23/12/2025
๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐ด, ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฒ๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น! ๐ค๐ผ๐ฅ
Malugod na tinanggap ng Lungsod ng Pasig ang delegasyon ng National Nutrition Council (Official) na binubuo ng mga Regional Nutrition Program Coordinators at Officers-in-Charge mula sa ibaโt-ibang rehiyon sa Pilipinas sa ginanap na ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐ฉ sa lungsod.
Sa maikling programa, ibinahagi ni CNAO Jenily V. Capalaran ang mga best practices at innovations sa pagsasagawa ng programang nutrisyon sa lungsod, lalo na ang epektibong ๐ก๐จ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐๐. Kung matatandaan, ang lungsod ay ginawaran sa katatapos lang na Regional Nutrition Awards bilang Best LGU in Nutrition Governance dahil sa epektibo at maayos na pamamahala pagdating sa programang nutrisyon.
Sa talakayan, napagusapan din ang makasaysayang pagtatatag ng 12th Sangguniang Panlungsod ng Committee on Nutrition and Dietetics, na kauna-unahan sa buong bansa, na hawak ni Konsehal Boyie Raymundo, kung saan naibahagi dito ang paggawa ng ordinansa, paglaan ng sapat na pondo, at mga programang nakalinya sa PPAN.
Sa ngalan ni Mayor Vico Sotto, nagpapasalamat ang Lungsod Pasig sa pagdating ng delegasyon ng NNC at pagkakaroon ng makabuluhan at produktibong Learning Session para sa lahat. Mananatiling bukas ang lungsod sa kolaborasyon sa ibaโt-ibang probinsya, lungsod, at munisipyo upang mas mapatibay ang koneksyon at laban kontra malnutrisyon. ๐ก๐ช๐ผ