Pasigueños. Meron na po tayong namatay sa tigdas (measles) dito sa ating lungsod at mula January hanggang ngayon, may 13 na tayong kumpirmadong kaso ng Measles. Kung matatandaan, ang kauna unahang kaso ng tigdas ay mula sa isang 10 taong gulang na kung sana nabakunahan siya sa ating paaralan, hinde sana siya magkakatigdas o maiiwasan sana ang pagkakaroon ng pulmonya na siyang komplikasyon ng Tigdas. Bakuna lamang ang tanging paraan upang mailigtas natin ang ating anak sa mga sakit na kagaya ng Tigdas.

Ngayong AGOSTO 2025, ang pamahalaan ng lungsod ng Pasig sa Pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at ng Department of Education (Deped) ay maglulunsad ng malawakang bakunahan sa ating mga pampublikong paaralan laban sa Tigdas, Rubella, Tetanus at Dipterya para sa ating mag aaral sa Grade 1, 2 at 7. May libre ding bakuna para sa ating kababaihan sa grade 4 laban sa cervical cancer.

Ang ating mga bakuna ay libre, ligtas at epektibo.

Kaya kung ikaw ay may anak na nag aaral sa pampublikong paaralan at ito ay Grade 1, 2 at 7 o anak na babae na grade 4,

**August 11,2025 LUNES
Para sa Grade 1, Grade 2 at Grade 4 students
Sa Dela Paz Elementary School

**August 15, 2025 Biyernes
Para sa Grade 7 students ng DELA PAZ HIGH SCHOOL

Mangyari lamang makipag usap sa ating class adviser,school nurse o health center staff na nakakasakop sa inyong brgy para sa inyong karagdagang kaalaman.

Tandaan ang Pasigueñong Bakunado, Sigurado Protektado.

Maraming Salamat po.

07/08/2025
30/07/2025

Magandang araw mga Pasigueños. Meron na po tayong namatay sa tigdas (measles) dito sa ating lungsod at mula January hanggang ngayon, may 13 na tayong kumpirmadong kaso ng Measles. Kung matatandaan, ang kauna unahang kaso ng tigdas ay mula sa isang 10 taong gulang na kung sana nabakunahan siya sa ating paaralan, hinde sana siya magkakatigdas o maiiwasan sana ang pagkakaroon ng pulmonya na siyang komplikasyon ng Tigdas. Bakuna lamang ang tanging paraan upang mailigtas natin ang ating anak sa mga sakit na kagaya ng Tigdas.

Ngayong AGOSTO 2025, ang pamahalaan ng lungsod ng Pasig sa Pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at ng Department of Education (Deped) ay maglulunsad ng malawakang bakunahan sa ating mga pampublikong paaralan laban sa Tigdas, Rubella, Tetanus at Dipterya para sa ating mag aaral sa Grade 1, 2 at 7. May libre ding bakuna para sa ating kababaihan sa grade 4 laban sa cervical cancer.

Ang ating mga bakuna ay libre, ligtas at epektibo.

Kaya kung ikaw ay may anak na nag aaral sa pampublikong paaralan at ito ay Grade 1, 2 at 7 o anak na babae na grade 4,

Mangyari lamang makipag usap sa ating class adviser,school nurse o health center staff na nakakasakop sa inyong brgy para sa inyong karagdagang kaalaman.

Tandaan ang Pasigueñong Bakunado, Sigurado Protektado.

Maraming Salamat po.

Address

Comfrey Lane Cor. F. Mariano Avenue
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dela Paz Health Center, Pasig City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share